OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #27

3.6K 200 29
                                    

Typos and grammatical errors ahead!



"My love." Sabay kaming napatingin sa basong bumagsak sa sahig. "Okay ka lang ba?" Tanong ko pa sa kanya na agad lumapit at basta ko na lang siya binuhat para ilayo sa pinagbagsakan ng baso.

"Y-yes. Hindi ko naman nasasagi ang baso pero..." matamang napatitig siya sa akin ng maibaba ko siya malayo sa kinabagsakan ng baso. "K-kinakabahan ako ng hindi ko mawari."

Napatitig ako sa kanya. May pawis na namuo sa kanyang nuo. Ang lalakas din ng kanyang paghinga.

"Relax. Walang ibang ibig sabihin niyan kaya hindi mo kailangang mag alala." Pang aalo ko sa kanya. Hinila at niyakap.

"Si Frances? Si Ashley, si Ashton? Tawagan natin sila kung ano ang ginagawa nila? How about Xaviel?"

"Okay, okay. Kakamustahin natin sila. C'mon. Umupo ka na muna." Sabay hila sa kanya paupo.

Patuloy lamang ako sa pagpapalubag ng pakiramdam niya at habang ginagawa iyon ay tinawagan nga namin ang mga kambal para kumustahin.

"Yes, papa? Napatawag ka?" Seryusong sagot sa akin ni Xaviel na huli naming tinawagan.

Nasa Brunei ito para maisapubliko ang paglathala ng tagapagmana ng trono.

"Makikikumusta lang, hijo. Kumusta kayo diyan? Wala bang problema?"

"We are okay here. At wala namang naging problema, papa. Kung mayroon man, walang hindi ko nasosolosyunan."

"Yeah! Because you're an Anderson." Tugon ko na sinamahan pa ng pagtango. Napatingin ako kay Reallan na nakamasid lamang at nakikinig sa usapan namin. "Basta tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong sakaling may hindi ka kayang sulosyunan."

"Of course papa."

"Okay then. Mag ingat na lang kayo dyan ng mga apo ko." Pagpapaalam ko na dito bago ko pinutol ang linya. "They are all okay, my love. You don't need to worry." Baling ko sa kanya.

Itinabi ang cellphone bago ko siya ipinahilig sa dibdib ko at muling niyakap. Pero may bahagi na din ng pagkatao ko ang pangangamba dahil sa nakikita kong pag aalala mula sa kanya.








"Huh." Napabalikwas ako ng bangon at tigpi-tigpi ang pawis ang nagsilabasan sa mukha ko kahit na malamig naman ang loob ng silid namin "Ugh." Napaigik pa ako dahil tila may kung anong kirot at napahawak ako mismo sa tapat ng puso ko na naninikip sa sakit. Hinihingal at tila ako kakapusin ng paghinga.

Hindi ko naman maalala kung ano ba ang napanaginipan ko o binangungot ba ako. Pakiramdam ko ay may hindi tama.

"Are you okay?"

Naalimpungatan na din si Lance na nasa tabi ko. Kusot ang mga mata nito bago tuluyang napatingin sa akin.

"Pinagpapawisan ka? Okay ka lang ba?" May pag aalalang tanong niya sa akin na kumuha ng tissue sa lamesa na nasa gilid ng kama at pinunasan ang pawis ko.

Umiling ako dahil iyon naman ang totoo.

"I don't know. P-parang may sumasakal sa puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Ang lakas ng pagtibok ng puso ko."

"Sandali, kukuha lang ako ng tubig na maiinum mo." Ani niya na agad kumilos para bumaba ng kama at ikinuha ako ng tubig. "Here, uminom ka na muna."

"Thank you, sweetie."

Patuloy siya sa pagpunas ng pawis ko sa mukha habang hindi parin bumabalik sa tamang pagtibok ang puso ko.

Hindi ako mapakali. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito na tila may takot at kinakabahan sa hindi ko mawarining dahilan.








✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon