Chapter 7:
Miss Bitch
..."Nanaginip ako kagabi tapos sabi nung mga bata 'Wake up.' puro sila 'Ate Stella, wake up na.' ang weird lang." Kwento ko kela Rui. Gusto daw kasi nilang makipag daldalan at wala pa naman yung teacher namin kaya okay lang.
"Same with me. May ganoon din akong dream. Dati." Evan said without looking at us. Naka focus lang siya sa phone niya pero nakikinig siya sa usapan namin.
"Ginigising ka rin?" Tanong ko kay Evan.
"Yeah." Sagot niya.
"Bakit kaya?" Tanong ko.
"Baka may gusto silang sabihin or anything?" Tanong ni Kevin. "Something nice? Something bad? Or may warning sila? Or may danger na mangyayari kaya kayo ginigising?"
"Mayroon akong dictionary of dreams. Tignan ko kung mayroong meaning nung pag wake up sainyo nung tao sa dream niyo." Sabi ni Ian at may kinuha siya sa bag niya. May nilabas siyang makapal na book at binuksan niya iyon.
"Hm.. 'wake' lang yung nandito sa book. Magka-iba ang meaning ng 'wake up' and 'wake' so hindi natin alam kung anong meaning ng dream niyong dalawa." Sabi ni Ian.
"Borrow nga." Sabi ni Kevin kay Ian kaya binigay ni Ian yung dictionary kay Kevin.
"Ang tagal naman ng teacher natin. Pwede bang pumunta muna sa cafeteria?" Tanong ko sa kanila.
"Don't know." Sabi ni Ian
"Anong klaseng dictionary 'yan? 10,000 dreams explained pero yung iba sa dream ko, wala sa book." Sabi ni Kevin at binalik yung book kay Ian.
"Baka hindi pa nag e-exist yung dream mo nung time na ginawa palang yung book." Sabi ni Ian at binalik sa bag yung dictionary niya.
"Matagal na ba 'yan? Color brown na yung paper at amoy luma na." Sabi ni Kevin kay Ian.
"Nakita ko lang 'yan sa old room doon sa bahay namin." Sabi ni Ian. "Scary nga e."
"Gusto ko rin pumunta sa cafeteria. Gutom na si ako." Sabi ni Kevin.
"Sorry class for being late." Biglang sabi ng teacher sa harap.
Hindi ko napansin 'yon ah?
Nag discuss na siya and syempre as mabait na students, nakinig na kami. Habang nakikinig ako sa discussion ng teacher namin, na-di-distract naman ako dito sa katabi ko. Ewan ko kung bakit ako na-di-distract sa hikab pero kasi pag humihikab siya, napapa-hikab din ako! And napapa-tingin ako sa gwapo niyang mukha! Bwisit Evan!
'Stella, makinig ka sa discussion! Hindi yung puro tingin kay Evan! Distraction 'yang tao na iyan!' Sabi ng mind ko.
Oo na! Makikinig na!
Nakinig nalang ulit ako sa discussion pero humikab ulit si Evan kaya napa-tingin na naman ako sa kanya at nakita ko siyang naka patong ang head sa arms niya na naka patong din sa table and naka pikit siya.
Tignan mo nga itong distraction na 'to. Natutulog na nga lang, ang gwapo pa rin.
"Matutunaw ako, Stella." Biglang sabi ni Evan.
Gising pala siya. "Bakit ba kasi naka ganyan ka?" Tanong ko.
"Nakikinig naman ako e."
"Mapapagalitan ka ng teacher."
"Okay lang. Napag-aralan ko na naman yung tinuturo niya and even if i sleep here, hindi nila ako mapapagalitan. In just one smile, anger melt away." Naka smile na sabi niya pero naka pikit siya.
Bahala na nga. Bakit ko pa siya inaalala? Sino ba siya para alalahanin? Nakinig na ulit ako sa discussion ng teacher naming parang inaantok pag nag tuturo at tumahimik nalang. Bakit kaya parang inaantok siya? Or... Inaantok talaga siya?
BINABASA MO ANG
Until I found You (On-hold)
Teen FictionSynopsis: Stella Micaella Buenavista is a kind, sweet, friendly Author and she is known for her stories and some of them are based on her experience. Stella start making stories when she's 10 years old. She published her first story when she was 16...