Typos and grammatical errors ahead!
"Hijo." Yumakap pasalubong sa akin si daddy. "I miss you."
"I miss you too, dad." Pagtugon ko dito na tumugon ng yakap nito. Matagal na din kasi simula ng umuwi ako ng A. Place at bihira ko na talaga sila makita. Kaya hindi ko masisisi na ganito ang maging salubong sa akin ni daddy.
"Kung hindi pa itinawag sa akin ng papa mo ay wala pa akong kaalam alam. Huhuhu. Hindi na talaga bata ang mga panganay ko."
"Dad." Nahawakan ko ito sa braso at bahagyang inilayo sa akin. "Can you stop acting like that."
"Hmmm." Pero hindi naman nito iyon pinansin. "And you." Bumaling ang daddy kay Mandy na tahimik lamang na nakamasid sa amin pero hindi ko naman nakitaan ng pagkailang ngayong kaharap ang daddy.
"I will marry him, I promise." Pagsagot nito dahilan para matigilan kami ni daddy. Kahit ang papa na paakyat na sana sa taas ay tumigil at napatingin sa amin.
Siniko ko siya. Ibang iba ang ipinakita nito kay papa ngayong kaharap si daddy.
"Are you nervous?" Tanong pa ng daddy sa kanya.
"Hindi po. Gusto ko lang pong sabihin na pananagutan ko si Xaviel." Taas nuong sagot nito.
"Haha. I know that. Hindi ka naman sasama sa anak ko kung hindi ka seryuso sa kanya. So relax, hijo. And welcome to our family." Nakangiting sabi naman ng papa.
Natampal ko parin ang nuo ko kasabay ng pag iling na may kasamang malalim na paghinga. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagngisi ng daddy sabay lingon kay papa na nakangiti din.
Muli ko siyang siniko pero hindi naman niya iyon pinansin. Nakipagsukatan pa ng tingin kay daddy.
"Thank you po, tito."
"Are we la..." napatingin sa akin si Frances na kadarating lang kasama ang mag ama niya na hindi na naituloy ang pabungad na sasabihin sana. Ilang araw pa lang nung lumipat sila sa bago nilang tahanan kahit na hindi pa nila naayos ang kung anong gusot nilang magkaibigan. "Xaviel. How are you bro." Humakbang na itong palapit sa akin.
Pareho kaming nagtapikan ng balikat bilang pagbati.
"And, Engr. Mandy Selvester. You are here too, how are you? May okasyon ba?"
"Fine, mr. Frances Anderson." Pormal na nagkamayan sila ng kambal ko bago binalingan naman si daddy na sinalubong agad ang apo nila.
"Nasaan ang dalawang Quinn, dad? Darating din ba sila?" Tanong pa ni Frances kay daddy.
"Hindi siguro, hijo. Alam mo naman ang mga iyon, may kanya-kanya na ding pinagkakaabalahan." Karga na ni daddy ang anak nila. "Maupo muna kayo. And also you hijo." Pagbaling nito kay Mandy na agad namang tumalima.
Hawak ang kamay ko at hinila paupo sa sofa.
Muli akong nailing. Dahil sa masunuring pagkilos niya sa harapan nina daddy na kapag ako ang nagsasabing tigilan ako at maupo lang sa tabi ay mas lalo siyang mangungulit sa akin.
"Kung naiilang ka ay pwede tayong umakyat muna sa silid ko." Kuway sabi ko sa kanya na tuwid na tuwid ang pag upo.
"I'm okay." Sagot niya na nakatingin sa anak ng kambal ko na kalong na ng daddy. "I never thought we'd have babies and you're carrying them now. I can't wait to see them."
"Yeah!" Tipid kong sagot na nagpasyang tumayo sa pagkakaupo ko sa tabi niya. "We can't just stay here. Hindi ka na mahaharap pa ng daddy ngayon."
"Where are we going?"
BINABASA MO ANG
✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga katagang hindi niya makakalimutan na sinabi ng batang lalaki sa kanya. Mas matanda siya dito pero hindi niya alam kung ilang taon ang tanda niya...