Chapter 36

334 113 2
                                    

again, i'm sorry kung di ako nakakapag update palagi. i have a lot of problems talaga. that's why.

➖➖➖

Erin's POV

Ngayon araw ang pagbalik nila Matthew kaya't inayos ko na muli ang kanyang mga gamit at kami nalang maiiwan ni Cassandra dito sa pinagtataguan namin.

Muli ako nakaramdam ng lungkot dahil alam kong gagawin ni Matthew ito para sa aking kaligtasan para mamuhay na kami ng mapayapa.

Matapos kong ayusin ang lahat ng kanyang kagamitan, dali dali ako lumabas ng aming kwarto at bumaba ng hagdanan.

Nakita kong kampante sila sa kanilang pagkakaupo habang ako hindi ko maiwasan na mangamba at matakot.

"Sana, walang mangyari sayong masama." bulong ko habang pinagmamasdan ko ng maigi si Matthew sa kanyang pwesto

Cassandra's POV

Napansin kong nakatayo sa may hagdanan si Erin at napansin kong nakatingin ito kay Matthew na may halong pangamba at pagkaalala.

Nang akmang titingin sa gawi ko si Erin, dali ako umiwas ng tingin at muli ako tumingin kina Shaina at Matthew.

Nang mapansin nina Matthew at Shaina na tahimik ako nakikinig sa pag uusap nilang dalawa, tumingin ito sa gawi ko at bigla nagsalita.

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" ani ni Matthew
"Look at your wife." ani ko rito
"Where?" ani ni Matthew sa akin na may pagtataka
"Sa hagdanan. Huwag kang pahalata. Malungkot ang kanyang mga mata at halatang may pangamba ito sa kanyang dibdib, Boss." ani ko rito
"I know pero babalik naman kami. Papakasalanan ko pa si Erin." ani ni Matthew
"Pero..." ani ko ng putulin ni Matthew ang aking sasabihin
"No buts. Nakapag decide na ako, Cassandra. At ikaw muna ang bahala sa kanya habang wala pa kami. Hayaan mo, may mga tauhan tayo dito na babantayan kayo." ani ni Matthew sa akin kaya't hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga hudyat na hindi na ako tututol sa kanyang sasabihin
"Don't worry about us, Cassandra." ani ni Matthew sa akin
"Gawin mo, Boss. Dahil may asawa kang naghihintay para sayo." ani ko rito at ngumiti ng tipid
"I will do everything, Cassandra. But..." ani nito ng pinutol ko ang kanyang sasabihin
"Kung ano man naiisip mo boss, huwag. Dahil hinihintay ka ni Erin." ani ko rito at ngumiti ng mapait rito

Matthew's POV

Matapos ang aming pag uusap para sa plano, nagpaalam ako kina Shaina at Cassandra na kukunin ko lang sa aming kwarto ni Erin ang aking mga gamit.

Habang naglalakad ako paakyat sa hagdanan papunta sa aming kwarto napansin kong nasa hagdanan si Erin habang nakatayo ito rito na may lungkot sa kanyang mga mata.

"Aalis ka na ba talaga?" aniya nito sa akin sabay yumuko
"Oo, mahal. Aalis na ako huwag kang mag aalala pagkatapos ng lahat ng ito. Magiging masaya na ang pamumuhay natin at wala nang gulo pa." aniya ko rito at hinawakan ko ang kanyang baba para mapatingin ito sa akin
"Pero, natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng makilabasan ng lahat. Paano kung may mangyari sayo na masama? Paano kung hindi ka maligtas? Paano kung. Paano kung mawala ka sa akin kaagad, Matthew? Ngayon palang tayong nagsisimula. Nagsisimulang maging mag asawa dahil alam na natin ang nararamdaman natin dalawa para sa isa't isa? Matthew, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." aniya ni Erin at napansin kong may nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata na luha
"Huwag kang mag isip ng kung ano, Mahal. Walang mangyayaring masama sa akin. Sa amin. Madami kami. Kayang kaya namin sila. Babalik ako sayo. Gagawin ko ang lahat lahat para bumalik sayo, Mahal ko." aniya ko rito habang nakatingin ako sa mga mata ni Erin
"Pero hindi ko maiiwasan na alisin sa aking isipan na baka may mangyari sainyo lalo na sayo na masama. Madami din sila, Rhianna, na tauhan. At alam mong, alam kong kayang kaya ka nya agawin sa akin at pabagsakin. At kayang kaya nya lasunin ang isipan mo, Matthew! Matthew, paano ako? Paano nalang ako? Kapag nawala ka sa akin? Ayokong mawala ka, Matthew. Please, stay by my side. Please? Dito lang ako makakampante kung makakasama kita at walang mangyayari sayo na masama. Hayaan mo nalang mga tauhan mo na sila ang lumaban kina Rhianna at hindi na ikaw. Ayokong mawala ka sa tabi ko, Matthew." aniya ni Erin at tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata
"Mahal ko." aniya ko rito
"Please, Matthew. Please? Stay by my side. Ayokong may mangyari sayo." aniya nito habang tumutulo parin ang kanyang mga luha sa kanyang mata at hindi ko maiwasan maawa kay Erin dahil tama sya, kakasimula palang naming dalawa

Cassandra's POV

Nang akmang aakyat na ako pabalik sa aking kwarto, napansin ko ang Mag asawang Evans sa hagdanan na nakatayo at dali dali akong nagtago sa ilang palapag para hindi nila ako makita.

Tumingin ako kay Erin, at napansin kong umiiyak ito kaya't nakaramdam ako ng awa rito. Alam kong ayaw nito mapalayo sa kanyang asawa dahil alam nito ang kahihitnanan, ngunit kilala ko si Matthew.

Hindi ito papayag na hindi umalis at gawin ang mga mission nya na tapusin ang mga kalaban.

Nang mapansin kong titingin sa gawi ko si Matthew, kaya't dali dali akong bumaba ng hagdanan ng hindi gumagawa ng ingay.

Nang makababa ako, napansin kong nakatingin sa aking gawi si Shaina kaya't lumapit ako rito at sabay naupo ako sa tabi nito.

"Akala ko ba aakyat ka? At mahihiga? Bakit ka bumaba ulit?" ani nito habang nakatingin sa aking gawi
"Kasi..." ani ko habang napatingin ako sa paligid at syang nakahinga ako ng maluwag
"Kasi ano? May nangyari ba?" ani ni Shaina kaya't tumingin ako rito
"Kasi, ganito iyon. Paakyat na ako sa hagdanan ng makita ko sa iilang palapag sina Matthew at Erin. Nakita kong umiiyak si Erin at mukhang masinsinan ang pag uusap nila Matthew at Erin." ani ko sabay tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla bumaba ang mag Asawa
"Umiiyak si Erin?" pagtatanong ni Shaina kaya't tumango ako rito
"Oo. Nag aalala sya sa mangyayari. Lalo na't kay Matthew. Hindi ko gaano naririnig ang kanilang pag uusap pero alam kong ayaw ni Erin na mapalayo sa kanyang asawa dahil natatakot ito sa pwedeng mangyari kay Matthew. Ngayon palang sila nagsisimula pero ito na kaagad ang kakahantungan nilang dalawa." mahabang lintayan ko kay Shaina at hindi ko maialis sa aking isipan ang malungkot na mukha ni Erin hanggang ngayon

➖➖➖
hi! i'm back

SECRETLY MARRIED TO A GANGSTER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon