Cassandra's POV
Kitang kita ko ang pag aalala ni Erin sa kanyang mga mata nang malaman niya na nagplaplano kami nila Matthew sa hide out.
Ayaw ni Matthew pauwiin na mag isa si Erin kaya't kasama naming sya habang nagplano kami lahat.
Nakita ko nakatingin si Erin sa malayo siguradong sigurado ako na si Matthew ang iniisip nito.
Lalapit na sana ako ng maunahan ako ni Matthew na lapitan nya ang kanyang asawa.
Hindi ko maiwasan na mapangiti habang pinagmamasdan ko silang dalawa.
Matthew's POV
Nakita kong nakatingin sa malayo si Erin kaya nilapitan ko at tumabi ako.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" wika ko kay Erin habang pinagmamasdan ko sya ng malapitan
"Iniisip ko kasi si Ma---." naputol ang sasabihin nya ng mapatingin sya sa akin
"Iniisip mo ako?" ani ko na may pang aasar at nginisihan ko sya
"M-Matthew kanina ka pa dyan?" aniya ni Erin
"So? Iniisip mo ako? Bakit?" wika ko
"Iniisip kita kasi ayoko mapahamak ka." wika ni Erin at napayuko ito
"Don't worry, mag iingat ako." sabay tugon ko at inangat ko ang kanyang mukha para mapatingin sa akin
"S-sigurado ka?" paninigurado ni Erin sa akin kaya tumango ako sa kanya
"I will, Milady." ani ko at nginitian syaCassandra's POV
Nang mapansin ko sobrang sweet ng dalawa sinabi ko sa Gang na nagkakamabutihan na siguro sila Erin at Matthew kaya napatingin din sila gawi ng mag asawa.
Habang pinagmamasdan namin ang mag asawa napansin ko napangisi ang dalawa sila Karl at Christian panigurado na may iniisip na naman ito na kalokohan.
"Mukhang may ikakasal." wika ni Karl kaya napahalakhak ito at napansin namin na napatingin sa gawi namin ang mag asawa kaya bumalik na kami sa aming gawain
Erin's POV
Flashback
Habang nasa malayo ako nakatingin hindi ko maiwasan hindi isipin si Matthew baka kung ano pa mangyari sa kanya.
Hindi ko namalayan na may tumabi na sa akin at bigla ito nagsalita.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" ani ng tumabi sa akin hindi ko sigurado kung sino siya dahil hindi ko naman siya tinitignan
"Iniisip ko kasi si Ma----." naputol ang pagsasalita ko ng mabosesan ko si Matthew
"Iniisip mo ako?" aniya ni Matthew
"M-Matthew kanina ka pa dyan?" wika ko
"So? Iniisip mo ako? Bakit?" wika ni Matthew
"Iniisip kita kasi ayoko mapahamak ka." aniya ko at napayuko ako
"Don't worry, mag iingat ako." sabay tugon ni Matthew at inangat nya ang aking mukha para mapatingin ako sa kanyang mga mata
"S-sigurado ka?" paninigurado ni ko sa kanya kaya tumango naman sya bilang isang pang-sang ayon
"I will, Milady." ani ni Matthew at nginitian nya akoEnd of Flashback
Kahit na sinabi ni Matthew na mag iingat sya hindi mawala wala sa aking isipan na baka mapahamak sya lalo na't isa syang Leader ng kanilang Gang at kinakatakutan pa sya ng lahat.
Napabuntong hininga nalang ako at lumabas muna ng hide out nila dito sa school.
Napag isipan ko maglakad lakad muna para mairefresh ko ang aking sarili dahil sa mga naiisip ko.
Hindi ko namamalayan na nandito na pala ako sa isang bench dito sa Unibersidad kaya naupo muna ako at napatingin ako sa kalangitan.
Cassandra's POV
Nang mapansin ko wala na sa pwesto si Erin nilapitan ko kaagad si Matthew at sinabi ito sa kanya.
"Matthew!" pagtatawag ko kay Matthew kaya napatingin naman ito sa akin
"Bakit?" aniya ni Matthew
"Wala si Erin sa pwesto nyo kanina." wika ko at nagulat ako ng muntikan na ako maitulak ni Matthew buti nalang nasalo ako ni Karl kata namula akoKarl's POV
Dagli dagli ko sinalo si Cassandra ng muntikan na matumba ito gawa ng pagkakatulak ni Matthew kay Cassandra.
Nakita ko kay Cassandra ang kanyang pamumula kaya binitawan ko na sya.
"S-Sorry." ani ni Cassandra at napaiwas ito ng tingin sa akin
"Wala iyon." wika ko
"Ehem. May bagong loveteam yata tayo." pang aasar ni Christian sa aming dalawa ni Cassandra kaya mas lalo pang namula ang kanyang pagmumukha
"Gago." ani ko at sabay labas ko ng hide out naminMatthew's POV
Nang sabihin ni Cassandra sa akin na wala si Erin sa kanyang pwesto kanina dagli dagli ako lumabas ng hide out at hinanap ko sya dito sa buong campus mahirap na baka makita pa sya ng kalaban at kunin nila si Erin ng walang kalaban laban.
Nang mahanap ko na sya lalapit na sana ako sa kanya na may lalaking lumapit kay Erin at may sinasabi ito sa asawa ko.
Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila kaya dahan dahan ako naglakad at nagtago ako sa likod kung nasaan si Erin ngayon na nakaupo.
Erin's POV
Habang nakatingin ako sa kalangitan nagulat ako ng may lalaking lumapit sa akin at tumabi ito sa akin.
"Alam kong asawa ka ni Matthew Nathaniel Evans isang Leader ng Gang." ani nya
"H-ha? Ano bang sinasabi mo?" pautal utal kong wika
"Ikaw si Erin Jade Alvarez-Evans diba?" ani nya sabay tingin nya sa akin at ngumisi ito
"H-hindi ko alam sinasabi mo." pagtatanggi ko at akma na sana ako umalis ng magsalita muli ito
"Mag ingat ka sa kanya." bulalas nya at sabay tayo nya at umalis na sya
"Teka!" ani koNagulat ako ng pagsulpot ni Matthew sa harapan ko at niyakap ako nito.
"Akala ko nawala ka na." wika ni Matthew habang yakap yakap nya ako
"Matthew, may sinabi sya sa akin na mag ingat daw ako sayo? Anong meron?" wika ko
"Don't mind him." Matthew saidAt kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan nya ang mga kamay ko at naglakad na kami pabalik sa hideout pero habang pabalik na kami dalawa sa hideout napahinto si Matthew at ako sa paglalakad.
Napatingin ako sa harapan namin ni Matthew ng mapansin ko si Rhianna ito.
"Who she is?" Rhianna said habang nakatingin kay Matthew
"Kapatid ko." wika ni Matthew habang nakatingin ito kay Rhianna bigla bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba baka malaman ni Rhianna na mag asawa kami ni MatthewRhianna's POV
Flashback
"Nasa bench ang asawa ni Matthew na si Erin Jade Alvarez-Evans." wika ng lalaki na pinag utusan ko
"Good." pagsasalamat ko at binayaran ko na ito at umalis na ito sa harapan koDagli dagli ako pumunta sa bench kung saan sinabi ng pinag utusan ko na nakita nya ang asawa ni Matthew Nathaniel Evans.
Nang makita ko nilapitan ni Matthew si Erin at niyakap nya ito napangisi ako.
"Kapatid pala ha?" bulong ko
End of Flashback
Napansin ko aalis na sila pero bigla ito napahinto ng makita nila nasa harapan nila ako.
"Who she is?" ani ko
"Kapatid ko." wika ni Matthew at napangisi ako
"Kapatid? Really, hah." ani ko habang nakatingin sa mag asawa na nasa harapan ko ngayon----
HI!I'M BACK.
THANK YOU SA LAHAT NG SUMUSUPORTA SA AKIN.
MAHAL KO KAYO! 💓
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED TO A GANGSTER (COMPLETED)
Teen FictionWhat if isang araw magising ka nalang na kasal ka na pala sa isang gangster? Hindi lang sya basta basta gangster. Kundi isang sikat syang sainyong campus? At hindi lang sya sikat at gangster sa campus nyo? Kundi kinakatakutakan din sya ng lahat ng...