Typos and grammatical errors ahead!
"Mandy, Let's go." Aya ko sa kanya habang tulak ang stroller ng kambal.
Alas tres pa lang ng hapon at naisipan naming mas maagang magtungo sa mansyon ni lolo para mas makabonding pa ito ng matagal bago magbagong taon.
"Yes, my beloved."
Dahil hindi naman kalayuan ay nagpasya na lang kaming maglakad. Hindi maaraw kaya hindi namin alalahanin ang init.
"Estella, ayusin mo na ang dapat ayusin dito sa bahay bago ka sumunod sa mansyon ng lolo." Baling ko pa sa kasambahay namin na sumunod dala ang maliit na bag para sa kambal.
"Yes, young master."
"Thank you, Estella." Kinuha na niya ang bag mula dito.
Sumunod hanggang sa gate si Estella para isarado iyon paglabas namin.
"This is great." Ani niya na kinuha sa akin ang hawakan ng stroller at siya na ang nagtulak nun. Hawak din ang isang kamay ko na magkaagapay ngtinahak ang kalsada papunta sa mansyon ni Lolo.
Sampong minuto ang ginugol namin sa paglalakad bago kami tuluyang nakarating.
Sinalubong kami ni lolo na nakaupo sa wheelchair nito. Sinabihan kasi ito na maaga kaming paparito para mas makasama niya ang kambal bago dumating ang iba pa nitong mga apo.
"Ako na ang magtutulak sa wheelchair ng lolo, tito Benny."
Pagtango ang naging sagot naman nito bago umalis sa likuran ng lolo. Pumuwesto na ako doon at itinulak iyon hanggang sa marating namin ang maluwang at maganda nitong hardin na puno ng magaganda at iba't ibang mga bulaklak.
"Nagsabi po ba sa inyo si Frances kung anong oras sila darating?" Kuway tanong ko kay lolo ng mailipat at maisaayos ko ang upo nito sa bench na naipasadya talaga para sa kanya.
"Baka mamaya ay darating na din sila ng asawa niya, apo. Tamang tama. Sabay sabay din tayong maghahapunan mamaya." Sagot ng lolo. Inilapit namin ni Mandy ang stroller ng kambal kaya naman masigla at masayang nilalaro ng lolo ang mga apo niya. Kinakausap. Nilalambing.
Hindi na namin siya inistorbo sa pakikipagbonding sa kambal. Tahimik namin silang pinanuod.
"He is very happy to see them." Naibulong ko ng umakbay sa akin si Mandy.
"Yeah!" Tipid niyang sagot. Sabay na humilig ang ulo namin sa bawat isa habang patuloy lang sa pagmamasid kina lolo at ang kambal.
Kasabay na din ng paghihintay sa pagdating ng iba ko pang pinsan at lahat ng kamag anak na dadalo sa pagtitipon para sa selebrasyon para sabay sabay na saksihan ang pagdating ng bago na namang taon para sa aming lahat.
"Are you ready?" Napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang tanong niya kasunod ng pag akbay niya sa akin.
Ngumiti ako saka tumango. Naipikit ko pa ang mga mata ko ng dampian niya ng halik ang nuo ko.
Inaayos ko sa malaking bag ang binalot kong mga regalo. Regalo ko kina Elijah, Reallan at Vience na tulad ng nakagawian na namin ay lagi kaming nagpapalitan ng mga regalong apat.
"Hindi ba masyadong maaga para sa pagpunta natin doon, baby? How about..."
"Wayde...." pinanlakihan ko pa siya ng mga mata na may kasamang pagtulak sa kanya.
"Hahaha." Natatawang napalayo siya sa akin habang hinuhuli ang kamay kong nanulak sa kanya.
Ng mahuli ang kamay ko ay ay agad niyang itinaas iyon at ipinakapit sa leeg niya habang ang kamay niya ay malaya at nangahas na pumasok iyon sa loob ng damit ko at dumadama.
BINABASA MO ANG
✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga katagang hindi niya makakalimutan na sinabi ng batang lalaki sa kanya. Mas matanda siya dito pero hindi niya alam kung ilang taon ang tanda niya...