OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #20

5.1K 249 36
                                    

Typos and grammatical errors ahead!




"Really?" Hindi din makapaniwala si Mandy sa naikwento ko sa kanya na dumalaw ang kanyang ama kanina.

"Yeah! At binili niya lahat ng mga iyan para sa baby natin. Haha, like father like son, huh." Natataw talaga akong halos pareho lang ang ginawa nila.

Bumili nga ng maraming kagamitan ng baby ang ama niya pero tulad ng mga nabili niya ay ganun din ang nabili nito na hindi naman agad magagamit ng baby kahit naisilang na ang mga ito.

"Of course not." Pagtanggi niya na ayaw aminin  na may similarities sila ng kanyang ama. Pero sa pagtanggi niyang iyon ay nakitaan ko nga siya ng katuwaang malaman ang magandang balita na sa pagbisita ng kanyang ama at nagpapahiwatig na kaunti na lang ay tuluyan na itong matatanggap ang mga desisyon niya.

Kagagaling lang nito sa site kung saan ipapatayo ang bahay ng kanyang kleyente. Ang babaeng Model na kausap niya noong huling buwan lamang.

Ewan ko na lang kung patuloy parin ito sa pang aakit sa kanya kahit na alam na nito kung ano siya at may karelasyon na.

Well, may tiwala naman ako sa kanya na hindi magagawang tumingin sa iba pero sa mga taong nakapaligid sa kanya na nagpapakita ng motibo ay doon wala akong tiwala.

Sabi nga sa kasabihan na kung may gusto, may paraan kaya kahit na alam kong matino siya pagdating sa relasyong mayroon kami ay hindi ko pagkakatiwalaan ang mga taong may gusto sa kanya na gagawa ng paraan para lamang siya masalisihan.

"Isa ito sa mga balitang narinig ko ngayong araw na ito. At masaya ako dahil hindi na tayo mahihirapang kumbinsihin si papa."

"Oo." Tipid kong sagot habang namasid sa kanya na inuusisa na nga ang mga laman ng paper bag na hindi ko pa halos natignan lahat dahil balak ko talagang sabay namin iyong titignan.

Nailing siya na may ngiti naman sa labi ng mailabas ang isang pares ng sapatos na kasya pa sa dalawang taong gulang.

"Seriously?" Hindi siya makapaniwala sa mga binili ng kanyang ama. "Parang hindi nagkaroon ng anak ang ama ko. Hindi ba niya alam ang tamang sukat para sa bagong panganak?" Tanong pa niya na akala mo naman ay tama din ang nabili niya noong una.

"Malamang hindi niya napagtuunan noon ang pag aalaga sa mga anak niya noon ng baby pa lang."

"Yeah! Maybe. Saka hindi ko siya namulatan noong bata ako. Saka ko na lang siya nakilala noong mga panahong kakikilala pa lang kita."

"Naalala mo pa talaga iyon?"

"Oo naman. Lagi nga ako noong nag aabang sa kanto kung saan kayo noon nakatira. At lagi akong naghihintay sa harapan ng school niyo kahit na lagi akong sinisita ng guard dahil kabata-bata ko pa lang noon ay kung ano na daw ang nasa isip ko."

"Huh."

"Yeah! Kung hindi ako nagkakamali ay lagi akong itinataboy noon ng guard sa school niyo. Pero ipinagpipilitan ko paring maghintay. Sabi ko sa guard. Hinihintay kita dahil magpapakasal pa tayo." Naaliw ako sa pagkukwento niya kaya tahimik lang akong nakinig sa kanya.

Ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyon. Naalala ko din minsan na sinabi sa akin ng guard na laging may batang lalaking naghihintay sa akin pero sa tuwing labasan na ay hindi naman kami nagkakatagpo dahil hatid sundo naman kami ng school bus o di kaya naman ay ipapasundo kami ng lolo noon.

Sa kalye ko nga lang ito nakikita sa kanto ng bahay na laging nakabuntot na sa akin sa tuwing lalabas ako na kasama si Frances.

Ipinagtataka ko nga noon kung paano niya kami naipaghahalintulad ni Frances gayong maraming nagkakamali kung sino ako o sino si Frances sa aming dalawa. Hindi ko matandaan na nagkamali ito sa pagkakakilala sa akin kahit na pareho halos kami ng suot, ayos o kahit na anong pagkakatulad.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon