Chapter 9

735 202 0
                                    

Erin's POV

Maaga ako nagising dahil tuturuan ako nila Cassandra ngayon magself defense tulad ng pinangako nila sa akin.

Hindi kami pumasok ngayon araw at naintindihan naman iyon ng Mama ni Matthew dahil sa kanila naman pagmamamay ari ang Unibersidad na pinapasukan namin.

Habang nag aayos ako napatingin ako sa pintuan dahilan na may kumatok rito.

"Erin? Gising ka na ba?" aniya ni Cassandra sabay patuloy parin ang pagkatok sa pintuan
"Oo sandali lang." wika ko

Kaninang pagkagising ko wala na sa tabi ko si Matthew siguro maaga sya nagising sa kadahilan na tuturuan nila ako magself defense kaya bumaba na sya at lumabas na non natutulog pa ako.

Matapos ako mag ayos ng sarili ko bumaba na ako at dumiretso na sa garden kung nasaan sila lahat.

"Tagal mo naman babae ka." ani ni Cassandra kaya inirapan ko nalang sya

Napatingin ako kay Matthew na nakatingin ito sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay bilang tugon na bakit.

Napansin ko nakatingin sila lahat kaya nagtaka ako sa kanila.

"Bakit?" wika ko
"Erin best mag leggings ka naman oh! Kitang kita na ang legs mo kaya umuusok na ang tainga ni Matthew." wika ni Cassandra at hinila ako papasok ng bahay namin at dumiretso kami sa kwarto namin ni Matthew

Hinayaan ko na lang na maghagilap ng leggings si Cassandra kaya naupo na muna ako sa kama namin ni Matthew.

Nang matapos si Cassandra sa paghahanap binigay nya ito sa akin at tinulak nya ako papasok sa restroom kaya dagli dagli ako nagpalit dahil ayoko naman sila paghintayin pa lalo ng matagal.

Matapos ako makapagpalit lumabas na kami ng kwarto ni Cassandra at nagmamadali kami bumaba ng garden.

Nang nandito na kami lahat sa garden nagstart na kami sa aming gagawin.

Matthew's POV

Habang tinuturuan ng Gang si Erin na magself defense hindi ko maialis alis ang paningin ko kay Erin.

Magaling na sya at bihasa sa mga galaw nya, sa madaling salita mabilis nya makuha ang bawat kilos na pinapagawa sa kanya ng Gang at ni Cassandra.

Sinabi ni Karl na magpahinga na muna kaya namahinga naman na muna si Erin kaya inabutan ko ito ng maiinom at ng pamunas ng kanyang mukha.

Nakita kong papalapit sa aking si Karl kaya lumayo na muna kami kay Erin at nag usap na muna kami ni Karl.

"Boss ang galing ni Erin. Bihasa na sya at mabilis matuto." aniya ni Karl
"Oo nga boss eh. Hindi man lang kami napagod na turuan si Erin." sabay tugon ni Christian ng makalapit ito sa amin
"I know." wika ko at nakatingin ako sa gawi ni Erin

Erin's POV

Nang mapansin ko may nakatingin sa akin napatingin ako sa gawi nila Matthew at nginitian ko ito bilang tugon na ayos lang ako.

Nagulat ako sa pagsulpot ni Cassandra sa tabi ko kaya napatingin na ako sa kanya.

"Best ang galing mo ha? Bihasa ka at magaling ka. Ang bilis mong matuto hindi man lang kami nahirapan sayo." wika ni Cassandra
"Nagulat din ako pero hindi ko parin maiwasan na hindi matakot." wika ko at napayuko ako
"I know. But, trust your self, Erin. At nakikita ko naman sayo na kayang kaya mo din kalabanin ang kalaban kapag dumating sa point ang bagay na iyon." wika ni Cassandra sabay tayo nya at iniwan ako mag isa

Napaisip ako sa kanyang sinabi.

Tama naman sya makakayanan ko din lumaban kapag dumating sa punto ang bagay ngayon.

Cassandra's POV

Nakikita ko kay Erin sa kanyang mga mata na nag aalala parin sya kahit na magaling na sya at mabilis sya matutong magself defense.

Pero, all I know.

Kakayanin nya ang lahat ng iyon.

Sarili lang nya ang pwede pagkatiwalaan nya dahil hindi nya alam kung sino ang kalaban ni Matthew.

Nang makapagpahinga na kami lahat tinawag ko na sila lahat lalo na si Erin para ipagpatuloy ang pagseself defense nya.

Nang mapansin ko nandito na ang lahat sinimulan na namin turuan muli si Erin.

Pansin na pansin ko sa kanyang mga galaw na sobrang galing na nya talaga at kaya na nyang protektahan ang kanyang sarili.

Nang ako na ang turn para turuan si Erin sa pagself defense lumapit ako sa kanya at binulungan sya.

"You can do it. Sarili mo lang mapapagkatiwalaan mo. Huwag kang masyado magtitiwala sa mga taong nasa paligid mo dahil hindi mo alam kung sino ang kalaban mo." ani ko sa kanya

Pinaikot ko ang kanyang braso at tinapatan ko sa leeg si Erin ng kutsilyo at nagulat ako sa kanyang kinilos kaya binitawan ko na kaagad sya sabay nginitian ko si Erin bilang isang tugon na nagawa nyang maayos.

Nagulat kami sa sigaw ni Matthew kaya nagtatalon kami dalawa ni Erin.

"Magaling ka Mrs. Erin Jade Alvarez-Evans. Bihasa ka na at mabilis kang matuto Erin. I'm proud of you." wika ni Matthew at kinindatan nya naman ang kanyang asawa kaya napatili ako sa kilig dahil boto talaga ako sa dalawang ito

Matapos ang pagtuturo namin ng self defense kay Erin pumasok na kami sa loob ng bahay nila Erin at nagluto na si Yaya Linda ng aming makakain.

Matapos makaluto si Yaya Linda pumunta na kami sa sala at kumain na dahil sa sobrang pagod namin.

Nginitian ko si Erin at nagthumbs up ako sa kanya kaya ang gaga napangiti nalang at pinagpatuloy nang kumain.

Pagkatapos namin kumain lahat nakita kong nauna na si Erin na tumaas sa kanilang kwarto na mag asawa kaya hinayaan nalang namin sya.

Napatingin ako kay Matthew ng magsalita ito.

"I'm proud of her but still fuck. I'm still worried about her." ani ni Matthew sa aming lahat at tumingin ito sa amin
"You don't have to worry boss. Ako na magbabantay kay Erin palagi." Christian said at tinapik nito ang balikat ni Matthew

Matapos namin magpahinga kanya kanya na kami ng taas papunta sa kwarto at natulog na.

SECRETLY MARRIED TO A GANGSTER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon