Typos a d grammatical error ahead!
¤¤¤
XAVIEL POV:
¤¤¤"Salamat sa pgtitiwala Mr. Anderson. Malaking bagay ang pagpapaunlak niyo sa mga negosyo namin." Si Mr. Balubar na ngayon ay hindi na natapos tapos ang paghingi ng pasasalamat sa akin dahil sa pumayag akong makipag share dito ng negosyo.
"Nakita ko naman na maganda ang plano ng negosyong inaalok mo sa akin Mr. Balubar. Sana nga hindi ako mabigo para naman magpatuloy itong magandang nasimulan na natin."
"Makakaasa ka Mr. Anderson. Hindi ka mabibigo. Ipinapangako ko iyan sayo."
Gusto ko sanang sabihin na huwag itong mangako. Basta gawin na lang ang nararapat gawin para maging matagumpay nga ang negosyong pinasok nito.
"Bahala na ang tao kong makipag ugnayan sayo Mr. Balubar. Kung may mga kailangan kang sabihin o mga dapat pang pag usapan ay sa kanya ka na lang lumapit at ito na mismo ang magsasabi sa akin ng mga iyon." Sabi ko dito. "Maayos na ang lahat kaya naman ako na ang unang magpapaalam Mr
Balubar. Marami pa kasing naghihintay na ibang mga trabaho.""Sige Mr. Anderson. Salamat ulit."
Maayos na akong nagpaalam dito.
Hindi pa sana ako magpapaalam dito pero nakaramdam ako ng kakaiba na para bang may mga matang nakatingin sa akin. Pero ng tignan ko ang paligid ay wala naman akong kakaibang nakita sa mga tao na kasama namin sa restaurant. O sadyang nagiging paranoid na lang ako kaya ko iyon naramdaman.
Ahh! Whatever. Basta may kakaiba. May nakatingin sa akin. Malakas ang pakiramdam ko na parang nakasunod lang ang mga mata kung sino man ang taong iyon.
Ilang araw na ba na ganito ang pakiramdam ko na may sumusunod talaga sa akin kahit saan ako magpunta. Pero kapag titignan ko naman ang mga nasa paligid ko ay wala naman akong makitang kakaiba.
Binilisan ko ang paglalakad ko palabas ng restaurant para mawala ang mabigat na pakiramdam sa likuran ko.
Hindi na ako lumingon pa at deretso na akong sumakay ng marating ko kung saan nakaparada ang kotse ko.
Doon na ako nakahinga ng maayos dahil alam ko na wala ng makakakita sa akin sa loob. Nagpakawala ako ng buntong hininga.
Nagmasid muna ako ng ilang minuto sa mga taong lumalabas ng restaurant pero wala talaga akong mapansing kakaiba.
"Pagod lamang siguro to." Pangungumbinsi ko na lang sa sarili ko ng wala naman kwenta ang pagmamasid ko. Hindi na nga ako nagtagal at umalis na ako ng restaurant.
¤¤¤
¤¤¤"Again." Natampal ko ang nuo ko. Overtime na naman ako sa opisina ko kahit na maagang natapos ang trabaho ko.
Wala naman akong gagawin sa condo ko sakaling maaga akong umuwi kaya mas gusto ko pang manatili na lang dito sa kompanya ng hindi ako maboring.
Dinudoble check ko na lang ang ibang mga dukomento para may gagawin ako.
Buhay negosyante. Dito na lang umiikot ang buhay maliban noong nag aaral pa lang kami ni Frances.
Hindi naman ako madalas lumabas kasama ang mga barkada ko simula noong nalaman ko ang kalagayan ko. Para ko na ring ibilanggo ang sarili ko sa kulungang ako na din mismo ang nagtatag.
BINABASA MO ANG
✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga katagang hindi niya makakalimutan na sinabi ng batang lalaki sa kanya. Mas matanda siya dito pero hindi niya alam kung ilang taon ang tanda niya...