Chapter 39

344 113 2
                                    

Shaina's POV

Nandito ako sa aking kwarto at hindi ko maiwasan na mapangisi dahil sa kinikilos ni Kyle kani-kanina habang magkausap kami dalawa.

Flashback

Habang nasa kusina ako para uminom ng tubig. Pasimple kong sinilip si Kyle sa kanyang pwesto habang na nasa sala ito at may kausap ito sa kanyang cellphone.

Inilagay ko sa tenga ko ang maliit na bagay na nakakonekta sa cellphone ni Kyle at pinakinggan ko ang pinag uusapan nito.

"Oh! Ano nang balita dyan?" panimulang wika nito ng kausap ni Kyle
"Nakita ko na si Shaina pero hindi parin lumalabas ang mag asawa na Evans." aniya ni Kyle sa kanyang kausap
"Aba! Baka tinakasan ka na talaga nila? Tanga mo naman, Kyle! Ikaw ang ginawa kong taga mata dyan sa kanila para malaman natin kung nasaan sila Matthew, Erin at Shaina. At para na din malaman natin ang mga pinagplaplanuhan nila pero hindi mo alam kung nasaan na ang mag asawa? Anong klase tauhan ba kita dyan, Kyle! Napakasimple lang pero hindi mo alam?" ani ng kausap ni Kyle at pinatay na nito

Nang matapos ang pag uusap nila ni Rhianna. Lumabas na ako sa kusina at napansin kong hindi mapakali si Kyle kaya't lumapit ako rito.

"Ano yan?" aniya ko sabay tumabi ako kay Kyle
"A-ahh! Nagbabasa lang ako." aniya nito habang hindi ito tumitingin sa gawi ko
"Ohh! Okay? Pero, teka. Bakit parang galit na galit ka?" aniya ko rito
"H-ha? Hindi naman." aniya ni Kyle habang hindi parin ito tumitingin sa gawi ko
"Sigurado ka ba, Kyle?" ani ko rito
"Y-yes." aniya nito at napansin ko nautal utal ito
"Oh! Okay?" ani ko sabay tumayo na ako sa aking pagkakaupo at naglakad patungo sa aking kwarto

End of Flashback

Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito at napatingin ako sa pintuan ng nakabukas ito ng kaunti kaya't tumayo ako sa aking pagkakaupo at sinarado ko maigi ang pintuan at bumalik sa aking kama para sagutin ang tawag.

Nang masagot ko na ang tawag ni Matthew, hindi ko maiwasan na mapatingin sa aking paligid dahil baka mayroon makarinig sa aming pag uusapan ni Matthew.

"Ano na nangyayari dyan, Shaina?" aniya nito sa kabilang linya
"Nagplaplano na sila. At kahapon, napansin ko kay Kyle na hindi sya mapakali sa kanyang kinikilos dahil narinig ko ang kanilang pag uusap ni Rhianna." ani ko rito sabay ngisi
"Alam mo na ang gagawin mo, Shaina. Ikaw nalang ang mapapagkatiwalaan ko dyan at ang mga tauhan ko." ani nito
"No worries, I will do everything for that, Matthew." aniya ko rito
"Salamat. Maaasahan ka talaga." ani nya ni Matthew
"Oh! Before I forgot, ginagawa na ni Charice ang lahat ng pinautos mo sa kanya." aniya ko
"Good thing. Balitaan mo ako." aniya nito sabay ang pagpatay ng kanyang tawag

Muli ko binura ang mga calls and messages namin ni Matthew dahil ayoko may makaalam ng aming pinagplaplanuhan. Kinuha ko ang isang sim card ko na binili ko sa store, sa aking bag at inilagay ko ang bago kong sim sa aking cellphone.

Nang mailagay ko na sa aking lumang cellphone ang sim card na bago. Muli kong kinuha ang bago kong binili na cellphone sa aking bag at inilagay ko ang lumang sim card ko rito.

Nang matapos ko maayos, tinago ko ang bagong cellphone ko sa aking drawer at nilagyan ko ng passcode ito para masigurado kong walang magbubukas nito.

Pagkatapos ng aking pag aayos, lumabas ako ng aking kwarto at nagtungo ako sa aking garden para makapagpahangin ako at isa isip ang aking pagplaplano sa aming gagawin ni Matthew.

Kyle's POV

Napansin kong pababa na si Shaina sa kanyang kwarto kaya't dali dali ako nagtago at hinintay na makalabas ito ng bahay.

Nang napansin kong nakalabas na ito, lumabas ako sa aking pinagtataguan at dumiretso ako sa kwarto ni Shaina. Hinanap ko ang aking pakay at nakita ko ang kanyang cellphone na nakapatong sa table nito kaya't kinuha ko ito at binuksan.

Tinignan ko ang messages, messenger at calls ni Shaina, ngunit napansin ko wala itong kalaman laman at wala ang conversation nila ni Matthew, kaya't ibinaba ko na muli ang kanyang cellphone sa table at dali dali akong lumabas ng kanyang kwarto.

Naisipan kong bumalik sa aking kwarto at sinarado ko kaagad ang pintuan. Kasabay ng kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone ko at dinial ko ang numero ni Rhianna at laking pasasalamat ko dahil sinagot nya ito.

"Kyle? Bakit napatawag ka? May alam ka na ba?" aniya nito
"Wala ako makuha na information dahil wala kalaman laman ang cellphone ni Shaina. At paniguradong nagbubura sya ng mga calls at messages." aniya ko rito habang palakad lakad ako sa aking kwarto
"Ano? Wala parin? Diba ang sabi ko sayo tatawag ka lang sa akin, kapag may nakuha ka na ng information? Pero wala parin! Istorbo!" aniya nito sabay pinatay ang tawag

Sa sobrang frustrated ko naihagis ko ang aking cellphone sa kama at naglakad ako patungo sa CR. Inis kong nasuntok ang pader habang hindi ko mawari kung nasaan sina Matthew at Erin.

Erin's POV

Nandito ako sa garden habang pinagmamasdan ko ang mga bulaklak na nakatanim. Napansin kong tumabi sa akin si Matthew, kaya't napatingin ako rito.

"Kamusta na kaya ang sitwasyon nila Shaina, Hubby?" aniya ko habang nakatingin ako kay Matthew
"Nakakahalata na daw si Kyle pero gumagawa ng paraan si Shaina kaya't huwag kang mag alala, Wifey." aniya nito sabay ang paghalik nito sa aking noo
"Natatakot ako." aniya ko habang dinadama ko ang paghalik ni Matthew sa aking noo at hindi ko maiwasan na mag alala lalo na't ang mga tauhan nina Matthew at Shaina at kasama si Shaina ang makikipaglaban kina Rhianna at Caleb
"Don't. I'm here, always. Remember? I will never leave you, Wife. I love you." aniya nito at kasabay nito ang mabilisan na paghalik sa aking labi
"Pero..." aniya ko ng putulin nito ang aking sasabihin
"Kasama mo ako. At wala ka dapat ipag alala, Wifey. Kaya nila Shaina ang kahaharapin nila. Madami syang tauhan. At madami din ang mga tauhan ko na kakilala na ni Shaina." aniya nito sabay hinalikan muli ako sa aking labi
"Sobrang mahal kita." aniya ko rito
"Mahal din kita, Erin Jade Evans." aniya nito

----
1 chapter to go. Epilogue na.

SECRETLY MARRIED TO A GANGSTER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon