CHAPTER 28

3.9K 68 2
                                    

Chapter 28

Ilang araw matapos ang birthday party ni Heart at ilang araw na din simula noong huli ko silang nakita. Ngayon  araw ay naisipan kong pumunta dito sa cafe dahil wala naman akong ibang gagawin sa bahay.

"Ma'am, nasa labas po yung mga kaibigan nyo. " napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at niluwa si Jane. I nodded my head before standing up.

Hindi ko alam kung bakit sila pumunta dito. Wala naman kasing nag text saakin na dadaan sila dito. Pag labas ko ng office ay naabutan ko sila na nakaupo sa pinaka gilid na part ng cafe. Lumapit ako sa pwesto nila.

"Hey!  " Bati ko sakanila. Sabay-sabay silang tumingin saakin  na may ngiti sa labi. Umupo ako sa tabi ni Eri dahil iyon nalang ang bakanteng upuan.

"What brought you here? " I asked them.

"Well,  it's been days since we last saw each other and we want to bond with you. Lalo na itong si Astraia. " sabi ni Heart. Ngumiti ako kay Astraia.

Nalaman ko na model pala ito katulad ni Deiva at nito lang sila ng kita muli ni Nereus. Marami kaming napag usapan tungkol sa mga naging buhay nila noong wala ako.

"Asan yung mga anak nyo?  Bakit hindi nyo kasama? " takang tanong ko sakanila. They looked at each other and smiled.

"Nasa mga ama nila. Day off nilang lahat kaya sila ang nag bantay ngayon. " sagot ni Deiva. Napatango nalang ako sa sagot nito.

"Boyfriend mo ba yung lalaking sumundo sayo noon? " tanong ni Deiva. Kumunot ang noo ko. Is she talking about Kelio?

"Sya yung din yung andito sa cafe mo noon diba? " tanong ulit nito.

"Yeah,  sya nga iyon  and to answer your first question, yes he's my boyfriend. " sagot ko. Napakunot ang noo ko nang sabay-sabay silang tumingin sa isa't isa. May hindi ba ako alam?

"Bakit? " takang tanong ko.

"Wala lang. We're just curious. " sagot ni Astraia.

"Kawawa naman si Liv noh!  Lumaki syang walang mommy sa tabi nya, hindi ko talaga ma-imagine kung ganoon ang nangyari kay Valentines at Hetius." napatingin ako kay Heart nang sabihin nya iyon.

Bumalik sa isip ko ang mga tanong. Maybe they knows something about what happens to Felicity and Permion. I cleared my throat.

"Bakit wala si Felicity sa tabi ni Liv noong lumalaki sya? Annulled ba sila? " taking tanong ko.

They looked at me sadly, lahat sila ay mukhang natahimik dahil sa tanong ko. I looked at them one by one. Nahinto ang tingin ko kay Eri.

"Well,  we don't really know what really happens or what happens after their wedding. Basta noong umalis ka nag kagulo na ang lahat. Mas mabuti kung si Permion  nalang ang tanungin mo. " sagot ni Deiva.

Tumango ako sakanya bago ibaba ang tingin sa kape na nasa harap ko. Huminga ako ng malalim bago muling makinig sa kwento nila.

"Wait lang! " napatingin kami kay Heart nang sabihin nya iyon. Tumign ito saakin  na parang may emergency.

"Lyons, kakatawag lang saakin  ni Hetius at sabi nya may lagnat daw si Liv pero ayaw uminom ng gamot dahil wala ka. " mabilis nitong sabi.

"Kung pwede daw ay pumunta ka sa bahay ni Permion dahil anduon sila. " sabi pa nito.

"Yeah, you should really go, Lyons. Kawawa naman si Liv lagi nyang hinahanap kay Permion  ang mommy nya pero walang mapakita si Permion. " bakas sa boses nila ang lungkot.

Occupation Series #5: The ArchitectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon