Chapter 7

1 0 0
                                    

DARIEL'S POV

NANLAKI ang mata ko nung literal na binitiwan niya si laxy sa sahig at bumagsak ito. Nagulat ako kaya di ako nakakilos agad.

"Tangina! Nawala tama ko ah? Sinong animal ang binitiwan ako?!" Galit talagang singhal ni Galaxy kaya napalunok na lang ako at napatitig sa kumag na lalaking 'yon.

"Ako,bakit?" Paghahamon niya pa kay galaxy.

"Tyrone?!" Tiim-bagang na bulalas ni Laxy.

"Kilala mo pala ako,sulutera." Nakangisi pang sabi nung tyrone.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sulutera? Bakla ba 'to?

"Gayshits! Masakit ba talaga sayong may nakalamang na sayo? May finals pa,pwede ka pang humabol. Hindi yung pag-iinitan mo ako." Galit na talagang sabi ni laxy kaya lumapit ako sa kaniya.

"Wag mo na patulan,let's go." Malumanay kong anyaya sa kaniya.

"Hindi,nung nakaraan pa sakin 'to eh! Pinalagpas ko lang,ano? Palag ka! Nakaheels ako pero kaya kitang itumba ngayon dito." Nagulat ako sa sinabi ni laxy.

Andito na naman yung ugaling lalaki niya at ngayon ay naghahamon pa ng away.

"Stupid,take her home. She's drunk." Napapailing na sabi nung tyrone.

"Gayshits! Bading yan,patola ng babae. Wala boo!" Tinakpan ko na ang bibig ni laxy. Saka tinignan yung tyrone na seryoso ng nakatitig sa kaniya.

"Lasing ka na,tara na." Bulong ko kay laxy pero nagsasalita sa loob ng kamay ko. Kaya di ko maintindihan 'yon,tinignan ko pa ang tyrone saka siya tuluyang tinalikuran."Can you still manage to walk?" I asked her calmly nung makalayo na sa lobby.

Binitiwan ko na rin ang bibig niya.

"Di ako lasing."

"Yes,you are." Napapailing kong sambit,pero ngumuso siya."Sino ba 'yon?" Naitanong ko na lang nung makalapit kami sa kotse.

Sumandal siya sa pinto ng passenger's seat kaya napalunok ako sa itsura niya.

Ang hot niya...

"That jerk! Siya yung top 2 nung prelims at midterms,naga-alburuto na parang bulkan nung malaman na ako na yung top 2 ng batch namin sa pre-final. Loser." Napapairap niyang sabi at bumuga ng hangin dahilan para liparin din yung buhok na humarang sa mukha niya.

Top siya sa batch nila? Woaw...

"Dahil don galit siya sayo?" Nalilito kong tanong.

"Lahat sila nagugulat sa pagsulpot ko. Psh,mga aning! Bansagan daw ba akong mysterious girl? Kasi nung prelims wala daw ako sa top 5,tapos nung midterms bigla daw akong sumulpot bilang top 3? Then now,nalamangan ko na siya. Gayshits!" Singhal niya pa.

Hinawakan ko ang mukha niya,alam kong lasing na siya kaya di niya nako-kontrol ang sarili niya ngayon. Nagugulat rin ako sa inaasta niya,dahil kalmado naman talagang tao 'to. Napatitig ako sa labi niya.

I want to kiss her to shut her mouth...

Pero ayaw ko siyang bastusin.

"Kumalma ka na,wala na siya. Ako na 'tong kaharap mo," mahinahon kong sabi.

"And so what kung ikaw na kaharap ko? Maaalis ba non yung sagad na inis ko sa mga taong yan?" Nanlaki ang mata ko sa sobrang kaprangkahan niya.

Tangina napahiya ako sa lasing.

"U-Umuwi na lang tayo,ihahatid na kita sa apartment mo." Napapahiya kong sabi at pinagbuksan siya ng pinto saka inalalayan na makapasok.

Buong byahe ay gising na gising siya pero hindi man lang nagsalita kaya nag-alala ako.

Don't want an Ending (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon