GALAXY'S POV
HANGGANG sa makauwi ako sa bahay ay tila ba lutang pa rin ako,nagtataka na si dariel alam ko. Pero di ko alam kung paano ilalabas ang mga gumugulo sa isip ko at di ko alam kung saan sisimulan.
Nagulat pa ako nung maramdaman ko ang yakap niya mula sa likod ko.
"Pawis ako babe," Seryosong sabi ko at pilit inaalis ang kamay niyang nakapulupot sa katawan ko.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya kaya natigilan ako."Did I do something wrong babe? Hindi ka kumikibo kanina pa. What's bothering you?" Malumanay na sabi niya at nakayakap pa rin sakin.
Humarap ako sa kaniya at tinitigan siya nang seryoso.
"Hindi ako nakapagreply at hindi ko rin nasagot ang tawag mo kasi I've been busy babe. Sorry na,I tried to reach my phone and update you pero sakto namang dumadating yung prof or groupmates ko to discuss with me." Masuyong sabi niya at pag-aalala ang mababakas sa mukha niya.
"No,not that." Napapailing kong sabi saka ako umupo sa sofa.
"Then what?" Nakanguso siyang lumapit sakin at umupo sa tabi ko.
Matagal akong tumitig sa kaniya na nagawa niya rin naman labanan,saka ako humugot ng isang malalim na paghinga.
"Required ang may partner sa nursing night babe." Panimula ko,tinignan ko ang reaksyon niya pero kalmado lang 'yon.
"May nagyaya ba sayo?" Seryosong tanong niya bago siya nagbuntong-hininga matapos kong tumango."Sino?" Seryoso pa rin niyang tanong.
"Si tyrone..." Mahina kong sagot habang nakatitig pa rin sa kaniya."Pero hindi ko tinanggap,dariel. Gusto ko munang sabihin sayo bago ako gumawa ng desisyon ko." Sinserong dagsag ko.
Napatingin ako sa kamay kong hinawakan niya at pinisil-pisil,nung mag angat ako ng tingin ay tumama na 'yon sa titig niya.
"Pumayag ka na babe," Seryosong sabi niya kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"But you don't like him,right?" Nalilito kong tanong,ramdam ko pa rin ang pagsasalubong ng mga kilay ko.
"But I trust you.." Nakangiti niyang sabi na nakapagpatigil sakin,pilit kong binabasa ang reaksyon ng mukha niya pero wala akong ibang makita kundi sinseridad."Ako pa rin naman ang maghahatid at susundo sayo." Natatawang sabi niya saka siya lumapit sakin at hinagod ng hinlalaki niya ang pisngi ko."Don't worry about me,It's okay. Trust me babe." Sinserong sabi niya saka ako hinalikan sa labi at noo."Ayun ba ang gumugulo sa isip mo?" He asked.
"Hindi lang 'yon.." napapailing na sabi ko kaya lumayo ang noo niya sakin at tinitigan ako nang maigi."Nalaman ko kasi kung sino yung gusto ni tyrone at Gian,babe. Unexpectedly and unintentionally. They like the same girl and It feels like Illegal for me that I knew it and I know who they both like." Seryoso kong sabi.
"So hindi pala ikaw ang gusto nila.." para bang nakahinga siya nang maluwag dahil sa nalaman at napahawak pa sa dibdib."Hindi mo naman sinasadya na malaman babe,so ano ang ikinababahala mo?" Seryosong tanong niya.
"Ang bigat kasi sa loob,alam ko kung sino yung gusto nila pero parang di nila alam sa isa't isa..." kumunot rin ang noo ko nung mapagtanto na wala naman akong pakialam sa dalawa. Wala nga ba?
"Just keep it to yourself,then. Let them find out themselves." Kibit-balikat na sabi niya kaya bumuntong-hininga ako bago nagawang tumango."How's your first day of nursing week?" Pag-iiba niya na ng usapan habang nilalaro pa rin ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Don't want an Ending (ON-HOLD)
RandomGalaxy Santianes is the granddaughter of a Soldier. She was raised to control her emotions and hold her temper and not to easily burst out from crying. Until she meets Dariel Peter Suficencia,who's very annoying and arrogant. Will they able to chang...