EP 11 - HIRED

4.1K 175 4
                                        

"Umalis ka na bago kita kaladkarin palabas sa bahay na ito."

Napaismid siya at napahalukipkip. Sa tangkad niyang 5'8 at 6 inches heels na suot, halos magkasingtangkad na lang sila ng lalaki. "Nope. I won't leaving! I hired myself. Now, kung ayaw mo sa ideang iyan, ikaw nalang ang mag-adjust coz honey, I won't leaving."

Nagtagis ang bagang nito sa kaniyang sinabi at hinaklit ang kaniyang braso. Again? Gusto niyang umirap sa ginawa nito. Hindi ba alam ni Jayvion na kaya niya itong patumbahin sa loob lang ng isang segundo?

"Hindi ako nakikipagbiruan dito, Aurora."

"Same. Now you call me Aurora, mas lalo kong naramdaman na sobrang welcome ko sa house mo. By the way sweetheart, ang ganda ng bahay mo. Mas maganda sa gabi."

"Shut the fuck up!"

Ngumisi lang siya at hinaplos ang pisngi nito pero agad nitong napigilan ang kaniyang kamay.

"Alam mo kung bakit ako pumasok na nanny ng anak mo tho hindi ko 'to linya?"

"I don't care what your reasons, Aconite. Now leave!"

"Tsk! You are so rude." Tinanggal niya ang kamay nito. "Sa tingin mo hindi masasaktan ang anak mo 'pag nalaman niyang pinaalis mo ako?"

"Hindi ang taong tulad mo ang nababagay sa trabahong ito, Aconite. Wala akong balak ilagay sa panganib ang buhay ng anak ko. We all know kung anong klaseng tao ka."

Ngumiti lang siya ng nakakaloko. "How come ilagay sa panganib? Nah, you're overthinking Jayvion. I'm a Belladonna right?"

Ngumisi rin ito. "That's what I'm pointing about. Belladonna. Now, leave before my gun fucks you like hell."

Nagkislapan naman ang kaniyang mata sa narinig na 'fuck' word sa sentence na binitawan ng lalaki. Hindi ba nito alam na sa pagsasalita pa lang nito, paggalaw ng kilay sa galit, pagtiim ng bagang, pagpipigil sa galit na huwag siyang isalya sa isang tabi ay mas lalong nagpapa-turn on sa kaniya. Kung pwede lang na hilain ito sa isang tabi at yayain ito tulad ng ginawa nila kagabi.

"Daddy!"

Mabilis na nawala sa harapan niya ang lalaki at agad pumasok sa loob ng silid ng anak nito. Natawa na lang siya. Weakness spot ni Jayvion si Nadezhda at hindi niya mapigilan magsaya. Alam niyang tanggap na siya kaya kukunin niya na ang kaniyang dalawang maleta sa sala at siya na ang maghanap ng kaniyang sariling silid. Much better kung kasunod sa silid ni Jayvion.

Maarteng naglakad siya pababa ng hagdan. Nang makita siya ni Dr. John Usuro, agad itong tumayo at sinalubong siya. Puno ng pag-alala ang mukha ng matanda pero nang makita okay lang siya at buo pa ang katawan, nakahinga ito ng maluwang.

"Hail Mary, I thought my son killed you."

Natawa naman siya ng malakas. "You're joking, right? Anyways, dalhin ko na sa guestroom ang dalawang maleta ko. Thank you, Doc. I owe you this!"

"Wait Aurora—"

Hinila niya na ang kaniyang dalawang maleta na walang kahirap-hirap. Hindi mabigat para sa kaniya, ewan na lang sa iba. Deretso niyang tinungo ang hagdanan at napabuntunghinga. Dito niya kailangan ang tulong ng matandang Doctor.

"Doc I need your help."

"Pumayag na ba ang anak ko?"

"The hell I care?

"Jesus Christ, Aurora!"

Ngumiti lang siya nang nakakaloko. Sinenyasan niya ang matanda na tulungan na siya nito pero hindi nito mabuhat ang kaniyang isang maleta. Napaikot na lamang siya ng mata.

"You can go now Dad."

Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Si Jayvion ito at nakahalukipkip ang kamay. As promise, hired na siya. Simple as that! Lumingon siya sa matandang Doctor at kumaway rito. Nalilitong tumango naman ito at nagpaalam na sa kanilang dalawa.

"Hey, mind if you help me?" Tinuro niya ang dalawang maleta pero tinalikuran lang siya ng lalaki.

Tinaasan lang niya ito ng kilay. Expected na niya itong hindi siya nito tutulungan. Kinapa niya ang kaniyang shoulder bag at kinuha roon ang isang gadget para siyang tumulong sa kaniya. Galing ito kay Uno na siyang hiniram niya saglit. Inasahan niya na itong paglilipat niya ng bahay.

Agad niyang ginamit ito. Para itong isang baril. Agad kumapit sa itaas ng hagdan ang wire ng gadget. Nagmukha itong zipline. Nakangiting nilagay niya agad ang maleta at walang kahirap-hirap na pinagmasdan ang inembintong gadget ni Uno na siyang gumawa ng mga bagay-bagay na tamad siyang gawin.

Perfect!

Hinila niya ang dalawang maleta at tinungo ang silid kung saan katabi lang ng master's bedroom. Naka-lock ang guest room pero hindi problema ito, mabilis lang niyang nabuksan ang pintuan at pumasok.

Maganda ang silid at may kalakihan. Kulay puti ang dingding at umiiyak na asul ang kurtina! Oh shit! Bukas na bukas din ay papalitan niya ang kulay ng dingding. She hates the color of it! Kahit ang kurtina, hindi niya gusto. Argh! She's having a goosebumps all over her body!

Kahit ang kulay ng kobre-kama ay puti. So dull! Gusto niyang magwala sa inis pero dahil unang araw niya ito at magandang araw ito para sa kaniya, kaya palalagpasin niya muna.

Agad siyang nagtungo ng banyo at tiningnan kung may malaking bath tub and to her surprised, wala! Nagpapadyak na sinara na lang niya ang pintuan pero kalaunan ay bigla rin napangiti. Well, meron na siyang rason ngayon para pumasok ng nakahubad sa silid ng lalaki.

Inisip ko pa lang, excited na ako! Ang lakas ng halakhak niya sa malanding naisip. Tama, mas okay na walang bath tub. Hindi problema ito sa kaniya. Ngayon pa lang, sobrang naexcite na siyang makasama si Jayvion 24/7. Kung saan ito, andoon siya. Kung matutulog ito, andoon din siya. means, nakasunod siya rito 24/7.

NAPAHAWAK na lang sa ulo si Jayvion nang pumasok siya sa library room. Pinapakalma niya ang kaniyang sarili at ayaw niyang makita siya ng kaniyang anak na galit na galit. Pero ano ang kaniyang gagawin? Desidedo ang babae na tumira sa kaniyang bahay at ngayon nagbalak pa na maging yaya ng kaniyang anak.

Mapakla siyang natawa. Hindi ang natutulad nito ang pwedeng humawak sa kaniyang anak. Panganib ang dala ng dalaga lalo na at myembro ito ng isang Assassin. Isang grupo na tinugis nila noon.

"Damn! I need to call Addavan on this."

Agad niyang kinuha ang cellphone. Dalawa ang kaniyang organisasyon sinalihan: Dark X and SPHERE.

"Addavan!"

"Loud and clear." Agad na sagot nito sa kabilang linya.

"She's here."

"Fuck!" napamura ito at saglit niyang nilayo ang kaniyang phone. Masakit sa teynga ang reaction ng kaibigan.

"Yeah she's here, Aconite."

"I'll be there in a minute—"

"No."

"Call!" Agad itong nawala sa kabilang linya.

May pinindot siyang remote at biglang bumukas ang kabilang bahagi ng library room. Isa itong secret door patungo sa silid kung saan andoon ang gamit niya sa paglulutas ng mga kaso na binibigay sa kaniya ng grupo.

Hindi niya alam kung bakit at anong gusto ng babae. Unang tagpo lang ng kanilang landas ay sa Hospital ng kaniyang Tiyuhin na tinuring ama. Ang buong akala ni Jayvion ay doon magtatapos pero may sumunod... ang gapangin siya nito sa loob ng kaniyang silid mismo.

Damn! 

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon