Erin's POV
Hindi mawala wala sa isip ko ang mga sinabi ni Rhianna ng makita nya kami kahapon ni Matthew na magkasama na pabalik na sana kami sa hideout nila.
Flashback
"Who she is?" ani ni Rhianna ng makita nya kami
"Kapatid ko." wika ni Matthew at napangisi sa amin si Rhianna
"Kapatid? Really, hah." ani ni Rhianna habang nakatingin sa amin dalawa ni Matthew
"Kapatid ko sya at kung ayaw mong paniwalaan sinasabi ko sayo, fine!" sabay hila sa akin ni Matthew paalis sa harapan ni Rhianna
"Hindi mo ako mapapaikot sa mga sinasabi mo, Matthew Nathaniel Evans. Ayang kasama mo ay si Erin Jade Alvarez-Evans. At kasal na kayo dalawa matagal na." ani ni Rhianna at hindi mawala wala sa kanyang mukha ang pagkangisiEnd of Flashback
Nakita ko si Matthew na pretend na nakaupo sa sofa kaya nilapitan ko sya.
"Matthew. Natatakot ako." ani ko habang nakatingin sa kanya
"Don't. Hinding hindi ka nila magagalaw, Erin." pagpapakalma sa akin ni Matthew
"B-but." wika ko at napayuko ako
"Hinding hindi kita hahayaan okay?" ani ni Matthew at tinignan ako sa aking mata at niyakap akoMatthew's POV
Nang tumabi sa akin si Erin, kitang kita ko sa kanyang mga mukha ang pag aalala nang dahil sa akin.
Para makampante sya sinabi ko sa kanya na mag iingat ako dahil ayoko syang mag aalala lalo nang dahil sa akin.
Nang mapansin ko hindi na umiimik si Erin, napatingin ako sa tabi ko at nakita kong natutulog na sya.
Binuhat ko ito at umakyat na ako sa kwarto namin para maihiga ko sa kama si Erin para makahiga sya ng maayos.
Nang maihiga ko na si Erin, hinalikan ko sya sa kanyang noo at lumabas na ako ng aming kwarto.
Inasikaso ko muna ang mga kailangan tapusin at nagluto na ako ng aming makakain.
Wala si Yaya ngayon dahil pinagday off muna namin sya ni Erin, para makasama naman ni Yaya ang kanyang mga pamilya.
Nang matapos na ako magluto, pumunta muna ako sa garden at nagpahangin muna.
Erin's POV
Nang magising ako napansin ko nasa kwarto namin ni Matthew ako kaya bumangon na ako at lumabas ng aming kwarto.
Pababa ko napansin kong walang katao tao sa paligid nagtaka ako kung nasaan na si Matthew ngayon.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig dahil nauuhaw ako ng makita kong may luto na pagkain na nasa mesa.
Pagkasarado ko sa ref nagulat ako ng bumukas ang pintuan ng main door namin at nakita ko si Matthew na papasok dito.
"Gising ka na pala." ani ni Matthew
"Saan ka nanggaling?" wika ko
"Dyan sa garden nagpahangin lang. Kumain ka na ba?" aniya ni Matthew
"Hindi pa. Akala ko umalis ka na eh." ani ko at napayuko ako
"Hindi ako umalis, Erin. Tara sabay na tayo kumain." pag aaya ni Matthew kaya tumango ako sa kanya at pumunta na kami sa kusinaNang makaupo kami, kumain na kami ng sabay ni Matthew.
Tahimik lang kami kumakain at walang imik ni isa sa amin ng pinutol ni Matthew ang kanyang katahimikan.
"Erin." pagbanggit nya sa aking pangalan
"Bakit?" ani ko
"Diba nakabukod tayo ng kwarto?" aniya ni Matthew
"Oo." maikli kong sagot
"From now on, sa iisang kwarto na tayo matutulog para mabantayan kita at sinabihan ko sila Karl, Cassandra at ang iba na dito muna magstay sa atin para bantayan ka. May nakakaalam na mag asawa tayo dalawa. At sumang ayon naman sila sa sinabi ko." mahabang lintayan ni MatthewNapaisip naman ako sa kanyang sinabi dahil tama naman si Matthew meron nang nakakaalam na mag asawa kami dalawa kaya mahirap na.
"Ayos lang ba sayo?" wika ulit ni Matthew ng makita nya tahimik ako
"Oo. Para sa kaligtasan ko at natin din." pangsasang ayon ko
"Bukas na bukas dito na sila tutuloy sa atin kaya din sinabi ko sayo na magsama na tayo sa iisang kwarto dahil para sa kanila ang guestroom at ang dun sa kwarto mo matutulog si Cassandra." paliwanag ni Matthew kaya tumango ako sa kanya at pinagpatuloy na naming ang aming kinakainNang matapos na kami kumain nagpresinta si Matthew na sya daw ang maghuhugas ng pinagkainan namin kaya tumango ako sa kanya at umakyat na sa aming kwarto.
Nang makaakyat na ako sa aming kwarto, kumuha ako ng damit sa cabinet at pumasok na ako ng restroom at nagshower habang nagshoshower ako, hindi ko maiwasan na isipin ang lahat ng pangyayari kung bakit meron gusto magtangka sa akin at saktan ako.
Matapos ako magshower lumabas na ako ng restroom at nadatnan ko na nakahiga na sa kama namin si Matthew at napatingin ito sa akin kaya bigla namula ang aking mga mukha.
Matthew's POV
Nang bumukas ang restroom dito sa kwarto namin ni Erin, nakita ko sa kanyang mukha ang pamumula at napaiwas ito ng tingin sa akin.
Kinuha ko na ang tuwalya ko at dagli dagli ako pumasok sa loob ng restroom.
Fuck!
She's so hot.
Napatingin ako sa alaga ko ng maramdaman ko nagising ito.
Damn it, Erin.
"Ginising mo ang alaga ko na natutulog." bulong ko at binuksan ko na ang shower para maibsan ito nararamdaman ko
Nang matapos ako maligo nakita ko si Erin, na nakahiga na sa kama at natutulog na ito.
Hindi ko maialis alis ang mga tingin ko sa kanyang hita na maputi kaya kinumutan ko ito at tumabi na ako sa tabi ni Erin at pumikit na ako.
Nagulat ako ng bigla ako yakapin ni Erin kaya naramdaman ko ang kanyang dibdib napamura ako sa isip isip ko.
Damn, this woman!
Shit.
Inayos ko ang pagkakahiga ni Erin at kinumutan ko muli ito.
Tumayo ako sa pagkakahiga ko at lumipat nalang ako sa sofa at dun na ako natulog.
Erin's POV
Nagising ako ng maaga dahil sa ingay na naririnig ko napansin ko wala na sa tabi ko si Matthew siguro nasa baba na sya.
Bumangon na ako at pumasok ako sa restroom at sabay nagpalit ako ng aking damit.
Nang matapos ako lumabas na ako at bumaba na ako.
Nadatnan ko sila nag iingay kaya napatingin mga ito sa akin.
"Good Morning, Erin." wika ni Karl
"Good Morning, best." ani ni CassandraTumango nalang ako sa kanila at dumiretso ako sa kusina para uminom ng gatas.
Nang nandito na ako sa kusina binuksan ko ang ref namin at kinuha ang gatas at nagsalin ako sa baso ko sabay upo ko sa upuan na nandito sa kusina.
Nakita ko si Matthew kaya tinawag ko ito.
"Saan ka natulog kagabi?" ani ko
"Sa sofa." wika ni Matthew sabay alis at pumunta na sya sa mga Gang nya
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED TO A GANGSTER (COMPLETED)
Teen FictionWhat if isang araw magising ka nalang na kasal ka na pala sa isang gangster? Hindi lang sya basta basta gangster. Kundi isang sikat syang sainyong campus? At hindi lang sya sikat at gangster sa campus nyo? Kundi kinakatakutakan din sya ng lahat ng...