NASA kalahating kain pa lang si Ramona sa kaniyang shawarma nang may matanaw siyang kakaibang kilos mula sa lalaking nasa unahan. Nakasuot ito ng sumbrero, may tuwalya sa leeg at kupasin na pantalon. May hawak itong mga hellium balloon na siyang binebenta. Malakas ang kaniyang instinct na may masamang gagawin ito at pinupunterya sa mga batang nasa playground. Nakatitig ito sa batang lalaki na kasama ni Nadezhda. Malaki ang posibilidad na kidnap for ransom ang gagawin ng mamang nagtitinda ng lobo.
Tsk! Bakit kasi ngayon pa na andito ako kasama ang bata?
Naubos niya ang kinakain at kinuha ang bottled water at tinungga iyon habang ang kaniyang atensyon ay nasa lalaki pa rin. Binabasa niya ang bawat galaw ng lalaki at natawa siya. Ang malas nito! Kung wala si Nadezhda, hindi siya mangingialam kahit na pagpapatayin pa nito lahat ang mga kabataan sa playground. But not when Nadezhda is around.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa lalaking nagtitinda ng balloons. Bibili lang siya ng isa saka niya ito patutumbahin. "Magkano?"
"H-ha?"
"I said magkano?"
"Ah... singkwenta po Ma'am. Bibili ho ba kayo?"
"Baka lumapit ako rito para magtinda rin." Tinaasan niya ito ng kilay. "Give me one." Utos niya.
Binabasa ang bawat galaw ng katawan nito. Mula sa pagkumpas ng kamay nito, sa paggalaw ng katawan, likot ng mata, hindi makapakaling kilos at malaking belt bag na alam niyang baril ang laman.
"A-alin dito Ma'am?" Hindi ito makatingin ng deritso sa kaniya.
Tahimik na binuksan niya ang kaniyang sling bag at may kinapa roon. "Alin ba ang mas maganda? 'Yang princess na balloon o ang tama ng baril ko? Alam kong may tinatarget ka sa mga batang nandito but sorry, hindi ipagbukas mo na lang 'yan dahil kasama ko ang batang binabantayan ko." Nakangising tinutok niya kaniyang sling bag dito na may baril sa loob. Isang putok niya lang sa tiyan nito, tiyak na mamimilipit ito sa sakit.
Nagitla naman ito at hindi nakagalaw. Natawa siya sa reaksyon nito pero agad nawala ang tawa niya nang marinig niya ang matinig na boses ni Nadezhda, huli na para sabihan niya itong huwag lumapit sa kaniya.
"Holy shit! Nadezhda!"
Isang malakas na putok ng baril ang sunod na umalingawngaw. Nailagan niya ang ginawang pagbaril sa kaniya nung lalaki at nakipagbarilan dito. Mabilis ang kaniyang galaw na takbuhin ang deriksyon ni Nadezhda at kinarga ito. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mata ng bata at hindi ito magawang makapagsalita. Muli silang pinaulanan ng bala nung lalaking nagtitinda ng mga lobo. Gumanti rin siya ng barilan dito at kita niyang natamaan ito sa balikat.
"Nadezha, you okay? Hey!" Tinapik niya ang pisngi ng bata nang mailagay niya ito sa safe na lugar. Nakatulala pa rin ito. "Shit! Jayvion will kill me!"
Nagkaroon ng commotion sa paligid. Nagtakbuhan at iyakan ang mga bata. Muli niyang hinarap ang lalaking muntikan dumali sa buhay niya kung hindi siya nakailag agad.
Tumakbo na ito papalayo habang hinayaan nito ang lobo nitong tinda na lumipad sa hangin. Akmang hahabulin niya ito nang marinig niya ang malakas na palahaw na iyak ni Nadezhda.
"Daddy!!!"
Muling bumaling ang kaniyang tingin dito at hindi niya alam kung paano magpatahan ng batang umiiyak. Hawak niya pa rin sa kaniyang baril at doon lang napansin ni Ramona na dumudugo ang braso ng batang nasa harapan niya. Mabilis niyang tiningnan ang braso nito, daplis lang ng bala at malayo ito sa atay.
"Daddy!!! Daddy..."
Sweet heaven! Paano ba magpatahan ng bata? Hindi siya nainform kung paano magpatahan ng bata sa training nila sa Belladonna. Panay ang iyak nito at kahit isa siyang natural cold-blooded animals, anak pa rin ito ni Jayvion. She won't let her cry all day.
BINABASA MO ANG
BETWEEN THE ACE [COMPLETED]
RomanceShe was dressed to kill. Walang kinakatakutan kahit anong bala. Naging kaalyado siya ng isang organisasyon kung saan ang mga katulad niya, ginagawang assassin. They kill for money and the satisfaction of their clients. Lahat ng kasapi sa nasabing or...