OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #28

3.7K 224 38
                                    

Typos and grammatical errors ahead!






"Saan mo dinala ang anak ko?" May pagpipigil sa sarili kong huwag itong sugurin.

Ngumisi ito at hindi sinagot ang tanong ko bagkus binalingan si ama.

"Malik, my love." Saka ito lumakit kay ama na umiwas pero hindi pinansin ang pag iwas ni ama dito. "Ayaw mo naman sigurong may masamang mangyari sa apo mo. Bakit hindi ka makipag usap sa akin ng maayos." Sabi pa nito na ipinulupot pa ang mga kamay sa braso ni ama.

"Nadeh, saan mo dinala ang apo ko? May kinalaman ka ba sa pagkabaril ng asawa ni Manjar?" Marahas na iwinaksi ni ama ang kamay nito at lumayo.

Napailig nito ang ulo bago kampanteng naupo sa kung saan ako nakaupo kaninang dumating ito.

"No. No. No." Umiling ito. "Wala akong kinalaman sa pagbaril sa asawa ng paborito mong anak. Pero malaki ang naging tulong ng kung sino man siya dahil nagkaroon ako ng pagkakataong kunin ang isa sa mga apo mo kahit na dapat dalawa sana sila para mas may panghahawakan ako sa inyo." Nakangisi parin ito na naging palipat lipat ang tingin sa amin.

Kahit na gustong gusto ko na itong sugurin, sakalin ng mamatay na ay wala akong magawa dahil inaalala ko ang anak kong kinuha nito at kung saan nito itinago.

"Alam mong mabigat ang kaparusahan sa ginawa mo sa tagapagmana ko. Nasaan ang apo ko, Nadeh, ilabas mo na siya baka sakaling gumaan pa ang sentensya para sayo."

"Akala mo lang iyan Malik, my Love. Dahil walang magagawa ang batas na iyan pagkatapos kong makipagnegosasyon sa inyo. Well, hindi niyo ako masasaktan dahil ayaw niyo naman sigurong may masamang mangyari sa apo mo." Mahabang sabi nito kay ama bago bumaling sa akin. "Tama ba ako, Manjar?"

"Y-you..." kuyom ang kamao ko ng mahigpit. Nanginginig ang buo kong kalamnan.

"Relax, Manjar. Hindi ko naman sasaktan ang anak mo."

"Siguraduhin mo lang na ligtas ang anak ko dahil wala akong sasantuhin kahit na sino."

"Anong gusto mo, Nadeh. Bakit mo ito ginagawa?" Tanong pa ni ama.

"Semple lang. Bitawan mo ang iyong trono at ibigay mo ang lahat ng karapatan sa anak ko."

"Ano?"

"Iyan lamang ang kondisyon ko Malik, my love." Sabi nito na muling tumayo. "Pag isipan mo. Tatlong araw lang, my Love." At bago pa man kami makapagsalita ay tumalikod na ito at iniwan kami.

Nagtama ang mga paningin namin ni ama.  Marahas na halos sabay na lumunok para maalis ang bara sa aming lalamunan.

Mas nag umigting ang galit ko dahil sa kondisyon nito. Kung para sa akin ay wala akong pakialam sa trono na hinahangad ng ganid na pangalawang asawa ni ama pero hindi ko sigurado kung kaya bang bitawan nito iyon at ibigay ng tuluyan sa anak nito sa babaeng iyon.

"Damn it." Marahas na malutong kong mura. Hindi ko na ito inimik pa na basta na lamang tinalikuran.

Kailangan kong gumawa ng paraan para mailigtas ang anak ko sa kahit na anong paraan ngayon pa ay alam ko na kung sino ang may pakana ng pagdukot.








"Kung ako lang ang masusunod..."

"Pag usapan niyo ng maayos iyan ng ama mo." Ang papa niya na seryusong nakitingin sa akin.

Hindi lang seryuso kundi may ibang ipinapahiwatig ang tingin nito.

Nasabi ko na kasi ang tungkol sa napag usapan namin ng pangalawang asawa ng aking ama. At tungkol sa kung sino ang nasa likod ng pagbaril kay Xaviel.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon