Mataman niyang pinagmasdan ang bawat sulok ng bahay mula sa kalayuan. Dala niya ang high tech binocular niyang tumataginting sa dolyar ang presyo. Hindi lang ito basta-basta binocular dahil nakikita niya kahit nasa loob ng bahay.
"Okay, nasa mahigit na 20 katao ang nasa loob. Plus 20 katao rin sa labas. Not bad, right Aurora?" binalingan niya ang kaniyang alaga na sa manibela nakapulupot. Tulad niya, excited na itong makipagpatayan sila ngayon araw.
Nag-iba ang kaniyang plano. Imbes na ang drug syndicate big boss lang ang kaniyang patayin, isasama niya na ang mga alagad nito. Tutal, nakakalungkot mag-isa sa libingan. The more, the merrier!
Nilagay niya sa tabi ang binocular at hinarap ang manibela. Nagmaneho siya papalapit sa malaking bahay na nasa loob ng kasukalan pero hindi mahirap ang daan, lalo na at semintado. Nakakalokong ngiti ang kumawala sa kaniyang magandang mukha pero sa likod ay panganib ang dala.
Nang huminto ang kaniyang sasakyan sa harap ng malaking gate, agad may tumutok sa kaniyang mga baril. Maarteng kinuha niya ang red card na siyang nagpapatunay na imbitado siyang personal na tagaalay ng sarap sa big boss. Of course, hindi siya tangang susugod do'n tho kaya naman niyang makipagsabayan ng barilan. It's just that, masyado pang maaga at hindi mai-enjoy ni Aurora ang unang kagat nito sa araw na ito.
"Name?" May lumapit sa kaniyang lalaki at nakatutok pa rin sa kaniya ang baril nung binaba niya ang salamin ng kaniyang sasakyan.
"Maggie!" Ngumiti siya nang ubod tamis at kinindatan ang lalaki. Pabirong hinagod niya pa ang dulo ng baril nito at mapang-akit itong tiningnan.
Sandali itong napahinto sa kaniyang ginawa at hindi makahuma. Nahulog sa kaniyang kagandahan. Lihim siyang natawa. Kung sabagay, sino ba ang hindi mahuhumaling sa angking ganda niyang pinagpala ng lahat?
Mapagmataas ang korte ng kaniyang kilay, at ang tangos ng kaniyang ilong ay nagpapatunay na hindi siya purong dugong pinoy. Isa siyang half mexican. Kaya normal na ang height niyang 5'8 inches.
Kulay light brown ang kaniyang mata pero sa uri ng kaniyang trabaho, naglalagay siya lagi ng contact lens at 'yon ay kulay itim. Full lips ang korte ng kaniyang labi at walang sino ang hindi natitikim na mahalikan siya. Kahit ang mga manyak na mga target niya.
Tuwid na tuwid ang itim niyang buhok na hanggang likod pero minsan, kinukulot niya ito depende sa mood na gusto niya. Depende rin sa kulay na gusto niya. She don't settle for less. Motto niya? More the merrier!
Maputi ang kaniyang balat na parang bulaklak ng lily at kinis porcelana. Walang kapintas-pintas! Mahihiya ang alikabok na dumapo sa kaniyang balat.
"Sige, deritso ka na. Kanina ka pa hinintay ni Bossing."
"Good. Thank you sweety!" Nag-alay siya ng isang halik sa hangin para sa lalaki at saka minaneho ang sasakyan papasok sa loob.
Tila linta itong kinilig kasama ng mga kasamahan nito. Ang hindi alam ng mga ito, trahedya ang kaniyang dala. Well, palagi naman trahedya ang dala niya kahit saan siya magpunta. Kaya siya tinawag na A nang Belladona. A for Ace, not for Aurora.
Huminto siya sa harap ng malaking bahay. May nagbukas ng pinto para sa kaniya at sopistikadang inabot niya ang kaniyang pulang sling bag kung saan ando'n ang alaga niya. Saka maarteng lumabas ng sasakyan.
"Naghihintay na sa'yo si Bossing sa itaas," anas nito.
"Yeah, thanks!" Ngumiti siya nang matamis. At tulad nung mga nauna, para itong nakakita ng hugis pusong ginto. Kuminang-kinang ang mata ng lalaki na parang asong ulol nang talikuran niya ito.
"Ang ganda niya grabe pare!"
"Tiba-tiba si boss! Ang swerte!"
Natawa siya sa pahabol na sabi ng mga ito. Yeah, yeah. Swerte ng boss ng mga ito sa kaniya. Siya pa ba? Ang galing niyang magpaikot gamit lang ng isang pilantik ng kaniyang pilik-mata. Sa madaling salita, malakas ang kaniyang sex appeal at walang nakakahindi sa kaniyang charm na dala.
Maarte at puno ng trahedya ang bawat hakbang niya. Ang ingay ng kaniyang suot na 6 inches stilettos ang pumuno sa bawat sulok ng bahay.
Nakikita ni Ramona na mamahaling bagay ang mga nandoon. Antique vase na naghahalagang milyones, antique paintings na halatang galing sa nakaw at binili nito at ibang klase pang kagamitan na puro antigo.
Gusto niya tuloy tanungin ang sarili kung bakit walang kabaong, tutal dito niya ipapasok ang drug leader na papatayin niya ngayon. Yeah, next time na lang niya tanungin. She's not rushing things at all. Marunong siyang maghintay.
Ginamit niya ang elevator imbes na ang hagdanan. Not fan siya ng hagdanan lalo na at nakakasira ito ng kaniyang magandang poise. Gagamitin niya lang ito kapag makikipagbakbakan na siya mamaya. Of course, hindi magtatapos ang magandang araw niya sa kama ng lalaking target niya! No no. Kailangan niya ng maraming dugo! She's an avid fan of blood bathing. Masarap kaya minsan ang maligo ng dugo at gawing body bath ito. Cleansing ang dating and super duper grabe ang satisfaction ang kaniyang nararamdaman sa tuwing naliligo siya ng dugo.
Tumunog ang elevator. Kasabay ng paghinto ang pagbukas niyon. Saglit niyang inayos ang buhok at bag na dala. Pinapakalma niya si Aurora, iba ito kapag nati-triggered. Nagiging agresibo parang siya. Kaya kalma lang siya habang humakbang na ngayon patungo sa silid kung saan tinuro ng limang bantay na suot ay puro itim at halatang maagang nagdaos ng lamay.
Natawa siya sandali at nung kalmado na siya, pinihit niya ang pintuan. Malaki ang silid na kaniyang nakikita. Dim light ang kulay at nakita niya roon ang lalaking nasa edad singkwenta at mahaba ang balbas.
Nakahubad ito ng pang-itaas at sa kaniyang nakikita, nag-session ito ng puting bato gamit ang munting lighter. Hmm... Maarteng sinara niya ang pintuan at nakangising humakbang papalapit dito.
"Sa wakas, nandito ka na. Halika, tumabi ka sa'kin at sabayan mo ako."
"As you wish," malambing niyang saad.
Hindi alam ng lalaking nasa harapan niya na kamatayan ang kakahantungan nito at naghihintay ang kabaong nito sa labas. Gamit ang mga antigung vase, pwede niyang tadtarin ang katawan nito at ilagay roon isa-isa.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na plunging neckline dress at binato niya ito sa lalaki. Para itong asong nag-uulol na sinalo ang suot niyang damit. Sanay siyang sumayaw na hubo't hubad at hindi ito bago kay Ramona. Katawan ang pinakauna nilang panlaban.
"Ah sexy!" sumipol ito nang makitang isang kapirangot na tape lang ang nakatakip sa kaniyang nipple at isang lace panty sa ibaba. "Take that off!"
Maarte siyang humalakhak. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bag at nagpatugtog nang sariling kantang gusto niya. Sensual music ito. Pampagana. Pampawala.
Ilang sandali pa ay nagsimula siyang sumayaw sa senswal na musika. Tinanggal niya ang tape na nakatakip sa korona ng kaniyang bundok at dinikit ito sa noo ng lalaki. Target kung saan niya ito babarilin mamaya kapag tapos na si Aurora.
Bago siya mahawakan nito, tinulak niya ito pabalik sa kinauupuan at sumayaw ng mas senswal, mas nakakaakit at mas nakakabaliw.
Ang kamay nito ay gustong umabot sa kaniyang dibdib, gustong pumisil pero sorry, hanggang sa mata lang nito ang dibdib niya. Dahil ang totoo, sa kalagitnaan ng kaniyang sayaw, ang totoong tugtog ni kamatayan ang biglang eeksena. Maglalaruan sila ng kamatayan at siya ang taya.
BINABASA MO ANG
BETWEEN THE ACE [COMPLETED]
عاطفيةShe was dressed to kill. Walang kinakatakutan kahit anong bala. Naging kaalyado siya ng isang organisasyon kung saan ang mga katulad niya, ginagawang assassin. They kill for money and the satisfaction of their clients. Lahat ng kasapi sa nasabing or...
![BETWEEN THE ACE [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/270642040-64-k315526.jpg)