EP 3 - AURORA

5.7K 205 7
                                        

“Gosh Aurora, napahaba ang kwento ko sa'yo!” Binaling niya ang kaniyang atensyon sa alagang ahas. “See, I told you na nakakaiyak ang kwento ko. I know you're crying inside.” Natawa siya. “But anyways, magpahinga na tayo. Maaga pa ang alis ko bukas and, magpahinga ka na rin. Bantayan mo ang bahay ni Mommy, okay?” Tila nakaintindi naman ang viper snake niya at nag-hsss sound ito.

Maarteng humakbang siya pabalik sa vivarium at nilagay ito roon. Deadly and poisonous ang Aurora niya, pero masisi ba niya ang sarili kung may connection sila sa isa't isa ng pet niya? Mabait naman ito. Iyon nga lang, talagang nakakamatay ito.

Pakanta-kanta siya nang tinungo niya ang kama. Humiga siya roon at napahinga ng maluwang! Ah, ang sarap sa pakiramdam kapag ang kama niya na ang usapan. Kaya sa gabing iyon, natulog siyang parang walang nangyari.

-
“A freshy morning!” masiglang bumangon siya kinabukasan at tinungo una ang vivarium. Naglagay siya ng pagkain sa kaniyang nag-iisang kaibigan at alaga bago siya dumeritso sa loob ng malaking CR niya.

Sa laki ng espasyo, pwede na siya magpatayo ng parke sa loob lalo na at hindi basta-basta cr iyon. Sa kanang bahagi, may lagusan ro'n. Escape way kung baga. Sa kaliwang bahagi, may secret door na kung saan andoon lahat ng mga collections niya. Hindi wine, kundi mga bagay na kinuha niya mula sa kung kanino. Basta kulay pula, ay kaniya. Kumikintab o mamahalin, pangit o mumurahin. Kapag nagustuhan ng kaniyang mata, kinukuha niya ito at dinadala sa bahay niya.

Kumakanta-kanta pa siya sa harap ng malaking salamin bago tuluyang naligo at inasikaso ang sarili. Isang oras bago siya nagdesisyon na magpalit ng damit matapos maligo, at tinungo niya ang queen size wardrobe.

Namili siya ng damit na puro pulang nando'n. From red, cherry, rose, jam, merlot, garnet, crimson, ruby, scarlet, wine, brick, apple, mahogany, blood, sangria, berry, currant at marami pang klaseng red. Ganito siya ka-obsess sa kulay na ito!

Isang wine color plunging neckline dress ang napili niya. Maikli ang damit at labas ang kaniyang cleavage. Tamang-tama lang ang laki ng kaniyang dibdib, hindi malaki at hindi mabigat. Nakakatakbo siya at nakakagulong.

Kumuha siya ng nipple tape at dinikitan ang nipple niya para hindi halata. Hindi siya sanay magsuot ng bra dahil hindi niya naman kailangan ang bra. Hadlang lang ito sa fresh air na kaniyang gusto.

Kumuha siya ng 6 inches stiletto na kakulay ng kaniyang damit. Pakanta-kanta pa siya nang maglagay siya ng jewelry. Mostly, totoong ruby ang mga ito. Mula sa hikaw, kwentas at singsing.

Sophisticated bronze make up ang napili niyang ilagay na look plus red lipstick! Perfect na perfect! Napangisi siya sa harap ng salamin. Isang maganda at sopistakadang babae ang kaniyang nakikita. Walang takot at walang kinakatakutan kahit sino. Oh well, mga kalaban niya pala ang takot sa kaniya.

“Can't wait to kill! Ilang tao ba papatayin ko ngayon araw?” Ni-recall niya sa isip kung ilan ang assignment niya. Napaismid siya nang malamang isa lang. “Ah yeah, no worries. My rules again!” Ngumiti siya ng matamis. Papatay siya ng masasamang tao ngayon. Pwede rin inosente! Tuluyan siyang humalakhak sa naisip.

Nagpaalam muna siya kay Aurora bago siya umalis ng bahay. Bitbit niya ang kaniyang bag na ang laman ay isang malakas na uri ng baril. Hinagis niya ito sa upuan nang makapasok siya sa loob ng kaniyang high tech na sasakyan na may face and voice recognition.

