Typos and grammatical errors ahead!
○○○XAVIEL POV○○○
"Good afternoon, Sultan Malik." Pagbati ko sa kanyang ama. "Good afternoon, Prince Manjar." Baling ko naman sa kanya.
Siya na ngayon ang kaharap ko at hindi na ang inutusang magpanggap bilang siya.
Pormal ang suot niya ngayon hindi na may suot din siyang mga hikaw. Hikaw na pwedeng isuot kahit na walang butas sa ilong niya.
Nakasanayan na daw iyon sa kanilang lahi na nagpapahiwatig ng isa siyang maharlika at siya ang magmamana ng trono ng amang sultan.
Pero dahil nga sa hindi legal na asawa ng ama niyang sultan ang kanyang ina ay hindi sa unang magiging anak niyang lalaki maipapasa ang trono na dapat ay sa kanya. At kung sakali man na pwedeng maisalin iyon sa kanya ay nilinaw niyang ayaw niyang maging sunod na sultan.
"Good morning too, Mr. Anderson." Pormal na sagot ng Sultan sa akin.
"Good Morning." Tipid at pormal din na sagot niya. Pero hindi ko maitatagong nagustuhan ko ang ayos niya ngayon.
Ngayon ko napagtanto kaya ako napaptitig sa dating nagpapanggap na siya dahil sa gusto ko ang ayos niya. Bagay na bagay iyon sa kanya at mas natawag ang pansin ko ngayon dahil nandoon na ang kislap ng kanyang mga mata na hindi ko makita noon sa taong inutusan niyang magpanggap. Kay ganda niyang pagmasdan at hindi nakakasawa iyon sa paningin ko.
"Are you with us, Mr. Anderson?" Napakurap ako ng marinig ko ang boses ni Sultan Malik at napatingin ako dito. Naipilig ko ang ulo ko dahil wala akong narinig sa kung ano ang mga sinabi nito dahil natuon ang pansin ko kay Mandy.
"Sorry for that, Sultan Malik. I was just fascinated by Prince Manjar." Totoong saad ko dahilan para mapatitig naman siya sa akin na tila nagustuhan ang sinabi ko sa kanyang ama.
Saka bakit ko iyon itatago kung totoo namang nabighani ako ngayon sa porma niya.
"I can't blame you for that because many people are fascinated by my son, Mr. Anderson." Sagot naman ng sultan na hindi naisip na haluan ang ibang paghanga ko sa anak nito.
"Indeed, Sultan Malik. I feel like trying to court your son to win his heart." Seryusong saad ko panimula sa plano ko.
Gusto kong tignan ang reaksyon nito kung mamasamahin ba nito ang sinabi ko.
Hindi na nga nakakagulat. Nanlaki ang mga mata nito na hindi maitago ang pagkakakunot ng nuo pagkatapos. Kuway may sinabi sa translator nito na nasa likuran lamang nito.
"Ang sabi ng sultan ay hindi magandang biro ang sinabi mo, mr. Andreson."
Seryuso akong muling tumingin sa Sultan.
"Mr. Anderson." Si Mandy na tila gusto akong pigilan sa nais kong sabihin. "Pwede na ba nating ipagpatuloy ang ating usapan tungkol sa negosyo?" Panglilihis nito sa naumpisan naming usapan ng ama niya.
Ngumiti ako sa kanya. "I'm not joking, Prince Manjar. Totoo ang sinabi ko sa iyong ama." Pormal man ang naging salita ko ay may ngiti ako sa labing nakatingin sa kanya na hindi ko mapigilang maaliw ngayon sa pagkalito niya.
Habang isinasalin naman ng translator sa Sultan ang mga sinabi ko kaya mas lalong lumalim ang pagkakagitla ng nuo nito.
Hindi magandang senyales dahil nakikita ko na hindi siya pabor sa mga sinabi ko.
"Hindi ito ang oras ng pagbibiro, Mr. Anderson." Ang translator habang nagsasalita ang sultan sa seryusong tinig at tingin sa akin. "Ipagpatuloy ang pag uusap sa negosyo." Sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga katagang hindi niya makakalimutan na sinabi ng batang lalaki sa kanya. Mas matanda siya dito pero hindi niya alam kung ilang taon ang tanda niya...