Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
XAVIEL POV:
¤¤¤Kunot ang nuo ko na pasilip silip sa gilid ng mga mata ko dahil nakilala ko ang lalaking halos araw araw kong nakakasalamuha.
Kung saan man ako naroroon o kung saan man ako magpunta ay palagi siyang nandoon?
Masyado lamang ba akong nag iisip ng kakaiba o sadyang sinusundan niya ako.
"This is great Mr. Anderson. Salamat sa pagtitiwala."
Napakurap ako at muling bumaling sa mga kausap ko.
"Yeah! I"m counting on you Mr. Sabado." Sagot ko. Tumayo na ako at nakipagkamay ulit dito.
Natapos na naman ang halos dalawa't kalahating oras ng negosasyon sa bagong bubuksang negosyo.
"Of course Mr. Anderson. Hindi ka namin bibiguin."
Kaunting investment lamang ay kikita na ako ng malaking halaga ng hindi ko na kailangang mapagod. Hindi naman ako kakapit sa negosyo kong alam kong papalubog lamang kaya naman tiwala ako na hindi ako malulugi sa pag iinvest ko sa kanila.
"Good day Mr. Sabado. Kung maayos na ang ating naging usapan ay mauuna na ako sa inyo." Paalam ko dito.
Hindi naman ako nagmamadali pero naiilang ako sa presensya ni Mr. Selvester na kahit hindi ko ito tignan ay alam kong nakatingin siya sa akin dahil sa bigat ng pakiramdam ko sa may likuran.
Agad akong umalis sa lugar at hindi na ako lumingon pa. Kung hindi ko ito makikita sa pupuntahan ko ngayon ay iisipin kong nagkakamali lamang ako ng hinala.
May isa pa kasi akong kabusiness meeting kaya iyon ngayon ang pupuntahan ko.
Hindi kalayuan kaya agad akong nakarating. Hindi na din nagpaligoy-ligoy ang kabusiness meeting ko at agad na sinabi ang proposal sa akin.
"Pasensya na Mr. Teodoro pero hindi yata't matagal na proseso ang nais niyo. Matutulog ang pera sa negosyong papasukan niyo."
"Pero kapag natapos naman iyon Mr. Anderson at tiyak na kikita tayo ng limpak limpak na salapi."
"Inuulit ko Mr. Teodoro, hindi sa ayaw kong tanggapin ang proposal mo pero naniniguro lamang ako. Again, pasensya dahil hindi ko tinatanggap ang alok mo sa akin."
"Sadya yatang wala kang tiwala sa iba Mr. Anderson."
"Hindi sa wala akong tiwala mr. Teodoro, kahit na masasabing maliit pero sigurado kaysa naman iyong malaki nga pero hindi naman sigurado. Sana sa paliwanag kong iyon ay sapat na para sa magandang pagtanggi sa alok niyo sa akin." Seryuso at hindi nagpakita ng kahit na kaunting pag asa na mapapayag ako.
"Well, hindi ko naman ipipilit sayo ang proposal ko mr. Anderson. Sinubukan ko lang makipag usap sayo ng maayos baka sakaling mapagbigyan mo ako pero nagkamali ako."
"Sa akin ang paghingi ng pasensya Mr. Teodoro. Maaring mapapabigyan kita kung aalukin mo ako ng sigurado ng legal na pagkakakitaan."
"Haha..para mo na ngang sinabi na illegal ang inaalok ko sayo, mr. Anderson."
"Hindi sa akin nanggaling ang katagang iyan Mr. Teodoro. Kung hindi naman kabastusan sayo.. mauuna na ako." Maayos na pagbibigay ko ng huling salita dito.
BINABASA MO ANG
✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)
RomansaSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga katagang hindi niya makakalimutan na sinabi ng batang lalaki sa kanya. Mas matanda siya dito pero hindi niya alam kung ilang taon ang tanda niya...