Typos and grammatical errors ahead!
○○○
FINALE
○○○Matapos ang kaguhuhan ay tuluyang nasaraduhan ang masamang pangyayaring iyon sa aming buhay. Kabilang na doon ang pagpapaalis ng mga asawa ng sultan sa palasyo at mga anak nito.
Malaki at maluwang ang palasyo at kahit na isang daan pang katao ang tumiri doon ay maari pero para na rin pantay pantay ang lahat ay walang pinaburan ang Sultan isa man sa mga asawa nito at anak. Maliban sa kanya at sa mga anak namin na siyang susunod na uupo sa trono sa palasyo.
Ibinigay ng sultan ang karampatang pamana sa mga anak nitong na babae at halagang ikakabuhay ng mga asawa nito. Tuluyan silang umalis para tumayo sa mga sariling mga paa. Mabuhay ng wala ng sustentong makukuha mula sa Sultan matapos maibigay ang mana ng mga ito.
At minsan pang pinagsabihan ang mga ito na huwag gagawa ng bagay na ikakagalit nito at manghihila sa kanila sa kamatayan.
Walang naging reklamo ang mga ito at masunuring umalis at nilasan ang palasyo. Kaya nung nawala na sila sa nasasakupan ng palasyo ay naging tahimik na ang paligid.
Wala ng naging gulo. Naging mas mapayapa dahil wala na ang mga kapatid niyang napupuno ng inggit sa kanya.
"Hindi na kami magtatagal, ama." Pagpapaalam namin sa sultan.
Nauna ng umuwi sina papa kasama ang kambal kaya dalawa na lang kami ni Mandy ang naiwan at nahuling umuwi.
Tumango ang sultan. Tinapik siya sa balikat.
"Hindi ko na din kayo pipigilan. Mag ingat kayo at kung may kailangan kayo ay magsabi lamang kayo sa akin at kung kaya kong ibigay ay ibibigay ko. Alagaan niyo ang mga sarili niyo at mga apo ko."
"Maraming salamat, ama. Huwag kayong mag alala dahil maalagaan ng maayos ang mga apo niyo." Ako ang sumagot. "Mag ingat din kayo."
"Salamat, hijo. Sige na, humayo na kayo."
Matapos kaming makapagpaalam dito ng maayos sumakay na kami ng private plane. Pagkaway at tingin na lang ang isinunod sa amin hanggang sa tuluyang lumipad ang sinakyan namin.
Tatlong oras ang ginugol namin sa himpapawid bago tuluyang lumapag ang eroplanong sinakyan namin sa landingan ng pag mamay ari ng Anderson.
Malapit lamang iyon. Tatlumpong minuto lamang ang biyahe hanggang sa A. Place.
Muling bumalik ang takbo ng aming buhay sa pang araw-araw. Naging abala sa kanya-kanyang trabaho na isinasabay ang pag aayos ng kasal namin na gaganapin sa A. Place. Sa mismong mansyon ng lolo kung saan doon na halos ginanap ang mga kasal ng mga apo niya. Isasagawa ang aming kasal bago magbagong taon.
Para maging maganda ang pagharap ng bagong taon sa buhay namin kung tuluyan ng masasaraduhan ang relasyon namin ng aktwal na kasal na sasaksihan ng buong angkan ng Anderson.
"Busy?"
Napahawak ako mismo sa kamay niya na iniyakap sa baywang ko mula sa likod. Nakatayo ako sa may balkonahe ng silid namin habang tinitinan ang naisulat doon na preperasyon para sa kasal namin.
Naipilig ko ang ulo ko sa ulo niyang isinampay sa balikat ko. Masuyong humaplos ang isang kamay ko sa pisngi niya.
"No. Dinudoble check ko lang ang lahat para sa kasal bukas." Sagot ko sa kanya bago humarap sa kanya ng maibaba ko ng tuluyan ang hawak ko.
Ako ang yumapos sa kanyang baywang habang siya ay ipinulupot naman sa leeg ko ang kamay niya.
Nagtama ang mga mata namin kasabay ng pagngiti.
BINABASA MO ANG
✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga katagang hindi niya makakalimutan na sinabi ng batang lalaki sa kanya. Mas matanda siya dito pero hindi niya alam kung ilang taon ang tanda niya...