EP 24 - UNLOVED

3.6K 176 7
                                    

WALANG pagdadalawang isip na pinangko ni Jayvion si Aurora at dinala ito sa kaniyang sariling kwarto. Nilagay niya ang babae sa bath tub at siya na ang nagkusang maglinis sa katawan nitong nagkalat ang mga dugo.

His guilt is killing him inside. How can he tell Aurora everything? Alam niyang darating sila sa ganitong sitwasyon, muling paglalaruan ng pagkakataon.

Binuksan niya ang shower at pinaliguan ang dalaga. Nanatali itong tahimik at walang reaskyon sa magandang mukha nito pero alam ni Jayvion na panganib ang nasa utak ng babae.

"Ako na." Tinulak siya nito paalis.

Tumango siya at iniwan ito. Sa labas siya naghintay at nagsindi ng sigarilyo. Galit siya sa dalaga pero sa mga sandaling ito, isinantabi niya ang kaniyang galit para rito. Maayos na rin ang kalagayan ng kaniyang anak at mahimbing itong natutulog sa silid nito.

He can't blame himself though for acting like this. Hindi alam ni Aurora kung gaanong takot ang naramdaman niya kaninang umiiyak ang anak niya. Kahit daplis ng bala ang nasa braso nito, parang sasabog ang kaniyang ulo sa bawat iyak ni Nadi. Si Nadezhda ang kaniyang nag-iisang mundo at dito umiikot ang buhay niya. As a father, he will do everything to protect his daughter.

Nakaubos siya ng dalawang stick ng sigarilyo nang lumabas si Aurora, hubo't hubad ito at pumapatak ang tubig na nagmumula sa katawan nito. patay ang emosyon sa mata ng dalaga at walang pakialam sa paligid na tinungo nito ang pintuan nang pigilan niya ang kamay nito.

"Robe."

Winakli lang nito ang robang inabot niya. Dere-deretso nitong tinungo ang pintuan at pinihit ang siradura. "I am leaving. I don't wanna say this, but thank you. May kailangan lang akong tapusin."

"Dahil papatay ka?"

"Oo."

Hindi siya kumibo. Marahan lang siyang humakbang papalapit sa dalaga at mariin hinawakan ang balikat nito at pinaharap sa kaniya. "Pagkatapos ay ano? Anong susunod? Ilan pa ba ang papatayin mo para diyan sa paghihiganteng hinahanap mo? ang dami mo ng dinamay na mga inosente, Aurora. Saan ang konsensya mo?"

"Anong pakialam mo? Kahit kailan hindi ko kinuwestiyon ang pagkawala ng pamilya ko, ngayon lang. Kaya kung wala kang magandang sasabihin, huwag na huwag kang mangialam sa mga desisyon ko, Jayvion."

Napahugot na lamang siya ng malalim na buntong-hinga at hinayaan ang dalaga na umalis. Muli siyang kumuha ng sigarilyo at sinindihan ito. Nagsisigarilyo lamang siya kapag masyado ng malalim ang kaniyang iniisip o hindi siya makapag-focus ng gagawin.

Alam niya ang grupong sinasabi ni Aurora, pero hindi niya magawang sabihin sa dalaga. May parte ng kaniyang pagkatao ang natatakot na gawin ito. Lalo na at sa simula pa lang, hindi lang basta babae ang turing niya rito. Mahal niya ang dalaga noon pa man kaya kahit gaano kadilim ang nakaraan nito at gaano karaming taong pinatay, naiintindihan ng puso niya.

Tinawagan niya si Addavan at sinabi rito ang kaniyang sitwasyon. Tinawanan lang siya ng malakas ng kaibigan. Alam nito ang pinagmulan niya kaya lahat ng mga sekretong ginawa niya, alam ni Addavan. Maliban sa pareha silang Doctor, pareho rin ang pamilyang pinagmulan nilang dalawa na may mga madidilim na sekreto.

-

MAAGA pa lang ay dinala ni Jayvion ang anak niya kay Dr. Usuro sa bahay nito. Tuwang-tuwa ang matanda at ang asawa nito nang makita ang masiglang anak niya. Sa kilos at boses nito, parang walang nangyari kahapon. Balik sigla ang magandang Nadezhda niya kahit panay tanong ito na saan si Aurora.

"Nadi baby, dito ka muna kay Lolo-Dad at Lola-Mom mo, ha?" malambing niyang saad sa anak niya nang ibaba ito.

"Babalik kayo agad, Daddy?"

"Yes. May gagawin lang akong importante kasama si Tito Addavan mo."

