Typos and grammatical errors ahead!!
XAVIEL Pov:
"Kumusta na, lolo?" Nakangiti kong tanong kay Lolo ng nagpasya akong dalawin ito at para ibalita na rin dito ang nalalapit na kasal namin ni Mandy kahit naman alam kong hindi na kailangan dahil sigurado akong nasabi na nina papa ang tungkol doon.
Hindi na din kasi namin ito sinabihan noon ng mag usap ang aming mga magulang dahil ayaw na namin itong mapagod pa sa pagdalo sakaling magpumilit ito sa pagpunta.
"Ayos lamang ako, apo."
Matapos akong nagmano dito at ginawaran ng halik sa pisngi ay ako na mismo ang nagtulak sa wheel chair nito papasok ng bahay.
"I'm getting married, lolo." Kuway sabi ko na hindi na nagpaliguy-ligoy pa sa talagang pakay ko kaya ako napadalaw dito. Kasabay ng pagtaas ng kamay kong may suot na singsing.
"Good for you apo, pero bakit hindi mo isinama ang mga kambal ng makita ko ulit sila."
"Saka ko na sila ulit idadalaw sa inyo lolo. Galing lamang ako sa lunch meeting ko kaya dumaan na ako para ibalita iyon sa iyo."
"Ganun ba, apo. Masaya ako na masasaksihan ko pa ang pagpapakasal mo."
"Yeah. At masasaksihan niyo pa ang mga iba niyong apo na ikakasal kaya manatili ingatan at alagaan niyo ang sarili niyo." Sagot ko dahil sa sinabi nito.
Alam ko namang matanda na ang lolo pero hindi pa ako nakahanda sakaling bawiin na siya sa amin. At hindi lang naman ako ang umaasa na sana humaba pa at matagal pa namin itong makakasama.
"Oo naman apo. Gusto ko kayong makitang lahat na ikakasal pa kaya aalagaam ko ang sarili ko." Nakangiti naman nitong tugon.
"By the way, lolo. Isa pa pala sa pakay ko ay ang sabihing papatayuan ko na ng bahay ang lupang sinasabi ko sa inyo noon."
"Huh."
"Remember the land..."
"Pero naibigay ko na iyon sa iba, apo."
"What?" Hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses sa sinabi ng lolo. "But lolo, I told you before, that land is mine. And I will take it whenever I want to settle down."
Napakamot pa ang lolo dahil sa pagtaas ng boses ko.
Marahas ang ginawa kong paghinga. Naiiling na napatitig ako kay lolo dahil alam ko naman na kapag nasang ayunan na niya iyon na magiging akin ang lupa para sa ipapatayo kong bahay ay ibibigay niya pero ngayon.
"Never mind, lolo." Pagbawi ko sa pagtaas ng boses ko dito. "Marami pa namang bakanteng lupa dito sa A. Place." Hindi ko pwedeng iparamdam dito na nakaramdam ako ng ins dahil ayaw kong bumigat ang pakiramdam nito na magiging dahilan pa para manghina ito.
"Pasensya ka na, apo."
"Yeah! No big deal, lolo. By the way, lolo.. tulad ng nakagawian, dito parin sa A. Place gaganapin ang kasal namin ni Mandy." Pagbabalik ko ng usapan tungkol sa pagpapakasal ko.
"Oo naman apo. Hindi na ako makapaghintay na ikasal ka na din."
"Me too, lolo. Pitong linggo mula ngayon, lolo."
Pilit kong nilibang ito sa usapin tungkol sa nalalapit kong kasal para ilihis na nga ng tuluyan ang usapin tungkol sa lupang naibigay niya sa iba. Hindi ko na inalam kung kanino sa mga pinsan ko ibinigay iyon.
"Okay then, lolo. Hindi na ako magtatagal para makapagpahinga na kayo." Kuway pagpapaalam ko na ng maayos dito matapos ang halos isang oras kong pananatili para makipagkwentuhan pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB "I will marry you someday." Iyon ang mga katagang hindi niya makakalimutan na sinabi ng batang lalaki sa kanya. Mas matanda siya dito pero hindi niya alam kung ilang taon ang tanda niya...