GALAXY'S POV
NAGDAAN na ang midterms at sa awa ng Diyos maganda naman ang kinalabasan ng grades. Dahil kung hindi,makakatikim na ng drumsticks yung dariel.
Paano ba naman,hindi na nagpahinga sa kakadrum. Ewan ko ba kung bakit walang nagrereklamo sa kaniya,sa totoo lang perwisyo na siya sa lugar namin. Big time naman bakit kasi di ipa-soundproof ang studio niya sa loob ng bahay.
Lumabas ako ng apartment para bumili ng softdrinks ko,wala din naman akong aaralin ngayon dahil sabado. Nasa kabilang kanto yung pinakamalapit na tindahan kaya nagtyaga na akong maglakad dahil nauuhaw na ako,wala pa kasi akong ref sa apartment. Nahihiya rin akong humingi kay lolo.
Bumili rin ako ng paborito kong piattos na ipinares ko sa coke. Agad rin akong bumalik sa apartment nung biglang may sumabay sakin sa paglalakad. Napatingin ako sa katabi ko at nawalan ng gana sa pagsubo ng piattos.
"Hi,Can I invite you?" Maganda ang pagkakangiti niya.
"Saan?" Walang gana kong tanong.
"Dyan lang sa bahay," Natatawang sabi niya at napatingin naman ako sa kaniya,"Wala kasi akong kasama hehehe baka pwede ka?" Napapahiyang sabi niya.
"Hindi ako nagpapakama." Deretsong sagot ko.
"What? No,hindi 'yon." Seryosong sabi niya kaya ako ang natigilan."Birthday ko today,wala akong kasama na kumain nung mga pinamili ko. Wala rin kasi akong ma-invite na taga rito,lahat galit sakin dahil maingay ako." Napapahiya niyang sabi.
Napalunok ako at napainom ng softdrinks bigla.
"Wala ka bang kaibigan na pwedeng imbitahin?" Casual na tanong ko habang naglalakad kasabay siya.
"I don't have one," seryosong sabi niya.
Sumubo pa ako ng piattos bago tumingin sa kaniya. Nabasahan ko siya ng lungkot at nakaramdam ako bigla ng konsensya.
Bumuntong-hininga ako.
"Sige,"
"Talaga? Pumapayag ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Pagkain ang ipupunta ko at hindi ikaw." Palusot ko para hindi lumaki ang ulo niya.
Naiwan naman siya don kaya nilingon ko siya saka pa lang siya kumilos at humabol ng lakad sakin.
"Does this mean we're friends?" Parang batang tanong niya.
"Depende."
"Huh?"
"Depende pag natuwa ako sayo,kapag ininis mo ako ipapakain ko sayo yung drumsticks mo." Pinigilan ko ang matawa nung manlaki ang mata niya. "Buksan mo na,bahay niyo 'to diba?" Nginuso ko yung gate nila.
"Ah,yeah." Nataranta siyang buksan 'yon,nakatitig lang ako sa kaniya habang umiinom ng softdrinks at kumakain ng chips."Have a seat,ilalabas ko lang yung mga pinamili kong foods online." Seryosong sabi niya kaya tumango ako at umupo sa sofa.
Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. Malaki nga 'yon para sa nag-iisang tao na kagaya niya. Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa living area at kusina nila dahil sa paglilipat ng mga pagkain.
"Mag-isa ka lang talaga dito?" Hindi ko napigilan ang mag tanong.
"Oo," tipid siyang ngumiti at tumingin sa tabi ko kaya tumango ako."Yung dad ko kasi sumama na sa bagong asawa niya,eh,ayaw kong sumama kasi ayokong kalimutan si mom." Nagulat ako sa pagku-kwento niya."Patay na yung nanay ko,8 years ago. Solong anak rin ako. I chose to stay here because of my mom's memories that I just can't let go." Dagdag kwento niya.
BINABASA MO ANG
Don't want an Ending (ON-HOLD)
RandomGalaxy Santianes is the granddaughter of a Soldier. She was raised to control her emotions and hold her temper and not to easily burst out from crying. Until she meets Dariel Peter Suficencia,who's very annoying and arrogant. Will they able to chang...