Bulletproof din ito at kayang maging invicible kapag gusto niya. Mahal ang bili niya sa sasakyang ito na kay Uno niya mismo pinagawa. Iba ito sa ginamit niya kahapon.

Pakanta-kanta siya habang nagmamaneho. May target siya at ito ang plano niyang unang patumbahin bago siya mag-window shopping at magwaldas ng pera sa mga walang kwentang bagay.

“Red lights! Gusto ko rin niyan magkaroon sa bahay.” natawa siya sa naisip na kalokohan nang makita ang stop light. Imbes na huminto, parang balewala na sumuot siya sa mga nagtatakbuhang sasakyan sa kabilang lane.

Ops! Sorry. Nakita niya sa rearview mirror na nagkaroon ng banggaan dahil sa kaniyang ginawa. Kunwari sincere siya pero hindi. Ngumiti lang siya nang matamis at nagtuloy-tuloy sa kaniyang pupuntahan. Its good to be alive! And, to kill.

Sandaling sumulyap siya sa kaniyang bag. Lumabas doon si Aurora kasama ang baril niya.

“Aurora! Oh my gosh! What are you doing on my bag? Bakit ka sumama sa'kin?” natitilihang tanong niya at kinuha ito gamit nang isang kamay.

Agad itong pumulupot sa kamay niya at hinayaan ito. Naalala niyang kinuha niya pala itong ahas sa vivarium nito at nilagay sa bag. Dahil iba ang kaniyang plano, hindi baril ang gagamitin niyang pangpatay ngayon araw. Kundi venom ni Aurora.

Ngumisi siya na parang demonyo. Venomous ang viper niyang alaga at wala itong kinikilalang tao kundi siya lang. Siguro, dama din nito ang saya na gagawin niya. Aurora is her only friend. Ito lang ang nakakaintindi sa kaniya, ang kausap niya, ang tanggap ang pagkatao niya bilang si Ramona.

Dalawang oras ang kaniyang ibabyahe pero hindi siya naiinip. Mas naexcite siya lalo na at isang big time syndicate ang kaniyang itutumba ngayon.

Ang sabi ng Belladonna Leader na siyang nagbigay sa kaniya ng proyekto, delikadong tao ang kaniyang papatayin ngayon araw. Drug syndicate at maraming mga tauhan sa paligid.

Dagdag pa nito, hindi siya pwedeng sumablay dahil kasabayan niya ang Dark X Organization. Kung siya, iba ang kaniyang pakay at patayin ang leader ng big time syndicate. Ang Dark X ay ibang layunin din, kaakibat ito ng government at kahit hindi niya kilala kung sino ang nasa likod nito, alam niyang kukunin lang ng Dark X ang leader para ikulong at pagbayarin ng habang buhay sa kulungan. But siya? No, hindi siya nagbibigay ng panibagong pagkakataon.

Patay kung patay at mas mabuti, sa dulo ng baril niya mawalan ng buhay ang kaniyang target. Masaya ang makakita ng dugo at makarinig ng pagmamakaawa. Iyong tipong nanginginig sa takot habang nakaluhod o kaya ay gumagapang sa sariling dugo.

Siya ang klase ng assassin na hindi pumapatay agad ng target, siya itong klase na nagpapahirap muna ng biktima at nilalasap ang bawat sigaw at iyak ng mga ito.

Sa bawat sigaw at pagmamakaawa, mas lalo niyang nararamdaman ang salitang satisfaction. Satisfaction kung paano pumatay. Satisfaction sa kaniyang addiction pagdating sa kulay pula.

“Don't worry Aurora, bago mo siya bigyan ng babala, ako muna ang sasalubong sa kaniya and we can't afford to be late! Mauunahan tayo ng Dark X and I won't let it happen. Dagli lang ang pasensya meron tayo.” Sa sinabing iyon bigla niyang pinatulin ang takbo ng kaniyang sasakyan mg dala habang ang demonyong ngiti sa kaniyang labi ay nakapaskil sa kaniyang magandang mukha.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon