GALAXY'S POV
"Gagita,san ka naman galing!? Kanina pa kita kino-contact ah?" Bungad sakin ni Ella,pagkaupong-pagkaupo ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Na-traffic eh. Pumasok yung prof natin sa Biochem?" Nag-aalalang tanong ko.
"Maswerte ka kamo at may biglaang meeting sila ngayon." Sabi naman niya saka umirap sa kawalan. Inalok niya ako ng piattos niya kaya di na ako nagdalawang isip na kumuha.
"Anong meron sa mukhang yan aber?" Biglang bulalas niya saka ako tinitigang maiigi. Napailing naman ako.
"What do you mean?" Kunwaring tanong ko.
Bigla niya akong binatukan.
"Gagita wag ako! Ano nga? Anong totoong dahilan bakit ka na late!?" Pangu-usisa niya.
I pouted.
"Si Mathew kasi nakita ko sa hallway." Sabi ko.
"Eh? Akala ko ba nag Crim yon? Bakit biglang andito?" Nagtatakang sabi niya. Nagkibit-balikat naman ako bilang sagot sa tanong niya.
"Hindi kaya nag backout siya?" Dagdag niya pa.
"No. Imposible naman na ganon,pangarap niya yon eh." Sabi ko naman.
"Eh bakit bilang andito?" Tanong niya ulit. Hindi na ako nakasagot.
"Alam ko na." Bulalas niya. Napatingin naman ako sa kaniya,hawak niya ang phone niya at binitiwan ang piattos sa armchair. May tinatype siya dun kaya nag-abang na lang ako. "Oh!" Sabi niya habang nakaturo sa phone.
"Ano yan?" Interesadong tanong ko.
"May tinweet siya,5 minutes ago." Sabi niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nakisilip na rin ako.
"Ano?" Tanong ko habang nakikibasa.
"I saw her again after a couple of months." Sabay naming basa ni ella saka napatingin sa isa't isa.
"Ayokong mag assume." Agad kong sabi saka napapairap. Umayos na ulit ako ng upo at kumain ulit ng piattos niya.
Hindi siya nagsalita dahil tutok pa rin siya sa phone niya,parang may inaabangan. Pinabayaan ko na lang,pag itong piattos niya naubos ko hah! Walang sisihan,alam niya pa namang paborito ko to.
"I did my best not to hug her,but i wanna go back and tell her what i really feel and how i badly want her back." Bulalas ni ella.
"Tigilan mo nga ako. Hindi ako yan okay?" Pagtanggi ko pa.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
"I miss you Laxy,If i could just turn back the time,i wouldn't hurt you." Dahan-dahan binasa ni ella. Natigilan naman ako sa pagkain.
Nakatingin na si ella sakin.
"Baka gawa gawa lang yan ng mga kaibigan niya,malalakas trip ng mga yon diba? Malay natin." Sabi ko. Ayoko talagang mag assume.
"Alam mo ikaw ang nega mo. Ikaw nga yung tinutukoy ng tao,naka mention na yung name oh." Aniya.
"Teka nga,pano mo nalaman yung twitter account niya? Legit ba yan? Baka mamaya may poser siya,or kung sino man ang gumagamit niyan. Malay mo may fan siya na andiyan lang sa tabi tabi tapos nakita kami kanina sa hallway." Pinanindigan ko na ata ang pagdadahilan,para lang kumbinsihin ang sarili kong wag umasa.
BINABASA MO ANG
Don't want an Ending (ON-HOLD)
DiversosGalaxy Santianes is the granddaughter of a Soldier. She was raised to control her emotions and hold her temper and not to easily burst out from crying. Until she meets Dariel Peter Suficencia,who's very annoying and arrogant. Will they able to chang...