Typos and grammatical errors ahead!
Warning:
This chapter contains violence, not suitable for any young readers.What has been written is all fiction and did not actually happen in real life.
Many thanks to those who understand.
○○○
Dedicated to:
TheGreatCaleb
Na agad nag chat sa akin matapos mabasa ang huling chapter na update ko at nagsabi kung anong magandang parusa sa mga nanghamak sa ating mga bida.
Well, hindi ko man nabigyan ng magandang pagsasalaysay ay sana magustuhan parin niyo.
Maraming salamat ulit.
Enjoy Reading.
○○○
"Cheer up, young man." Ang papa na tumapik pa sa balikat ko habang karga ang anak ko at mahigpit pero may pag iingat na yakap ko ito.
"Maraming salamat po." Hindi ko talaga mapigilan ang pagluha ko dahil sa kagalakang walang masamang nangyari sa anak ko. "Maraming salamat." Halos iyon ang paulit ulit kong binabanggit sa hindi ko maitagong kagalakan.
"Tsk."
"Parang hindi ka naman dumaan sa ganyan kaya natural lamang sa bata iyan." Si tito Vienn na siyang tumulong kay papa na mahuli si Ms. Shika at makuha ng ligtas ang anak ko sa pagkakadukot ng asawa ni Ama.
Napayuko ako ng tumingin dito. "Maraming salamat, tito. But.."
"But what?"
"I'm not a kid."
"Ahaha." Halos panabay na pagtawa nilang dalawa ni papa.
"Yeah! Nagawa mo ngang buntisin ang anak ko na hindi pa kayo ikinakasal noon." Si papa ang nagsalita na mas ikinayuko ko. Napatingin ako sa anak kong mahimbing ng nakatulog sa mga bisig ko. "At kung ikumpira sa amin ay bata ka pa. Kaya huwag mo ng itama dahil matanda na nga ang tito Vienn mo."
"Aba't... ikaw ba hindi?"
"Sinabihan mo nga akong tawagin kitang kuya dahil mas matanda ka."
Dahil sa naging sumbatan nila at pagbibiro ay kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Nawala na ng tuluyan ang pag aalala ko pero hindi naman nawala ang galit ko sa mga taong sangkot sa gulo.
"Natutulog na po ang anak ko, baka magising po sa ingay niyo." Pagpapagitna ko na may pagbibiro sa tinig ko. "Hmmm, sleep tight baby, masyado lang maingay ang mga lolo mo kaya huwag mo ng pansinin." Kuway baling ko pa sa anak ko na sinabayan ng pagtalikod ng makita kong natigilan ang dalawa at napatitig sa akin.
Sa pagtalikod ko ay napangiti ako dahil nakatagpo ako ng mga taong pinapahalagaan ang pamilya hindi tulad ng pamilyang mayroon ako.
Maingat na inilapag ko ito sa tabi ng kambal na tulog na tulog din.
"Are you okay, hijo?"
"Yes, dad. Salamat." Sagot ko na may kasamang pagtango. Marahan pa akong tinapik sa balikat. "Sino po ang kasama ni Xaviel sa hospital?" Kuway tanong ko ng makitang nandito lahat sila sa hotel kung saan sila namalagi.
"Dumating si Frances, hijo para kumustahin ang kambal niya. Kaya siya ngayon ang nandoon at nagbabantay sa kanya."
"Pupunta din ako doon, dad."
"Take your time, hijo. Magpahinga ka na muna bago ka pumunta doon. Alam kong pagod ka sa mga magkakasunod na nangyari."
Bahagya akong ngumiti kasabay ng pag iling ko.
BINABASA MO ANG
✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga katagang hindi niya makakalimutan na sinabi ng batang lalaki sa kanya. Mas matanda siya dito pero hindi niya alam kung ilang taon ang tanda niya...