Chapter 14:
Evan Scott
..."Sinong mag babantay ng things namin? Kami muna o-order. Gutom na ulit ako." Sabi ni Cristal.
"Kami na. Order na kayo." Sabi ni Evan at tumingin ng masama kay Rui. "May pag uusapan lang kami ng 'beshiebells' niyo."
"Dapat ba namin kayong pag layuin?" Tanong ni Cristal. "Parang galit yata kayo e."
"Hindi. Nag aasaran lang kami." Sabi ni Rui kay Cristal.
"Rui. Sama ka nalang sa amin. Order ka na ri--"
"Cristal. Huwag makulit. Go to the counter and order your food. Rui and I just have to talk." Sabi ni Evan kay Cristal.
"O-okay. Let's go, Stella." Sabi ni Cristal at hinila niya ako papunta sa line.
"Anong nanyanyari kay Evan? Bakit siya ganoon?" Tanong ni Cristal sa akin. "He's scary pala."
"Nangyayari, hindi nanyanyari." Pag tatama ko.
"Sorry na. So.. anong 'nangyayari' kay Evan? Bakit siya ganoon?" Tanong niya ulit sa akin.
"Ewan ko ba sa kanila. Kanina pa sila ni Rui." Sagot ko.
"Nung kumakain tayo kanina. Nung sa water tapos yung cake. Parang may something e. Parang iniinis nila yung isa't isa."
"Pabayaan mo na. Baka nag kukulitan lang sila."
"Stella. Tingin sa harap. Ikaw na yung mag o-order."
Tumingin na ako sa harap and umorder na. Pagkatapos kong mag order, as usual, hinintay ko ulit si Cristal and bumalik na kami sa pwesto namin.
"Huwag ka nang umasa, masasaktan ka lang." Sabi ni Rui kay Evan.
"Ikaw ang huwag umasa. Pitikin ko 'yang bibig mo e. Ang sama ng nilalabas." Sabi naman ni Evan.
"Pitikin mo. Gusto mo lang mahawakan yung lips ko e." Sabi ni Rui.
"Gross. I'll never touch your freaking lips, you idiot." Madiing sabi ni Evan.
"Order na kayo." Sabi ni Cristal kayla Evan.
"S-sige." Sabi ni Kevin and tumingin kay Ian. "Bro." Sabi niya and sabay silang tumayo and hinila yung dalawa then pumunta na sila sa counter.
"Ano kaya yung pinag uusapan nila?" Tanong ni Cristal and sabay kaming umupo.
"Ewan ko. Mag kasama tayo kaya hindi ko rin alam." Sagot ko and hinintay muna yung boys.
"Tara, kain tayo, ulam sardinas. Tara, kain na tayo, ulam ko nga lamang ay sardinas. Tara kain na tayo. Ulam ko lamang ay sardinas." Paulit-ulit na sabi ni Cristal.
"Anong pinag sasabi mo? Pizza kinakain mo pero sardinas? Ayos ka lang?" Tanong ko.
"Haha! Wala! Na-LSS kasi ako doon sa napanood kong video. Sardines yung ulam niya tapos paulit-ulit niyang sinasabi yung line na 'yon." Sabi niya.
"Ah."
"Tara kain sardinas lamang... Tara kain na tayo. Sardinas nga lamang ang ulam ko." Bulong ni Cristal.
"Cristal. Stop it. Baka ma-LSS din ako." Sabi ko.
"I can't. Ayaw mawala sa isip ko."
"Hinaan mo lang."
"Okay.."
Hindi na siya nag salita and ganoon din ako. Hinintay nalang namin yung boys pero narinig ko na naman yung 'Tara kain sardinas nga lamang ang ulam ko'. Pinaulit-ulit lang ni Cristal 'yon hanggang naka rating na yung boys.
BINABASA MO ANG
Until I found You (On-hold)
Fiksi RemajaSynopsis: Stella Micaella Buenavista is a kind, sweet, friendly Author and she is known for her stories and some of them are based on her experience. Stella start making stories when she's 10 years old. She published her first story when she was 16...