Chapter 5

1 0 0
                                    

GALAXY'S POV

MAAGA Akong nagising ngayon at nag-ayos para sa klase,nung gabing 'yon ay alas dose na ako nakaalis ng bahay niya. Nahihiya akong umalis na lang basta matapos niyang labhan yung uniform ko. Aaminin kong masaya ako na kasama siya,hindi ko rin alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

Isang buwan na ang lumipas simula nung maging magkaibigan kami ni dariel. Mas napalapit na rin kami sa isa't isa,parati na kaming magkasama kapag mag-aaral at mas nakatipid na rin ako sa gastusin. Nahihiya ako pero siya rin naman ang nagi-insist na sa bahay niya na kumain at mag-aral,don na rin ako sumasabay ng labahin. Nakakahiya talaga. Kaya bilang ganti,pinagluluto ko na lang siya ng pagkain na lutong-bahay.

Napansin ko kasi parati siyang umaasa sa online foods,pero simula nung nagkasama kami at naging magkaibigan nagkaroon na siya ng laman dahil sa mga kinakain niyang gawa ko. Nung magkakilala kasi kami ay para na siyang naubusan ng lakas sa payat niya,ang putla niya rin. Ngayon lumabas na ang kasaganahan ng mga muscles niya at umayos na rin ang mukha.

Gwapo na siya nung payat,pero mas lalong gumwapo nung magkalaman. May pagka singkit,matangos ang ilong,mapupula yung maliit na labi. Gusto ko rin yung jawline niya,nakakagwapo lalo sa kaniya. Maganda rin yung mata niya na maraming sinasabi at parang nangungusap. Matangkad rin siya. Hanggang leeg niya ako tapos ang bango niya parati.

Psh,ang sarap niyang amuy-amuyin.

Minsan,iba ang dating sakin ng mga titig at tingin niya pero ayokong bigyan ng malisya baka umasa na naman ako. Sino ba naman ang magkakagusto sakin na parang babaeng kargador psh.

"Hi," Nagulat pa ako nung makita siya sa gilid ng kotse,nakaupo sa motor niya at nakauniform.

"Oh? Ang aga mo ah?" Natatawa kong tanong.

"Hmm,hinintay talaga kita. Sabay ka na sakin,laxy." Nakangiti niyang inalok sakin ang helmet niya.

"H-Hindi na dariel." Nahihiya kong tanggi.

Masyado na siyang maraming naitulong sakin at nakakahiya na talaga dahil parang inasa ko na lahat sa kaniya. Hindi na nga nababawasan yung pera na bigay sakin ni lolo para sa allowance ko ngayin august.

"Magagalit ang lolo mo kapag tinanggihan mo ang nagkukusang loob." Natatawa pang sabi niya.

Pinalo ko siya sa braso at nagulat pa nung maramdaman na matigas 'yon.

"Loko ka! Baka nasamid na 'yon!" Irap ko pa sa kaniya bago tinanggap ang helmet.

"Madadaanan ko naman kasi ang benton,kaya isasabay na kita. Pabor na rin 'to sayo,bukod sa makakatipid ka na aba! Gwapo pa yung driver mo diba?" Pabirong yabang niya na ikinatawa ko rin bago umangkas sa likod niya.

"Yumayabang ka na dariel!" Bulalas ko.

"Nagkalaman na eh,thanks sa masasarap na foods mo ah?" Sinserong sabi niya saka kami sabay na natawa.

Napahawak pa ako sa balikat niya dahil hindi ako sanay umangkas sa motor. Sakto lang naman ang pagpapatakbo niya ng motor,natatakot lang akong mahulog jusko.

"Hindi dyan ang hawakan,laxy." Nanunukso niya pang sambit.

"Ha? Eh,saan ba?" Bahagya kaming nagsisigawan.

Nanlaki ang mata ko nung maramdaman ko ang kamay niyang kinuha ang kamay kong nasa balikat niya at inilagay 'yon sa bewang niya papunta sa tyan niya,ganon rin ang ginawa niya sa isa kaya bahagya akong napasiksik sa kaniya. Ang baba ko ay dumikit sa balikat niya sa likod,natakot ako na baka marinig o maramdaman niya yung bilis ng tibok ng puso ko.

Don't want an Ending (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon