"Ang sarap!" palatak niya at bahagyang napapikit. "I bet, mas masarap ito keysa sa dugo mo." Durog na bumagsak ang botelya ng wine nang ibato niya ito sa puting dingding. Tumayo siya at ngayon ay si Aurora ang kaniyang pinaglalaruan. Nilipat niya ito sa kaniyang braso at muli siyang humalakhak nang umakteng agresibo ang kaniyang alaga. "Shh... not now, Aurora. Hindi pa ako nasisiyahan." Hinimas niya ang ulo nito at kumalma ito. Muli niya itong binalik sa kaniyang leeg.
"Bakit hindi ka makapagsalita, Julie? Nagulat ba kita at alam ko ang pangalan mo? Nagulat ba kita at alam ko kung nasaan ang lungga mong ito? Huwag ka rin mag-alala, mamatay ka rin lang naman huwag ka ng magulat. Hindi healthy iyan. By the way, nagpakilala na ba ako sa'yo? Opps, I'm Aurora, huwag mo ng tandaan ang pangalan ko dahil hindi ko naman totoong pangalan 'yan." Ngumisi siya at lumapit sa bintana. Pinagmasdan niya ang magandang tanawin. "Ang ganda ng napili mong lungga. Kahit gaano kaliit ang Pinas at heto, nahanap pa rin kita. Oh, I forgot to say! Kaya pala hindi ko mahanap ang grupong ito dahil pinagtatakpan ng anak mong Doctor na isang agent! At ang Nanay niyang walang kwenta ay isang drug dealer, leader ng mga nakaw na sasakyan, isang putanginang nagbibinta ng mga kabataan para maging pokpok na tulad mo. Human trafficker! Oh, oh, wait hindi ko pa nasali na kumukuha ng mga kabataan for ransom. Wow, Julie! Sobra mo akong pinahanga. Perfect tandem kayo ng anak mo, kaya pala ang kampante mo."
Napasigaw ito nang hugutin niya ang punyal sa upuan. Tinutok niya ito sa leeg nito at muling ngumisi. "Hindit ito masakit. Magtiwala ka..."
"M-maawa ka... ibibigay ko ang lahat ng kayamanan ko. Just say it. H-huwag mo akong patayin... huwag ang anak ko, Aurora—"
"Tahimik!"
Napahiyaw ito nang tumama ang dulo ng punyal sa hita nito. Pakiramdam ni Ramona, tinamaan niya ang buto ng babae. Well, ito naman talaga ang plano. Luhaan itong nagtaas ng mata kahit nahihirapan. Nawala ang pagiging sopistikada ng mukha ng babae at para itong sinabunutan ng sarili nitong multo. Luhaan ang mata, nagkalat ang eyeliner at makeup. Isali pa ang dugo nitong pumatak-patak ngayon sa sahig dahil sa pagkakasaksak niya sa punyal sa hita nito.
"Don't you freaking call me that name, Julie." Diniin niya lalo ang punyal sa hita nito habang sigaw ito nang sigaw sa pagmamakaawa.
"M-maawa ka.... Maaawa ka..."
Ngumiti lang siya nang matamis. Hinugot ang punyal at muli itong binigyan ng isang saksak sa kabilang hita. Kulang pa nga ito, eh. Kulang pa! Sa sobrang poot na nararamdama niya ngayon, gustong-gusto saksakin ito agad sa ulo. Pero hindi, hindi ito ang kaniyang plano. Ang patayin agad ang babae ay hindi magbibigay ng kasiyahan sa kaniyang pagkatao. Dapat madama nito ang bawat himaymay ng kaniyang galit sa loob ng dalawamput taon.
"Masakit ba?" Napuno ng halakhak ni Ramona ang buong silid. Hindi pa siya nakatiis, hinila niya nang malakas ang buhok ng babae. Ne katiting na awa ay wala siyang maramdaman. Kahit na lumuha pa ito ng dugo sa kaniyang harapan.
"Aurora?" baling niya sa kaniyang alaga. Kinuha niya ito sa kaniyang leeg at nilapit sa mukha ng babae. "Aurora is a venomous snake. Kita mo naman kung gaano ka aggressive ang alaga ko, right, Julie?"
"No... No!" Kita niya ang takot sa mata ng ginang. Sunod-sunod itong napalunok at akmang aalis sa kinauupuan nito pero hindi nito magawa dahil sa kaniyang ginawang pagmarka sa magkabilang hita nito.
"Hindi ikaw ang nagdedesisyon dito, Julie. Ako, ako ang nagdedesisyon. Now, Aurora." Kinuha niya sa kaniyang leeg ang alaga at nilapit sa babae.
Mabilis naman na umalis sa kinauupuan ang ginang. Gumapang ito sa sahig pero dahil sa natamo nitong saksak sa kaniya at sa daming dugo na kumawala rito, halos hindi ito makagalaw papalayo.
Muli siyang humalakhak. Marahan niyang pinunasan ang luha at dugong naghalo sa kaniyang mukha. Dugong galing sa mga tauhan nito at ilang sandali lang ay dugo naman nito ang ililigo niya.
"Sige, gapang lang. Gapang lang, Julie, gapang lang." Siya ang pumalit sa upuan nito at walang sabing pinatong ang paa sa mesa nitong mamahalin na gawa sa mahogany. Antigo. Sa kaniyang isang kamay, nakapulupot sii Aurora at naghihintay sa kaniyang gagawin at sa kabilang kamay ang punyal na siyang gagamitin din niya ngayon. tuwang-tuwa siyang pinagmasdan ang ginang na gumapang habang humihingi ng tulong. Luhaan at hinang-hina.
Nang mabagot siya sa upuan ng babae, agad siyang tumayo. Naglakad nang marahan papalit dito habang nagmamakaawa ito na huwag niyang patayin. Too late! Hinila niya bigla ang buhok nito habang nasa likuran siya. Napangiwi ito sa sakit sa kaniyang ginawa pero nasisiyahan siya.
"Isang kagat lang ang gagawin ni Aurora sa'yo, I promise!"
"Hindi! Hindi! Huwag!"
"Too late, Julie." Napangiti siya nang tuklawin ito ni Aurora sa leeg. Nag-lock ang pangil ng kaniyang alagang ahas sa leeg nito habang hindi niya pa rin binibitawan ang buhok nito. Gusto niyang siya ang huling hahatid sa ginang sa pupuntuhan nitong impyerno. Hindi pa siya nasiyahan, pinagsaksak niya pa ang likod nito habang si Aurora ay dumiin lalo ang pangil sa leeg ng ginang at walang balak bumitaw. Tumigil lang siya nung makita niyang patay na ito. Nakadapang bumagsak ito sa sahig at naliligo ng sariling dugo.
Marahan niyang pinunasan ang dugong tumalsik sa kaniyang mukha. Napangisi siya at pinatihaya niya ang patay na katawan nito saka dinuraan ang mukha. Agad niyang binalik si Aurora sa kaniyang leeg at mabilis na nilisan ang lugar na iyon...
-
"Huwag kayong mag-alala. Mabibigyan ko na kayo ng hustisya." Mapait siyang ngumiti at tinungga ang wine sa kopita. Nakaupo siya sa isang sofa at nanatiling nakatitig ang kaniyang mata sa batang tulog na tulog o sa madaling salita, walang malay. Hinihintay niyang magising ito.
Sandali siyang sumulyap sa orasan na nasa dingding. Inoorasan niya ang pagdating ni Jayvion. Tinanggal niya ang tracking device na suot ni Nadezhda kaya imposibleng mahahanap siya nito pero dahil si Jayvion Gunn Hyzer ito, alam niyang walang imposible sa lalaki.
Sila lang dalawa ng bata sa bahay na ito na pag-aari ng kaniyang pamilya. Iba na ang may-ari nito pero binili niya itong resort 10 years ago at binigyan ng tamang libingan ang mga magulang at kapatid sa likod ng bahay. Dito niya balak ilibing ang lalaki kasama ang anak nito.
Bumagsak ang luha sa kaniyang mata pero mabilis niya itong pinunasan. Magbabayad ang dapat magbayad. Ano kung mahal niya ang lalaki? Wala siyang pakialam sa nararamdaman niya laban dito. Ano kung napalapit na siya sa anak nito?
Inubos niya ang laman ng wine sa kopita at nagbilang ng marahan sa isip. Ano kung si Jayvion ang nagligtas sa kaniya nung nagkapatayan sila ni Zerus noon at ito ang gumamot sa kaniya? Wala siyang pakialam! Mas masakit ang ginawa ng Ina nito sa kaniyang pagkatao. Mas masakit ang ginawa nito! Pakiramdam niya dinaya siya ng kaniyang pagmamahal na nararamdaman para rito. Dinaya siya ng orasan! Dinaya siya ng lahat dahil sa dami ng lalaki, sa taong pamilya ng kriminal pa siya nagkaroon ng sinasabi nilang pag-ibig.
Kaya pala iba ang naging pagtrato sa kaniya ni Jayvion. Dahil alam nito sa una-una pa lang ang lahat! Kaya pala ayaw na ayaw nito sa kaniya nung una. Ngayon lang niya lubusan naiintindihan ang lahat. Pero sige lang, hihiga ito sa lupa kasama ang anak nito. Sinisigurado niya ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
BETWEEN THE ACE [COMPLETED]
RomanceShe was dressed to kill. Walang kinakatakutan kahit anong bala. Naging kaalyado siya ng isang organisasyon kung saan ang mga katulad niya, ginagawang assassin. They kill for money and the satisfaction of their clients. Lahat ng kasapi sa nasabing or...
![BETWEEN THE ACE [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/270642040-64-k315526.jpg)