Chapter 27:
Stella's best...worst... day...?
..."Are you okay now?" Agad na tanong ni Evan nung naka balik na kami.
"Yeah." Sabi ko. "Pero huwag daw muna ba-basain."
"Narinig mo 'yon, Evan?" Tanong ni Katrina kay Evan. "Don't worry. Inalagaan naman siya ni Rui." Sabay tawa.
"Enjoy ka 'no? Hindi ka lang pinansin ni ano, nag kakaganyan ka na." Sabi ni Evan at bumalik sa pag luluto.
"'Who you' ka pag naging kami." Sabi ni Katrina.
"Sa manhid no'n? Ha! Baka nga mas mauna pang mag karoon ng jowa si Vanessa at Stella kesa sayo e." Sabi ni Evan. "Di ba, Ryne?"
"Ba't nasali ako dyan?" Tanong ni Ryne.
"Connected ka sa sinabi ko. Sige. Deny mo." Sabi ni Evan.
"Wala talagang takas kay Davis." Umiiling na sabi ni Ryne.
Anong pinag uusapan nila?
"And wait lang. Bakit din ako nasali? Ang quiet ko rito, nadamay pa ako." Sabi ni Vanessa.
"Ganoon talaga. Damayan." Sabi ni Ryne.
"Hala ang daming sugar na nilagay." Sabi ko nung nakita kong nag lagay siya ng maraming sugar sa niluluto. "Gagawin mong minatamis 'yan?"
"Trust the process, Stella." Sabi ni Evan sa akin. "Baka pag natikman mo 'to, hahanap-hanapin mo na. Pero okay lang 'yon. Pag naging tayo, palagi kitang lulutuan ng ganito hanggang sa mag sawa ka."
T..teka lang... Wait lang... Puso ko...
"T-tigilan mo nga ako!" Pasigaw kong sabi.
Bakit umiinit ang cheeks ko? Bakit umiinit!
"Ang pula ng mukha." Natatawang sabi ni Ryne. "Kaya pa, Buenavista?"
"Ito, inaasar niyo ako ha? Baka gusto niyong masama yung mukha niyo sa adobo na 'yan." Sabi ko.
"Stella, palusot pa e. Gusto mo lang ako matikman e." Naka smirk na sabi ni Evan.
Bakit ganiyan siya?! Anong nakain nito?!
"Hindi mo na naman nainom yung gamot mo 'no? Nababaliw ka na naman e." Sabi ko.
"Oo, baliw ako." Sabi niya. "Baliw na baliw sayo."
"Nakakakilabot, Davis!" Sigaw ni Ryne. "Dati, kilala ka bilang 'Ice king' pero nung dumating si Buenavista sa Royals, ang 'Ice king' ay natunaw!"
"Bakit ice king?" Tanong ko.
"Walang expressions dati 'yan, Stel. Tapos minsan mo lang maririnig yung boses at ang lamig pa." Sabi ni Vanessa.
"Talaga? Hindi ko alam 'yon ah?" Sabi ni Evan.
"Classmate na tayo since grade 1. 'Wag mo akong lokohin." Sabi ni Katrina.
"Since grade 1?" Tanong ko.
"Yes." Sabay na sagot ni Katrina at Evan.
"Sawa na nga ako sa mukha niyan e." Sabi ni Katrina. "Silang tatlo nila Kevin at Ian."
"Mas sawa ako sa mukha mo." Sabi ni Evan.
"Heh. Naalala ko nung nag bike siya dati sa school, nag papasikat pa e tapos ayon, nahulog sa stairs." Sabi ni Katrina.
"At least hindi ako umiyak no'n." Sabi ni Evan. "Ikaw nga, iyakin e.'
"At least hindi ako bulol sa tagalog no'n." Sabi ni Katrina.
"At least kaya kong sabihin ng mabilis yung 'protractor'." Sabi ni Evan. "E yung sayo? 'Potactor'?"
"Ito na naman po tayo sa debate nung dalawa." Sabi ni Rui.
BINABASA MO ANG
Until I found You (On-hold)
Teen FictionSynopsis: Stella Micaella Buenavista is a kind, sweet, friendly Author and she is known for her stories and some of them are based on her experience. Stella start making stories when she's 10 years old. She published her first story when she was 16...