Matthew's POV
"Pero hindi ko kaya malayo sayo, Matthew." aniya ni Erin sa akin sabay napayuko ito
"Alam kong mahirap malayo ka sa akin pero kinakailangan natin gawin ito lahat. Ayoko man lumayo din sayo pero ito lang ang aming naisip ni Shaina para hindi ka na mapahamak pang muli. Babalik ako sayo, Erin. Babalikan kita. At magtutuos kami ni Rhianna at ng mga tauhan nito." aniya ko rito
"S-sigurado ka ba, Matthew? Babalikan mo ako after this mission?" aniya nito sa akin sabay napayuko at napansin ko may tumutulo sa kanyang mga mata na luha
"Oo, babalikan kita Erin Jade. Babalik ako sayo at magsisimula ulit tayo sa simula." aniya ko rito sabay niyakap ko ito ng mahigpit dahil alam kong mamimiss ko itong asawa ko kasabay noon ang aking paghalik sa kanyang mapupula na labi
"I love you, Matthew!" wika nito kaya't hindi ko maiwasan na mapangiti
"I love you so much, My Erin. My Mi Amore." aniya ko ritoMatapos ang aming pag uusap ni Erin, sabay kami lumabas sa aming kwarto at naglakad kami ng sabay pababa ng hagdanan.
Nakita ko ang mga tauhan ko at si Shaina na nakaupo sa sofa at bigla ito mga napatingin sa gawi namin.
Napansin kong nakatingin ng maigi si Shaina sa akin kaya't hindi ko maiwasan na mapatango hudyat sa aming pag uusapan mamaya.
Shaina's POV
Habang pababa ang mag Asawa Evans, napansin ko napatingin sa aking gawi si Matthew at bigla nito ako'y tinanguan na hudyat sa aming pag uusapan na masinsinan.
Nang makarating sila sa gawi namin dali dali tumabi sa akin si Erin kaya't napatingin ako rito at ngumiti.
"Lalim ng iniisip mo!" aniya nito sa akin
"Wala naman, Mrs. Evans." aniya ko rito sabay napakamot ako bigla sa batok ko
"Sigurado ka? Bakit ka namumula? Inlove ka no?" aniya nito na may kasamang panunukso kaya't bigla napatingin ang mga tauhan ni Matthew sa gawi namin at ang mga tauhan ko
"Hindi, Mrs. Evans!" aniya ko rito at napansin kong napatawa ito dahil sa aking itsura
"Joke lang! Hindi ka naman mabiro." aniya nito sabay ngumiti ng matamisNapalingon ako kay Kyle ng makita ko itong hindi mapakali sa kanyang kinikilos kaya't tinignan ko si Matthew at ganundin ang ginawa nito.
"Alam ko iniisip mo!" aniya ni Mrs. Evans sa akin kaya't napalingon ako rito at nakita kong nakamasid ito kay Kyle ng pasimple lamang
"Ha?" aniya ko rito
"I know what are you thinking!" aniya nito na pabulong sa akin
"What do you mean of that?" aniya ko rito
"Sinabi na ni Matthew sa akin lahat about kay Kyle este Jairus." aniya nito sa akin habang nakatingin parin ito kay Kyle
"Shhh! Huwag kang maingay baka may makarinig sa atin dalawa." aniya ko rito dahil baka may makarinig sa amin dalawa
"Okay, okay. Tatahimik na ako." aniya nito sa akin sabay tinikom nito ang kanyang bibig hudyat na tatahimik lamang itoMuli ako napatingin kay Kyle habang abala parin ito sa kanyang cellphone kaya't hindi ko maiwasan maisip kung ano na ba pinag uusapan nila ni Rhianna ngayon.
Nang makita ko titingin ito sa gawi ko, umiwas ako ng tingin at nagkunwari ako na kinakausap ko parin si Erin at sinabi ko rito huwag sya magpapahalata kay Kyle.
Cassandra's POV
Simula nang makausap ako ni Matthew at Shaina about kay Kyle hindi ko maiwasan maisip na magagawa iyon ni Kyle sa aming lahat.
Tumingin ako sa gawi ni Kyle habang nakatingin ito ay Shaina kaya't habang abala ito nakatingin kay Shaina, sumilip ako sa kanyang cellphone na hawak nito at nakita ko ang pangalan ng aming kalaban kaya't dali dali kong kinuha ang aking cellphone sa tabi ko at pasimple ko ito tinaype sa aking contact.
Nang matapos ko makuha ang number ni Rhianna, napansin kong tumayo si Kyle sa kanyang pwesto at nagpaalam ito kay Matthew na magpapahangin lang sa labas kaya't tinanguan naman ni Matthew si Kyle.
Nang mapansin kong tumayo din si Shaina sa kanyang pwesto para pumunta sa sala syang sinundan ko ito at tumabi rito.
"Nakuha mo ba ang phone number ni Rhianna?" aniya nito habang nagtitimpla ito ng kape
"Oo. Nabasa ko din conversation nilang dalawa." aniya ko rito at tumingin sa paligid namin dalawa
"Ano nabasa mo?" pagtatanong nito sa akin habang nagtitimpla parin ng kape at naghahanda ng aming kakainin
"Tatawagan sya ni Rhianna mga pasado 4 am habang tulog tayong lahat." aniya ko rito dahil iyon ang nabasa ko sa pinakadulo nila conversation
"Sige pumunta ka na roon at baka makahalata pa si Kyle sa mga kinikilos natin." aniya nito sa akin
"Alam ba ng lahat?" pagtatanong ko rito
"Hindi ko alam pero ang mga tauhan ko alam na about na dito. At may secret door ako dito sa tinitirhan natin na pwede natin paglabasan mamayang madaling araw kapag ilalayo na natin si Erin dito at nasa kabila bakod lang din ang sasakyan ko reserba dahil kung gagamitin natin ang kotse ko dyan mamaya malalaman ni Kyle na may isang umalis sa atin kaya't mas maganda kung may reserba tayo na sasakyan." aniya nito sa akin kaya't tumango ako rito at bumalik na ako sa aking pwesto kani-kanina langNakita kong pabalik na din sa gawi namin si Shaina, at kasabay noon ang pagbaba naman nya ng aming meryenda sa mesa.
Nagpaalam ako saglit sa kanila sa kadahilanan na tatawagin ko si Kyle para makapagmeryenda sya ngunit habang papalapit ako rito sa kanyang pwesto narinig ko ang boses ni Kyle hudyat na may kausap ito sa kanyang cellphone kaya't hindi ako nagdalawang isip na magtago at pakinggan ang mga sinasabi nito.
"Rhianna, what the fuck? Wala pa silang plano anong gagawin ko? Tatawagan nalang kita kapag meron nang plano sila! Pero sa ngayon wala parin sila plinaplano. Pakiramdam ko napapansin nila ang mga bawat kinikilos ko at pakiramdam ko baka may alam na sila lahat patungkol sa pakikipagsabwatan ko sayo." aniya ni Kyle sa kanyang kausap kaya't maigi ko ito pinakinggan kahit na hindi ko marinig ang sinasabi ni Rhianna kay Kyle
Kyle's POV
Habang kausap ko si Rhianna sa aking cellphone, panay ang masid ko sa aking paligid hudyat na baka may makarinig sa akin ngunit nakahinga ako ng matiwasay ng malaman kong walang katao tao o kahina hinala sa paligid ko.
Muli kong tinapat sa aking tainga ang aking cellphone at kinausap muli si Rhianna sa kadahilanan nito syang nagmamadali sa kanyang mga plinaplano kaya't hindi ko maiwasan na mairita at magalit dahil sa mga pinapagawa nito sa akin.
"Aalamin kong lahat, Rhianna pero sa ngayon, wala talaga sila plinaplano." aniya ko rito kasabay noon ang pagpatay ko sa kanyang tawag
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED TO A GANGSTER (COMPLETED)
Teen FictionWhat if isang araw magising ka nalang na kasal ka na pala sa isang gangster? Hindi lang sya basta basta gangster. Kundi isang sikat syang sainyong campus? At hindi lang sya sikat at gangster sa campus nyo? Kundi kinakatakutakan din sya ng lahat ng...