EP 32 - ALAS

4.1K 179 10
                                        

MULA sa malayo, narinig ni Ramona ang ingay ng chopper. Dumating na ang bisitang kaniyang hinihintay. Well, not bad. Ang bilis nitong rumesponde kahit malayo ang pribadong resort na ito na pag-aari ng kaniyang magulang. Iba talaga 'pag hawak niya ang alas at ang kahinaan ni Jayvion. Ito pala ang mga warning na binigay sa kaniya ni Nerium na binabalewala niya. Ang paalala ni Mordeccaii na huwag siyang magtiwala sa kahit sino. May mga punto nga naman talaga. Ngayon lang niya lubos naintindihan.

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa batang walang malay. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at inipit sa maliit na teynga ng bata. Her poor Nadezhda... Bigla, parang kinuyom ang kaniyang puso sa sakit. kailan pa siya nagdadalawang isip na pumatay? Wala siyang pinipili pagdating sa pagpatay kaya masaya si Raquel sa kaniyang kakayahan. Wala siyang puso, hindi siya marunong maawa kahit sa mga bata. Kumikitil siya ng mga inosenteng bata at tao. Pero bakit ngayon sa isiping papatayin niya rin ang anak ni Jayvion na walang malay ay parang pinipiga ang kaniyang puso? No, hindi siya magpapadala sa ligaw na awang nakapa niya sa kaniyang puso. Ang mga katulad ni Jayvion ay dapat din pinapatay at hindi na binubuhay.

Umupo siya sa tabi nito habang naka-dekwatro. Maikling damit ang kaniyang suot na mahaba ang uka sa dibdib. Ang kaniyang buhok ay nakapusod at tanging pulang-pula na lipstick na lamang ang nakapintura sa kaniyang mukha. Hindi na siya nag-abalang maglagay pa ng ibang kolorete, mabubura lang din naman kapag matatalsikan ng dugo.

"Aurora?!"

Natawa siya sa malakas na boses ng lalaki. Hindi na siya nagtaka kung bakit damang-dama niya ang galit sa boses ni Jayvion. Well, always naman. Kapag anak nito ang pinag-uusapan, laging mainit ang ulo nito.

"I'm here! Pasok ka lang, hinihintay ka namin ng anak mo."

Full loaded ang kaniyang baril at minsan, walang kontrol ang kaniyang kamay. May sarili itong isip na bumaril ng kaaway. Habang ang kaniyang isang kamay ay marahang humahaplos sa buhok ni Nadezhda.

"Aurora! Oras na may mangyayaring masama sa anak ko, hinding-hindi kita mapapatawad!" Biglang bumukas ang pintuan.

"At tingin mo, napatawad ko kayo sa ginawa niyo sa'kin?" Isang putok ang kaniyang binigay sa lalaki. Kung hindi ito agad nakailag, tinamaan na ito sa puso.

"Fuck!" Bahagya itong napaatras. Napamura ito ng malakas at nasapo ang balikat na tinamaan niya. Mula roon, tila ulan na dumaloy ang dugo nito.

"Huwag kang magtangkang lumapit Jayvion kung ayaw mong sa ulo ng anak mo, tatama ang pangalawang bala ng baril ko." Ngumisi siya. Walang tigil pa rin sa paghaplos ang kaniyang kamay sa buhok ng bata.

"Damn it, Aurora!"

Napaismid lang siya sa pangalawang mura nito. nanatiling nakatutok pa rin ag kaniyang baril sa lalaki at maling galaw lang nito, sa ulo na ang susunod. Huwag na huwag itong magkakamaling subukan siya dahil 'di nito alam kung saan ang kaya niyang gawin.

"Why? Is it painful? Hindi ba at masakit ang ginawa ng Ina mo sa pamilya ko, ha, Jayvion?! Hindi ba?!" Tumigil ang kaniyang kamay sa paghaplos sa buhok ng anak nito matalim na tinitigan ang lalaki. Nagbabaga ang apoy ng poot sa kaniyang mga mata.

"Kasalanan ng Ina ko ay hindi kasalanan nag anak ko, Aurora!"

"No. Kasalanan ng Ina mo ay kasalanan mo rin— nang buong angkan niyo." Muli siyang nagbigay ng isang putok at tulad ng una, nakailag si Jayvion. "Bakit hindi mo ako barilin? Ayaw mo? Hindi mo kaya? Hindi ba at lahi kayo ng kriminal? Ayaw mong ipaghiganti ang walang kwenta mong Ina na pinagpyestahan na ngayon ng mga uod sa impyerno? Gumanti ka, Jayvion! Gumanti ka!" Muli siyang nagpaputok pero this time, mabilis na nakatakbo si Jayvion para magtago sa likod ng sementong haligi.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon