"How did you—"
"I'm with your Father." Mabilis na pinutol ni Ramona ang anuman sasabihin ni Jayvion. Nasa pamamahay sila ng lalaki. Mas doble ang security lock ng bahay nito pero dahil kasama niya si Dr. John Usuro, easy pie siyang nakapasok.
Maaga pa lang kanina, nagpunta na siya sa office ni Dr. John Usuro na may dalang dalawang maleta. Ang isa ay puro mga gamit niya ang laman, ang isa ay puro wine. Why not? Wine is life!
Napailing pa ito at tinanong siya ng matanda kung bakit hindi niya iniwan sa kaniyang sasakyan ang kaniyang maleta, na kaniyang tinawanan lang. Bakit niya iiwanan ang dalawang mahalaga sa kaniyang buhay. Not to mention na dinala niya rin si Aurora at nasa loob ng maleta niya ito.
Napagkasunduan nila ng matanda na siya ang maging bantay ng apo nitong si Nadezhda. Marami na raw sumubok na maging personal yaya ng bata pero lahat inayawan ito ng anak ni Jayvion. Kung hindi ang bata, si Jayvion mismo.
Ayaw niya sana, dahil ang gusto naman talaga ni Ramona ay ang Ama nung bata. Hindi siya marunong mag-alaga at mas lalong wala siyang hilig sa mga bata! Ang gusto niya ay sila lang dalawa ni Jayvion, sa iisang bahay, at magkahinang lagi ang labi.
"Kung gusto mong masulot si Jayvion, kailangan mong dumaan sa anak niya. Iyan ang pinakamabilis na paraan Aurora."
Napailing siya sa boses na umecho sa kaniyang utak. Ito ang huling usapan nila ng matanda bago sila pumasok sa malaking bahay ng anak-anakan nito.
"My father?"
"Uh yeah? Dr. John Usuro?"
Tumalim ang mata nito. Agad nitong hinawakan ang kaniyang braso at hinila palabas sa library room kung saan naabutan niya itong may binabasang dokumento.
Did she mention na alam niya ang pasikot-sikot ng bahay nito? Kasama ang secret doors? At imbes na masaktan sa paraan ng pagkakahawak nito, hindi siya umimik. Nakangiti lang siya ng nakakaloko habang nakasunod sa lalaki. Gustong-gusto niya ang nakikitang galit sa mata nito na parang isa siyang pagkain na sabik na sabik nitong kainin anytime!
"Dad!" Nasa itaas sila ng hagdanan. Habang papasok muli sa pintuan si Dr. Usuro.
"Good morning son! Ipapakilala ko pala si Auro—" natigilan ang matanda nang makita siya nitong hawak-hawak ni Jayvion sa braso. "Aurora?"
Tumango siya at ngumiti nang matamis. Sandali lang siyang iniwan ni Dr. John sa sala dahil may tumawag na staff sa phone nito at ginamit niya ang minutong oras na pagkawala nito.
"Ikaw ba ang nagdala sa babaeng ito?"
"Yes. Gusto niyang mag-apply bilang personal yaya ng anak mo."
"Now you know why I am here?" Binawi niya ang kaniyang braso at maarteng naglakad sa baitang ng hagdanan. Ang haba ng heels niyang suot pero keri niya ang kaniyang sarili. Mas nagmukha siyang run away model keysa yaya.
Nang makita niyang hindi sumunod ang lalaki sa kaniya, sandali siyang huminto at nakataas ang kilay na lumingon kay Jayvion. "Ayaw mong bumaba? Handa akong makinig sa Do's and Don'ts mo sa bahay na ito doon sa sofa." Tinuro niya ang sofa sa sala.
"Leave my house." Matalim ang matang saad nito. Nakakangalaiti ito ngayon sa galit.
But shit! Mas lalo siyang ginanahan na pagmasdan ang lalaki kapag nagsisilabasan ang mga ugat nito sa leeg. Mas lalo siyang natuturn on! Ang lakas ng dating nito.
"Nah come on! Hindi ganiyan tumtrato ng applicant. Be professional, honey."
Mas lalong nangalaiti ito sa galit. Malalaki ang hakbang na ginawa nito at nang makalapit ito sa kaniya, hinaklit nito ang kaniyang braso at hinila pababa ng hagdan. Imbes na magreklamo sa paraan ng pagkahawak nito, natawa na lang siya. Ito ang gusto niya sa mga klase ng lalaki.
BINABASA MO ANG
BETWEEN THE ACE [COMPLETED]
RomanceShe was dressed to kill. Walang kinakatakutan kahit anong bala. Naging kaalyado siya ng isang organisasyon kung saan ang mga katulad niya, ginagawang assassin. They kill for money and the satisfaction of their clients. Lahat ng kasapi sa nasabing or...