CHAPTER 19

3.6K 79 5
                                    

Chapter 19

I am wearing a v neck bright silk shiny dress while my hair is in a loose bun. I put a light make up on my face. I looked again at the mirror for a final looked. Nang matapos akong mag-ayos ay agad akong bumaba at nag paalam na aalis na. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama ako sa bridal shower ni Felicity. Ilang araw ko din itong pinag-isipan pero andito pa din ako at papunta pa din doon.

"Hello..." sagot ko sa kabilang linya nang tumunog ang cellphone ko.

"Hey, Lyons. It's Astraia" halata sa kabilang linya na nasa venue na sila kung saan gaganapin ang bridal shower. 

" I'm just going to ask if you're on your way here?"  she asked.

"Well, yeah" sagot ko.

Binaba na nito agad ang tawag nang sabihin ko iyon. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mangyayari bukas. Bukas din kami aalis papunt sa New York, ipapahatid nalang namin sa driver ang cake na ginawa ko. I don't know how to feel about this. Nang makarting ako sa venue ay agad akong bumaba at pumasok sa loob. 

Nasa isang hall ng hote kami ngayon. May mga nakadesign color white na balloon sa gitna na shape ng letters na ang nakasulat ay 'Ms. to Mrs.'  Habang may mga iba't ibang pag kain sa gintnang bahagi. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid para hanapin kung nasaan sila nakapwesto.

"Lyons!" napatingin ako sa may side ko nang may tumawag sa pangalan ko. NAng makita kong si Heart iyon ay agad akong pumunta sa pwesto nila. Humalik ako kina Heart, Deiva,  at Astraia. KUng sana andito si Eritrea. 

"Mabuti nakapunta ka." tanging ngiti lang ang sagot ko sa sinabi ni Deiva.

Nag announce na ang mc na papasok na ang bride to be kaya lahat ay nakatingin sa entrance na nakasarado pa. HIndi ko maiwasang hindi mangnig dahil ayaw kung makita kung gaano sya kasaya habang ako ay pinapatay ng sakit. Kung nalaman ba ni Permion na mahal ko sya, mamahalin nya din ba ako?

Huminga ako nang malalim bago tumungin sa entrance, nag lalakad si Felicity habang naka suot ng off shoulder white dress at may flower crown sa buhok nito. She looks like an angel. Umupo ito sa pinakagitnang parte ng stage. Nag karoon ng iba't ibang games para sa bride habang ako ay nanatiling nakaupo.

"Bakit hindi ka sumasali?" napatingin ako kay Heart nang itanong nya iyon. She looked innocent as always. HIndi ko alam kung ano ang nakita nito kay Hetius.

"Ikaw? Bakit hindi ka sumasali?" tanong ko pabalik.

"Sabi ni Hetius behave lnag daw ako." hindi ko maiwasang hindi tumawa dahil sa sinabi nito. Kilalang-kilala talaga ni Hetius ang asawa nya. Ngumiti ako sakanya bago tumango.

"I am not in the mood to have fun." sagot ko sa tanong nya kanina. Hindi ko na ulit ito narinig na nag salita kahit ramdam ko ang mga paminsan-minsan nitong sulyap saakin. I feel like I don't belong here, I'm not even close to the bride, I'm juts the groom's best friend and nothing more.

Napatingin ako sa cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Tumayo ako at nag paalam kay Heart na aalis na ako, hindi ko na hinintay ang sagot nito at agad akong umalis sa venue. Hindi ko alam kung saan na ako patungo. I juts go with the flow. Huminto ako sa isang madilim na parte ng kalsada, hindi ko alam kung bakit ako dito huminto.

Tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras, sobrang layo pala ng byahe ko kanina. It's already 12:30, and I'm still here. Pag labas ko ng kotse ay nanuot sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Tumingin ako sa building na nasa harapan ko.

Matagal na din simula nang huli kong punta dito. This condo will be meaningful to me. Niyakap ko ang sarili ko nang humangin. Huminga ako ng malalim bago tumalikod at nag simulang mag lakad pabalik sa kotse ko.

Occupation Series #5: The ArchitectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon