EP 9 - NOT A WIFE MATERIAL

4.1K 186 4
                                    

"I'm here." Walang kagana-ganang saad ni Ramona nung pumasok siya sa office ni Raquel. Bahagya siyang nag-unat.

Nakatayo ang babae paharap glass wall kung saan makikita ang malawak na lupain. Kaya siya tinatamad na pumunta sa base nila, maliban sa ang layo sa kabihasnan, pahirapan pa ng byahe. Tatlong oras din ang binyahe niya.

"I see." Bumaling ito sa kaniya at maarteng naglakad pabalik sa swivel chair nito. Maingay ang heels na suot nito at sa isang kamay ang sigarilyo na hindi pa sinisindihan.

"Huwag mong sabihin na ako pa magsisindi niyan?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Don't bother." Kinuha nito ang lighter sa ibabaw ng mesa nitong gawa sa makapal na salamin saka nagsindi. Hinithit muna nito ang usok saka nagbuga sa hangin.

Nag-ikot lang siya ng mata. Hindi siya mahilig sa cigarettes. "Kung wala ka naman palang matinong sasabihin, mauuna na ako. Alam mong ayaw kong makita 'yang pagmumukha mo, Raquel."Akmang tatayo siya nang pigilan siya ng babae.

"Matigas ang ulo mo. You need to lie low, Ramona. Masyado kang mainit sa mata ng batas, lalo na sa mata ng ibang organisasyon! Ang utos, isang target. Hindi lahat ng taong makikita ay papatayin mo. Now, as your Superior and Boss, isang buwan kang walang assignment na makukuha. Ang lahat na ipapagawa ko sa iyo ay sa ibang Belladonna ko ibibigay. Magaling ka nga, pero napapansin kong tumutulis na ang 'yong sungay. Hindi lang isang beses mo itong ginawa, tatlong beses na, Aconite." Diniin ni Raquel ang hindi pa nangangalahating sigarilyo sa ashtray. "You can leave." Kumuha ito ng panibagong sigarilyo at nagsindi. Maarteng bumuga ito sa kaniyang harapan.

Ngumiti lang siya nang matamis matapos marinig ang sinabi ni Raquel. Tinatakot ba siya nito? Oh bitch, nice try. Kaya niyang pumatay ng walang assignment-assignment na galing sa Belladonna.

Taas-noong naglakad siya papalabas sa office nitong kulay itim lahat. Kung anong obsess niya sa kulay pula, ganito naman ito sa kulay itim.

Nakasalubong pa niya ang isa sa kasamahan nilang Belladonna at wala silang pansinan. Hindi nagpapansinan sa madaling salita. May kaniya-kaniya silang mundo.

Deritso niyang tinungo ang Hospital kung saan nandoon ang kaniyang pribadong Doctor. Pero ang totoo, si Jayvion ang kaniyang gustong makita at ipaalala sa lalaki ang ginawa nilang sarap sa ibabaw ng kama.

"Aurora?" Nagulat ang matandang Usuro na makita siya.

"It's me!" Maarteng umupo siya sa sofa at agad hinanap ng kaniyang mata ang wine.

Ngumiti lang siya ng matamis. Si Dr. John Usuro ay tiyuhin ng lalaking binaliw niya kagabi pero ang pagkakaalam ng lahat, anak nito ang lalaki. Confidential ang buhay ni Jayvion kaya limitadong tao lang ang nakakaalam sa totoong buhay nito. Hindi na siya nagtaka kung Lacro ang middle name ni Jayvion at hindi Usuro. Simple lang, adopted ang Ina nito.

And speaking of confidential, hindi niya pa nakita ang asawa ng lalaki. Gusto niyang makita kung anong hitsura ng mukha ng asawa nito pero ang sabi ni Uno, walang nakakaalam kung saan ang asawa nito at kung ano ang tunay na mukha. Wala itong naibigay sa kaniya.

"Yeah, nandito ba si Dr. Jayvion?"

Nagulat naman ito sa kaniyang sinabi. Para siyang nagtanong ng isang imposibleng bagay. "How did you know my son's name?"

Nagkibit lang siya ng balikat. "Why not? Gwapo si Jayvion. Hindi kayo magkamukha. Anak mo ba talaga siya?"

Napaubo naman ito sa kaniyang deritsahang tanong at napailing. Sandali itong tumayo at kinuha ang kaniyang paboritong wine. Kumuha ito ng kopita at ito na rin ang naglagay at inabot sa kaniya.

"Walang lason 'yan," saad nito.

Nagkibit siya ng balikat at sinimsim ang wine. Hindi naman siya takot sa lason, alam niya ang amoy at kulay ng lason 'pag hinahalo sa wine. Minsan umaatake lang ang trust issue niya sa isang bagay. Lalo na at gawain niya ito.

"So, saan ang anak mo?" Muli niyang tanong.

"Nasa anak niya."

Biglang nagliwanag ang kaniyang mata sa narinig. Pwede sa matandang Doctor na ito niya malalaman ang impormasyon na ayaw ibigay sa kaniya ni Uno. Mukha kasing pera si Uno. Bawat impormasyon ng tao, may katumbas na bayad. Ang mahal pa ng mga inumin nito sa bar.

"Oh!" Kunwari ay nagulat siya. Umarte siyang disappointed sa nalaman. "May anak na pala siya? Sayang naman at may asawa na siya. I like him pa naman."

Natawa naman ito at bumalik sa kinauupuan nitong swivel chair. "You are not his type, Aurora, sinasabi ko."

Nag-irap siya ng mata. "Like the hell I care?" Tinungga niya lahat ng laman ng wine. "Masarap!" Napapikit pa siya. Naalala niya ang ginawa ilang laru-laruan kagabi ni Jayvion. "Maganda ba ang asawa niya?"

Hindi nakaimik ang matanda at napabuntunghinga. "Honestly speaking Aurora, matagal ko ng hindi nakikita ang asawa niya. Simula nung naisilang si Nadezhda, hindi ko na nakita pa ang asawa ni Jayvion. Pero alam kung nagkikita sila dahil ito lagi ang kwento ng apo ko."

Nadezhda? Out of nowhere, napangiti siya. Nadezhda is a Russian name for 'Hope'.

"So you mean, pwede ko siyang sulutin?"

Napaubo ito sa kaniyang sinabi at gulat na gulat na tumingin sa kaniya. "You're out of your mine, Aurora."

"Why not? Ang sabi mo, hindi mo nakita ang asawa niya? So I have the reason to steal him, right? Gusto ko ang anak mo, and I want him so bad."

"Hindi mo naririnig ang sinabi ko kamakailan lang? hindi ikaw ang tipo ng babaeng magugustuhan niya, Aurora. Kilala ko ang anak ko, mahal na mahal niya ang babaeng Ina ng kaniyang anak. Baka iiyak ka lang tulad ng mga babaeng sumubok na pumasok sa buhay niya."

Napaismid naman siya. sasabihin ba niya sa matanda na may nangyari sa kanila kagabi ng lalaki at baliw na baliw ito sa bawat giling na binigay niya?

"Wait, naalala ko Doc. Hindi ba pinatawag mo ako nung nakaraan araw?"

Natigilan naman ito at sandaling napasandal sa kinauupuan. "You mean, tatanggapin mo ang alok kong iyon?"

"Si Dr. Jayvion right?" Malakas siyang napahalakhak. Pinag-isipan niya na ito kanina pa nung papunta siya sa Office ng matanda. "Yeah, kahit hindi ko pa alam kung anong klaseng alok iyan. I just wanna steal your son, Jayvion. And besides, tatlong anak lang ang meron ka. Dalawang babae na parehong Doctor and you mentioned before was 'son', kaya si Jayvion ito I know it. Give that to me. Wala akong gagawin sa loob ng buwan na ito. Kailangan ko ang anak mo."

Napanganga na lang si Dr. John Usuro sa deretsahang saad niya. Hindi siya mahilig magpaligoy-ligoy pa at tumatakbo ang kaniyang oras.

"I take that silence as yes." Tumayo siya. "Goodbye Doc! Babalik ako rito bukas para magsimula and pa-send sa'kin sa email na binigay ko sa'yo ang detalye kong anong alok mo. Much better kung bagong babae niya, not wife. Dahil hindi ako pang-wife material." Hindi niya na hinintay na magsalita pa ito, tinungo niya na ang pintuan at lumabas doon.

"Wait, Aurora!"

Napairap lang siya sa hangin. Hindi siya marunong lumingon.

Inikot niya ng isang beses ang panigin kung nasa paligid ba ang lalaki pero bigo siya. Nagkibit siya ng balikat, hindi siya dapat ma-disappoint lalo na at ang lalaki ang kaniyang misyon sa ngayon.

Ang lakas ng halakhak na kaniyang pinakawalan na ikinalingon ng mga staff na mga nandoon. Sinamaan lang niya ang mga ito ng tingin at parang nag-cat walk sa Paris na naglakad sa malawak na hallway. Pakialam niya sa mga ito?

Sorry honey, alam kong kagabi ang simula ng lahat sa'tin and I will not stop until makuha kita ng buong-buo. Hindi lang katawan. Gusto ko pati puso at pati kaluluwa mo, Jayvion Gunn. To think na ang sarap mo rin sa kama...

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon