Hindi niya magawang kapain ang boses. Sa kabilang sulok ng isip niya, may kinalaman si Arielyn sa pagsulpot ng lalaki sa kaniyang harapan. Sandali niyang kinapa ang kaniyang puso, wala na ang galit na nanahan doon. Ibang damdamin na at hindi niya matukoy kung ano ito. Ano ba ang sasabihin niya? Marahan siyang napahawak sa kaniyang tiyan nang maglikot ang batang nasa sinapupunan niya. Nagbaba siya ng tingin.
"Ma'm inlove kayo 'no?"
Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang boses na iyon mula sa isang cellphone na hawak ni JAyvion. Naalala niya ang boses na ito, ito 'yong boses ng isang Mamang driver na taxi na kaniyang sinakyan.
"Ha? Paano niyo nasabi, Manong?"
"Kanina pa kayo nakangiti Ma'm, eh. Nangingislap pa ang mata ninyo at tatlong beses niyo na rin dinama ang labi ninyo. Siguro naisip niyo ang jowa niyo, Ma'm 'no?"
"Paulit-ulit ko 'tong pinakinggan, Ara," mahinang anas ni Jayvion. Nakikita niya sa mga mata nito ang matinding pangulila sa kaniya. "Paulit-uli na memoryado ko na lahat.
"Actually, Manong. May isang lalaki akong nagugustuhan. Tingin ko nga mahal ko na siya." Nakuha niyang humalakhak na halatang kinikilig. "But I'm not sure Manong kung pagmamahal ba 'tong nararamdaman ko sa kaniya at sa bata. Ang gwapo niya kasi! Tapos ang yummy pa. Kuha mo, Manong? Sa dami ng lalaking nakilala at nakasalamuha ko, sa kaniya ako nagkakaganito. Para siyang isang magnet, hinihila ako kahit gusto kong dumestansya sa kaniya."
"May anak siya Ma'am? Single Dad?"
Natawa siya ng malakas. "Yes, and I like her daughter too! Ang talino nung bata. Lagi niya akong tinawag na Mommy. Nung una, nandidiri ako. Kalaunan, nagustuhan ko. odd kasi hindi ako mahilig sa bata. You see Manong, lumaki akong alila at ibang mundo ang kinagagalawan. Pero 'pag kasama ko si Jayvion, nag-iiba ang tibok ng puso ko. pakiramdam ko, babaeng-babae ako sa kaniya. Masaya ang puso ko. Hindi nga niya alam na tinititigan ko siya minsan at napapangiti na lang ako. Kaninang umaga nga, nagising akong katabi ko siya at doon ko naisip Manong, na gusto kong magising sa umaga na siya lagi ang una kong nakikita. Sila dalawa ng anak niya. I don't know why! Pakiramdam ko kasi, sila 'yong bubuo sa pagkatao ko. I mean, silang mag-ama ang mga taong magpapakompleto sa'kin. Nakuha niyo ba ako? Nakakadiring pakinggan pero ito ba 'yong tinatawag nilang pag-ibig Manong?"
"Naku Ma'am! Iyan nga! Kinikilig naman ako sa'yo, MA'am."
Napahagikhik siya. "Ako rin Manong, kinikilig! Ang daldal ko ngayon araw. First time nangyari 'to."
"Ganiyan talaga 'pag umibig, Ma'am. Nagiging madaldal. Minsan nga ang iba naging tanga!"
Nakagat ni Ramona ang labi nang patayin ni Jayvion ang recording sa phone na dala nito. matiim ang mga tinging binigay sa kaniya lalo na sa malaking tiyan niya ngayon. kumudlit ang saya sa mukha nito pero agad din napalitan ng lungkot. Humakbang ito sa kaniyang kinapipwestuhan at biglang lumuhod sa kaniyang harapan. Namumuo ang mga luha sa mga mata nito.
"Ara... I'm sorry." Ginanap nito ang kaniyang dalawang kamay.
"Jayvion..." Halos pabulong na lamang itong lumabas sa kaniyang bibig.
"Walang araw na hindi kita hinintay na bumalik. Gusto kitang puntahan dito, gusto kitang sundan, pero naduwag ako. Natakot na baka mas lalo mo akong kamuhian kapag nakita mo ako lalo na at buntis ka. Hanggang sa hindi na ako nakapagtiis. Kinausap ko ang kaibigan mo. Nagpatulong. Ayuko ng magmasid sa malayo. Napagod na ako na maghintay sa malayo habang pinagmamasdan ka ng anak natin na ngayon ay nasa sinapupunan mo." Niyakap nito ang kaniyang kamay. "I love you. Matagal ko ng gustong sabihin ang mga katagang iyan nang paulit-ulit hanggang sa maniwala ka."
BINABASA MO ANG
BETWEEN THE ACE [COMPLETED]
RomanceShe was dressed to kill. Walang kinakatakutan kahit anong bala. Naging kaalyado siya ng isang organisasyon kung saan ang mga katulad niya, ginagawang assassin. They kill for money and the satisfaction of their clients. Lahat ng kasapi sa nasabing or...
![BETWEEN THE ACE [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/270642040-64-k315526.jpg)