"Oh, Tito Addavan! Tell him, I missed him Dad, ha? Tapos tell him din po na to bring me another princess doll."

"Noted, princess. Play with your cousin Carla and Jannah." Hinalikan niya sa noo ang anak niya. Tumango naman ito at mabilis na tumakbo sa dalawang pinsan nito habang kalong-kalong ang manika nitong si Aurora. kasing-edad lang ito ng kaniyang prinsesa kaya alam niyang hindi ito maghahanap agad sa kaniyang presinsya.

"Jayvion..." Ang Ama niya. Lumapit ito sa kaniya at marahang binasa ang kaniyang utak. "Anong nangyari? Mukhang hindi ka pa natutulog?"

Napangiwi lang siya at nagkamot ng noo. "Dad, kayo muna bahala sa anak ko. Bibisitahin ko lang ang tunay kong Ina."

Nagulat naman ang dalawa sa kaniyang sinabi. Alam ng mga ito na matagal na siyang walang komunikasyon sa totoong Ina niya. Sa Ama niya, wala siyang problema. Nasa malaking bahay nito sa America ang kaniyang totoong Ama kasama ang pangalawang asawa nito at mga kapatid niya. Siya lang ang nandito sa Pinas at namamahala sa Family business na pinamahala sa kaniya ng kaniyang totoong Ama.

"Bakit? Akala ko ba ay ayaw mo g makita si Julie na Ina mo?"

Napabuntong-hinga siya at matagal bago nakasagot. "Marami akong gustong itanong."

"Hindi ka na ba namin mapipigilan, anak?" nag-alalang tanong ng pangalawang Ina niya. Nakikita sa mga linya ng mukha nito ang matinding pagkadisgusto sa kaniyang desisyon.

"I'm afraid not, Mom."

"Oh siya, hindi namin kukuwestyunin ang desisyon mo. Basta mag-ingat ka lang."

Ngumiti lang siya sa mga ito at nagpaalam. Isang sulyap ang kaniyang binigay kay Nadezhda at kumaway sa bata bago umalis sa bahay ng Usuro. Kailangan niyang puntahan ang Ina at marami silang pag-uusapan dalawa.

Tiningnan niya ang orasan-pambisig nang makabalik siya sa kaniyang sasakyan. Hindi siya nakasuot ng puting coat ngayon tulad ng kaniyang nakakagawian. Bagkos, isang leather jacket ang suot niya at jeans.

"Quarter to 9," anas niya. Sandali niyang inayos ang suot sa harap ng rear view mirror at sinuklay ang buhok gamit ng kamay. Wala siyang tulog at hind rin siya nakakaramdam ng antok. Marami siyang gustong gawin at ang puntahan ang Ina ang pinakauna sa kaniyang listahan.

Kapagkuwa'y tumunog ang kaniyang cellphone. Si Addavan ang rumehistro sa screen.

"Gusto mong samahan kita?"

Natawa siya sa boses ni Addavan sa kabilang linya. Paano kaya niya sabihin sa lalaki na naging piranha ang mga isda nitong alaga.

"Hindi na. Matulog ka na lang diyan." Sinimulan niyang paganahin ang makina ng sasakyan. Malayo pa ang kaniyang lalakbayin. Anim na oras din paakyat papuntang North Luzon.

"Okay sabi mo, eh. Oo nga pala, daanan ko mamaya ang mga isda ko."

Napangiwi siya. Matagal bago nakasagot. "Sige, daanan mo na lang mamaya sa bahay."

"Copy that! Salamat sa pag-alaga sa kanila nung wala ako."

Ngumisi lang siya at pinatay ang tawag ng kaibigan. Sandali siyang huminto sa isang coffee shop at nag-take out ng kape. Kailangan niya ang kape para manatiling gising sa buong byahe.

"Gunner." Si Yx ang nasa kabilang linya.

Marahan niyang iniinom ang kaniyang kape habang nagmamaneho. Papalabas na siya ng Maynila ngayon.

"Yx."

"Report to Fortocarrero Properties. My office."

"I can't, Yx. May personal na lakad ako."

"Oh, I see. Si Addavan na lang and the rest of his men."

"Yeah, ang isang iyon na lang."

"Sige." At nawala ito sa kabilang linya.

Muli niyang hinarap ang kaniyang pagmamaneho kasabay ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Galit siya sa mga nangyayari ngayon pero ang may mas karapatan magalit ay si Aurora.

Fuck! How can I unlove her? Kung sa bawat halik at titig niya, nababaliw ang puso ko?

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon