Chapter 31

437 120 0
                                    

Kyle's POV

Matapos ang aming pag uusap na dalawa ni Rhianna, nagmasid ako sa aking paligid sa kadahilanan na baka may makarinig sa akin ngunit wala naman ako napansin kahina-hinala kaya't napatingin ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga ito.

"Tama kaya itong ginagawa ko? Ang traydurin ko sila Matthew pagkatapos ng lahat ng ginawa nila para sa akin?" bulong ko

Flashback

Nandito ako sa isang Bench sa aming University habang hinihintay ko sila Matthew sa kanilang pagpasok may isang babae na lumapit sa akin at tumabi sa akin.

"Hi! Anong pangalan mo?" aniya nito sa akin
"I'm Kyle. And you are?" aniya ko rito
"I'm Rhianna, Jairus." aniya nito sa akin sabay napangisi
"H-how did you know?" aniya ko rito na may halong kaba ngunit hindi ko ito pinahalata sa kanya
"In my source, Jairus. Bakit ka nagpapanggap bilang ibang tao?" aniya nito sa akin habang hindi ito nakatingin sa akin at nakatingin ito sa kalangitan
"Wala ka na roon. Ano bang kailangan mo sa akin?" aniya ko rito habang hindi nawawala ang aking paningin rito
"Ikaw!" aniya nito sa akin sabay tumingin ito sa gawi ko
"A-ako?" pagtatanong ko rito sabay napaturo sa aking sarili
"Oo, ikaw nga. Ikaw ang gagamitin ko bilang tainga ko kina Matthew dahil alam kong tauhan ka ni Matthew at hindi lang basta basta na tauhan nya kundi kaibigan ka nya." aniya nito sa akin at tumingin ito sa paligid
"P-pero..." pinutol nito ang aking pagsasalita ng akmang magrereklamo ako
"No buts, Jairus. Mali ka, malalaman ng lahat ang sekreto mo o tatanggapin mo ang aking kagustuhan para maitago ang totoo mong pagkatao sa kanila. Choose, Jairus." aniya nito sa akin na may halong pagbabanta at tumitig ito sa aking mga mata
"S-sige. Susundin ko na ang kagustuhan mo pero ang pangako mo tuparin mo." aniya ko rito sabay inabot ang aking kamay para sa aming kasunduan na dalawa
"Pangako, Jairus." aniya nito sa akin sabay nakipag shake hands bilang isang tugon na sumasang ayon ito sa akin sinabi at tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at lumakad na ito palayo sa akin

End of Flashbacks

Napatigil ako sa aking pagmumuni ng makita ko si Cassandra na lumalapit sa akin at tumabi sa tabi ko kaya't hindi ko maiwasan na mailang dahil sa kanyang mga tingin lalo na't kapag nalaman nila lahat ang sekreto ko ay lalayuan nila ako.

"Kanina pa kita hinahanap kain na daw tayo." aniya nito sa akin
"Sorry." ani ko sa kadahilanan na syang lumabas sa aking bibig
"Why? Why did you say sorry?" aniya nito na may halong pagtataka sa kanyang mukha
"A-ah! Wala. Wala!" aniya ko rito at tumingin muli sa langit
"May problema ka ba, Kyle?" aniya nito sa akin kaya't bigla ako kinabahan sa kanyang tanong
"W-wala ha. B-bakit naman ako magkakaproblema? T-tara na nga!" aniya ko rito sabay tumayo at nauna nang naglakad dahil ramdam ko sa aking sarili na mabubuking ako sa ano mang oras

Cassandra's POV

Flashback

Habang pinapakinggan ko ang usapan nila Kyle at Rhianna, dahan dahan ako naglakad pabalik sa loob ng bahay ng hindi gumagawa ng ingay dahil sa oras na may marinig na ingay si Kyle baka malaman nito na may nagmamasid sa kanya.

Kaya't ng makapasok ako sa loob ng bahay, napatingin ako kina Matthew at Shaina na nakaupo sa isang gilid habang nag uusap ito ng masinsinan kaya't dali dali ako lumapit sa mga ito at naupo sa tabi ni Shaina.

"Oh! Cassandra, saan ka nagpunta? Hinanap ka namin ni Matthew dahil may pag uusapan sana tayo kaya lang nawala ka naman bigla." aniya ni Shaina sa akin kaya't tumingin din sa akin gawi si Matthew
"Hmm." himig ko habang nagmamasid sa aming paligid sa kadahilanan na baka may makarinig sa amin bago ko sabihin sa kanila lahat
"Ano iyon? May gusto ka bang sabihin sa amin?" ani ni Matthew sa akin at tumingin ito sa aking mga mata
"About Kyle." aniya ko rito habang tumitingin parin ako sa aming paligid dahil mahirap na baka may makarinig sa amin
"What about him?" pagtatanong ni Shaina ganundin si Matthew
"Narinig ko usapan nila ni Rhianna. Kailangan na natin ilayo sa ano mang oras si Erin, dahil baka mapahamak ito." aniya ko rito na may halong pag aalala dahil mahalaga sa akin ang mag Asawa na Evans dahil sila ang tumulong sa amin lalo na sa akin
"Mamayang madaling araw kapag tulog na ang lahat, may secret door ako dito sa bahay ng walang nakakaalam kundi ako lang. At may isa tayo kotse na sasakyan nasa kabilang pagitan lang ng bahay na ito ang gagamitin natin para hindi makahalata si Kyle na may umalis isa sa atin." aniya ni Shaina sa amin ni Matthew kaya't napatango ngunit may isang bagay ako gusto malaman kaya muli ako nag salita at tumingin sa kanila
"Paano kapag hinanap o nagtaka ang iba kung bakit wala si Erin dito? Anong idadahilan natin?" aniya ko sa mga ito
"Ako nang bahala. Sasabihin ko sa kanila na uuuwi muna si Erin sa probinsya nila mamayang gabi kaya't lalabas kami ni Erin at magkukunwari kami umalis ngunit didiretso na kami sa kabilang bahay dito na malapit kina Shaina at roon na muna magstastay para kapag aalis na tayo dun dadaanan ka ni Shaina sa kwarto mo at dun kayo dadaan sa Secret door. Dahil ang kwarto mo at ang kwarto ni Shaina may patagong daan patungo sa kwarto na tinutulugan namin ni Erin." aniya ni Matthew kaya't ngayon ay klaro na sa akin ang lahat

Matapos ang aming pag uusap na tatlo, nagpaalam ako kina Shaina at Matthew na tutungo muna ako sa aking kwarto at magpapahinga dahil panigurado akong malayo layo ang aming pupuntahan.

Matthew's POV

Nang simula magpaalam si Cassandra sa amin ni Shaina, napansin kong pumasok sa loob ng bahay si Kyle at tumabi sa gawi ko kaya't napatingin ako rito at nagpanggap ako na hindi ko alam ang kanilang plinaplano ni Rhianna.

"Boss pwede ba tayo mag usap na dalawa?" aniya ni Kyle sabay tumingin sa akin at kay Shaina kaya't tumango ako kay Shaina bilang isang tugon na hayaan muna kami dalawa ni Kyle dahil ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa ng makaalis si Shaina syang napatingin ako kay Kyle

---
Lame ba? Hehehe.

SECRETLY MARRIED TO A GANGSTER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon