EP 23 - CONTROL

3.9K 178 7
                                        


"Saan... saan mo nakuha ang tattoong 'yan!" Napaatras siya. Gulat na gulat na parang may parte ng kaniyang pagkatao ay gustong sumabog. Dami ng mga taong pinatay niya na halos hindi niya mabilang, ngayon lang niya natagpuan ang kasingtulad ng tattoo na pumatay sa kaniyang pamilya. Kung dati, isa itong anag-ag sa kaniyang utak... Ngayon ay malinaw na malinaw sa kaniya. 

Hindi siya maaring magkakamali. Sa lumilipas na taon, nakalimutan niya ang mga mukha ng mga lalaking armadong walang pusong kumuha sa pamilyang meron siya. Pero ang guhit na ito, ang guhit na nasa katawan ng lalaking nasa harapan niya ay hindi niya nakakalimutan. Ito ang pinanghahawakan niya sa kaniyang paghihigante na balang-araw ay haharapin niya! Para itong isang imahe na biglang nagbalik sa kaniyang utak. Isang imahe na nagbalik sa kaniya sa nakaraan nung walong taon edad pa siya.

"Sumagot ka! Saan mo nakuha ito! Ha?! Saan!" Naghisterya na siya. Pinagsasampal niya ito at sinabunutan. Nagising ang galit na matagal ng nakatago sa kaniyang pagkatao. Ang galit na ginamit niya para matuto siyang pumatay, kumitil ng buhay ayon sa utos ng grupo! "Sumagot ka! Saan?!"

Dumugo ang labi ng lalaki. Namumula ang magkabilang mukha nito at naghalo ang sipon at luha nito sa mata. Nagmamakaawang pakawalan niya pero sino siya para dinggin ang pakiusap nito kung sa loob ng dalawang put taon, para siyang tubig na kung saan ang agos, doon siya?

Sa unang pagkakataon, umiyak siya. Umiyak siyang punong-puno ng galit ang puso! Ang huling natatandaan ni Ramona na umiyak at pumatak ang luha niya ay nung linisan niya ang bahay-bakasyunan ng kaniyang pamilya walong taon pa ang kaniyang edad.

Nanginginig ang kaniyang kamay na inabot niya ang baril sa loob ng kaniyang sling bag. Hindi ito magsasalita? Pwes sa dulo ng baril niya, magsasalita ito sa ayaw at sa gusto nito.

"Isa!"

"S-sa isang grupong kinabilangan ko Ma'am! Maawa kayo sa'kin. Maawa kayo sa'kin!"

Kinasa niya ang baril at tinutok sa noo nito ang dulo ng baril na hawak niya. Galit na galit siya ngayon! Galit na galit na kaya niyang makipagpatayan buong gabi sa grupong sinasabi nito.

"Anong grupo?! Sabihin mo, anong grupo! Ang grupong pinagmulan mo ang magtuturo sa'kin kung sino ang nag-utos na patayin ang pamilya ko! Sabihin mo anong grupo at sino ang nasa likod ng lahat ng ito?!" Idiniin niya sa noo nito ang baril. Isang kalabit lang niya sa trigger at babagsak itong dilat ang mata.

Tumango-tango ito habang nanginginig sa takot sa baril niya. Halos hindi nito magawang ibuka ang bibig sa galit na masasalim sa kaniyang pagkatao ngayon at patawarin siya ng demonyo nito dahil hindi siya magdadalawang isip na balatan ito ng buhay at ipadala ang ulo nito sa pamilyang sinasabi nito!

"A-ang grupo nang Lac—"

Parang bumagsak ang mundo ni Ramona nang biglang umubo ang lalaki ng maraming dugo pagkatapos ng malakas na putok ng baril mula sa kung saan. Napatitig siya sa lalamunan nitong may tama ng baril.

"Hind! Hindiiii!!!" Napalingon-lingon si Ramona, hinanap ng kaniyang mata kung sino ang bumaril sa suspect at magtuturo sa kaniya kung saan matatagpuan ang kuta ng mga pumatay sa pamilya niya.

Kung saan pa na mas malapit niya ng makita ang dahilan ng lahat kung bakit siya naging ganito! Mabilis niyang tinapik ang mukha ng lalaking dilat ang mata at naliligo ng sariling dugo. Hinanap niya ang pulso nito pero wala. Patay na ang lalaking magtuturo sa kaniya sa daan ng kaniyang nakalibing na paghihigante!

Malakas siyang napasigaw. Nagwala siya at pinagmumura lahat ng mga nakita niyang gamit. Kinuha niya ang kutsilyo at pinagsasaksak ang katawan ng lalaki sa galit niya! 

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon