EP 2 - PULANG BESTIDA

7.2K 234 11
                                    

"That mother fucker!" napangsi siya nang sulyapan ang kotsing itim na nakasunod sa kaniya, "Gusto yatang maagang magpapa-party kasama si Lucifer sa simenteryo." Sinulyapan niya muna ang kaniyang magandang mukha sa rear view mirror kung handa ba siyang makikipaggitgitan ng sasakyan ngayon. "Yep! Sobrang perfect ang kagandahan ko para pumatay ngayon."

Walang sabing inapakan niya ang pedal ng sasakyan at nakipagkarerahan sa mga sasakyang nando'n sa may kaluwagang kalsada. Napailing-iling siya nang makitang sumunod din ang sasakyang itim at balak nga talaga nitong mamatay mula sa kaniyang kamay.

Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo at humahabol din ito sa kaniya. Yeah, bring it on! Ang gustong sumama sa kaniya, sumama na! ilang sandali pa, naghabulan silang dalawa at hindi siya nagkamali, may nakaumang na baril sa kaniya mula sa bintana ng itim na sasakyan at babae ang nagmamaneho ro'n.

"Hi, bitch!" Kinindatan niya ito bago pinaulanan ito ng bala nang ibaba niya ang salamin ng kaniyang kotse.

Ang lakas ng kaniyang tawa nang makailag ito. Oh shit! Dapat sinalo nito ang kaniyang bala para mas masaya at makita nito agad si Satanas sa dulo. Muli niyang pinaulanan ito ng bala at nakipagsabayan din ito sa kaniya. But yeah, mas magaling siyang umilag kahit hindi pa nakatingin sa kalaban.

"Oh fuck! You should take my bullets, mother fucker!"

Nagbigay ito sa kaniya ng middle finger na tinawanan lang niya. 'Yan ang gusto niya sa mga kalaban, nakikisabay. Muli, pinaulanan niya ulit ito ng bala at nasapol ang balikat nito. Loser! Wala bang mas magaling pa sa kaniya? Nag-ikot siya ng mata nang sandaling huminto ito sa isang tabi.

Dahil siya iyong tipo na nababagot sa buhay agad, mabilis niyang iniumang ang baril sa bintana ng kaniyang sasakyan at ilang bala pa ang kaniyang binigay rito bago sumabog ng malakas ang sasakyan ng kawawang kalaban niya.

Nagtaas siya ng isang kilay at maarteng hinipan ang dulo ng kaniyang baril. So easy! Duhh. Maarteng hinagis niya ang baril sa tabing upuan at sandaling napatingin sa kurbata. "Hmm, that man..." ngumisi lang siya ng nakakaloko at nagpatuloy na sa pagmamaneho na parang walang nangyari. Mamaya niya na aayusin ang nangyaring kaguluhan sa araw na ito.

-

Napaismid siya nang makita ang laman ng balita sa gabing iyon. Puro patayan at isa siya sa may pinatay. Natapos niyang patayin kanina ang limang kurakot ng bayan nang walang kahirap-hirap. Napatingin siya sa wallclock, maghahating-gabi na. Hinayaan niyang nakabukas ang malaking flatscreen bago tinungo ang alaga niyang red viper sa vivarium. Malaki na ito at sobrang bait. Hindi nakakapagtakang ito lang ang malapit sa kaniyang buhay.

"Hello, Aurora! How's my little baby?" Kinuha niya ito sa loob ng vivarium at agad itong pumulupot sa kaniyang braso. Nakangiting hinaplos niya ang ulo nito. Naglalambing ang kaniyang alagang ahas.

"You pretty remind me of myself." Dinala niya ito sa kaniyang leeg at doon ito pumulupot. Hinayaan niya si Aurora na maglambing sa kaniya after all, harmless ito... Sa kaniya. Ang alam lang ng ahas ay matulog, kumain at maglambing sa kaniya sa tuwing umuuwi siya.

Deritso niyang tinungo ang kaniyang mini bar at kumuha ng imported wine. She loves wine so much! Mababaliw yata ang kaniyang araw kung hindi siya makakatikim ng wine maliban sa pagpatay. Hmm! I like the taste of it.

Bitbit niya ang isang bote nang tinungo niya ang malaking terrace ng kaniyang bahay. Kakabili lang niya nito at ibang pangalan ang kaniyang gamit. Well, marami siyang pangalan. Ang nakakakilala lang sa kaniyang pangalan ay ang leader ng Belladona at ang alagang ahas niya. Kahit na ang kaniyang mga kasamahan sa grupo, walang nakakakilala sa kaniyang totoong pangalan. Siya lang ang may alam sa mga totoong pangalan ng mga ito dahil na rin siguro, tatakbo siya ng susunod na leader. She's 29 years old and 20 years na siyang nasa grupo.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon