Matthew's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa aking isipan ang lahat ng nalaman namin ni Shaina patungkol kay Kyle.
"Anong dahilan mo, Kyle bakit mo nagawa sa amin ang traydurin kami?" aniya ko habang nakamasid ako sa loob ng bahay at nakikita kong nagkakatuwaan sila lahat
Flashback
Matapos namin pakinggan ang lahat lahat ng pag uusap nila Kyle at Rhianna napatingin ako kay Shaina na nakamasid parin sa paligid.
"Anong gagawin mo?" aniya nito sabay napatingin sa akin
"Magpapanggap ako na hindi ko alam na sya pala ang traydor." aniya ko rito
"Paano kung malaman niyang alam mo na Matthew? Baka mapahamak ka ng walang sa oras!" muling ani nito sa akin at sinamaan ako ng tingin
"Hindi mangyayari yan at isa pa ayoko malagay sa peligro si Erin!" ani ko rito dahil inaalala ko ang sitwasyon ng babaeng mahal ko
"Ilayo muna natin kaya si Erin dito sa kung saan hindi malalaman ng mga kalaban?" suhestiyon nito sa akin sabay napatingin ito sa aming paligid dahil baka may nagmamasid sa amin o nakarinig sa amin pinag uusapan
"Mag aalala sa akin si Erin kapag ginawa natin ang bagay na yan pero may tama ka, Shaina. Kailangan ni Erin muna magpakalayo layo dahil ayoko na ulit muli ito mapahamak." ani ko rito at mariin ako napapikit dahil hindi ko na alam ang aking gagawin
"Alam ko naman na mag aalala ang Asawa mo sayo pero kinakailangan nya muna magpakalayo layo rito hangga't hindi parin natatapos ang mga plinaplano ni Rhianna. Matthew, you know her so much! Alam kong alam mo ang pwedeng gawin ni Rhianna sa Asawa mo." aniya nito sabay napayukom ako ng aking kamao dahil naalala ko na naman ang ginawa ni Rhianna kay Erin
"Yeah, you're right. Ito lang ang pwedeng gawin natin para hindi madamay si Erin sa kahit ano manggulo na nagaganap. Kailangan nya muna ilayo dito at kailangan may isang tao na mapapagkatiwalaan ko na magbabantay sa Asawa ko dahil ayoko na magtiwala sa mga taong traydor ko o kalaban ko." bulalas ko at muling napatingin ako kay Shaina
"Mga tauhan ko, Matthew, mapapagkatiwalaan natin. And, I'll make sure, safe ang Asawa mo sa safe na lugar." aniya nito at ngumiti sa akin
"Sige. Just make sure, Shaina!" aniya ko rito ngunit hindi parin nawawala sa aking dibdib ang takot at pangamba dahil natraydor na ako once at ayoko na maulit pa iyonEnd of Flashback
Erin's POV
Habang nagkakatuwaan kami lahat napansin kong wala si Matthew kaya't hinanap ko sa buong paligid kung nasaan ito ngunit sa paghahanap ko ay nabigo lamang ako.
"Saan kaya ang lalaki na iyon?" bulong ko
Nakita ko si Shaina na tahimik lamang at malamin ang kanyang iniisip sa isang tabi kaya't nilapitan ko ito at tumabi rito.
"Anong iniisip mo? Bakit ang lalim naman yata?" bulalas ko rito
"Ah. Wala ito, Erin. Nakita mo na ba si Matthew?" aniya nito sa akin sabay ngumiti ito
"Hindi nga eh! Saan kaya napadpad ang lalaki na iyon." aniya ko rito sabay napakamot sa aking batok
"Try mong tignan Erin, sa Garden si Matthew baka naroon iyon." aniya nito sa akin at ngumiti
"Salamat." pagpapasalamat ko rito sabay lumabas na ng bahay at nakita kong nakaupo si Matthew malapit sa may pool kaya't walang pag aalinlangan na nilapitan ko ito at naupo sa kanyang tabiMatthew's POV
Napansin kong may tumabi sa aking tabi at nakita ko ang babaeng mahal ko kaya't hindi ko maiwasan na mapangiti ng matitigan ko ito.
"Nandito ka pala! Kanina pa kita hinahanap kaya." panimula nito wika sa akin at sinamaan ako ng tingin
"Miss mo ako kaagad?" aniya ko rito na may pang aasar sabay ngumisi
"Huwag mo ako kausapin. Kainis ka naman!" aniya nito sabay napayuko ito kaya't napakamot ako sa aking batok dahil sa hudyat na sa pagkikilos ni Erin
"Sorry. Hindi ako nakapagpaalam sayo. Nandito lang naman ako hindi naman kita iniwan." aniya ko rito sabay hinawakan ko ang kanyang baba para mapatingin ito sa akin at nginitian ito ngunit napansin ko ang kanyang mukha na malungkot ito kaya't hindi ko maiwasan na mag aalala rito
"Matthew, natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw baka wala ka na sa tabi ko." aniya nito sa akin kaya't hinagkan ko ito kasabay nito ang aking paghalik sa kanyang mapupula na labi at bumitaw
"Hindi mangyayari yan Erin. Gagawin ko ang lahat para bumalik sayo." aniya ko rito at nginitian
"S-siguraduhin mo lang!" aniya nito sa akin na may pilit sa kanyang mga ngiti
"I will make sure, Erin. Babalik ako para sayo. Gagawin ko ang lahat lahat para sayo. Hindi ko tutuparin, ngunit gagawin ko ito." aniya ko rito sabay hinawakan ko ang kanyang batok at dahan dahan ko nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha at hinalikan ko ito sa kanyang mapupula na labiShaina's POV
Simula kanina hindi parin bumabalik si Erin kaya't bigla ako kinabahan at dali dali ako lumabas ngunit napahinto ako sa aking nadatnan ng makita ko magkasama ang mag Asawa kaya't hindi ko maiwasan na mapangiti at pinagmasdan ang dalawa.
"You're safe with him, Erin. Tamang lalaki ang pinili mo at minahal mo. I know, Matthew so much. Hinding hindi ka nya sasaktan at papaiyakin." bulong ko habang patuloy parin ako sa pagmamasid sa dalawa ngunit bigla nalang nanlaki ang aking mga mata sa aking nasaksihan kaya't dali dali ako pumasok sa loob ng aking bahay at nakahinga naman ako ng maluwag
Nang makapasok ako sa loob ng aking bahay pinagmasdan ko ang mga kaibigan at tauhan ni Matthew habang abala ang mga ito sa kanilang kanyang kanya ginagawa ngunit napahinto ang aking paningin kay Kyle ng makita kong hindi ito mapakali kaya't nilapitan ko ito at naupo ako sa tabi nito.
"Bakit hindi ka mapakali?" aniya ko rito
"A-ah! W-wala. Nasaan sila?" aniya nito sa akin ngunit bigla ako napangisi nang masilayan ko ang kanyang cellphone na nakaopen parin ang call nila ni Rhianna at nagpanggap ako na walang kaalam alam dahil ito ang plano ni Matthew
"Nasa Garden!" aniya ko rito at tumingin ako rito kasabay noon ngumiti
"Ah! Salamat, Shaina!" aniya nito at ngumiti pabalik sa akin
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED TO A GANGSTER (COMPLETED)
Fiksi RemajaWhat if isang araw magising ka nalang na kasal ka na pala sa isang gangster? Hindi lang sya basta basta gangster. Kundi isang sikat syang sainyong campus? At hindi lang sya sikat at gangster sa campus nyo? Kundi kinakatakutakan din sya ng lahat ng...