Chapter 12

0 0 0
                                    

GALAXY'S POV

REGULAR na ang klase namin kaya naman nacha-challenge na rin ako para sa huling semester na 'to. Pero mukha namang hindi na ako inaatake ni tyrone kaya magbe-behave na rin ako,papatol kapag inumpisahan niya na naman ako ng yabang.

"Grabe napaka draining nitong araw na 'to," Pinatunog pa ni brix ang mga daliri saka siya nag inat ng katawan.

Sinuot ko na ang bag ko.

"Goodluck and Godbless satin sa monday," dagdag pa ni brix saka siya natawa.

"Exciting kaya,diba duty na tayo? Yie!" Animong kinikilig na sabi ni ella,grabe. Parang hindi man lang 'to nauubusan ng energy,tignan natin kung umubra ka pa sa RLE."Saan tayo maglu-lunch?" Tuwang tanong ni ella nung matapos isuot ang bag.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng classroom at nagkalat ang mga students sa hallway.

"Dyan na lang tayo sa harap ng school,madami namang kainan dyan." Sabi ni brix.

"How about you laxy?" Untag sakin ni ella kaya napakurap pa ako nung tumingin sa kanila."Are you even with us?" Kunot-noo nitong tanong sakin.

"Ayos ka lang laxy? Kanina ka pa tahimik mula sa first subject eh." Nag-aalala ring tanong ni brix.

"Stupid! Tahimik naman talaga yan," Inirapan pa ni ella si brix.

"Eh,bakit mo pa tinatanong?"

"I'm okay,iniisip ko lang kung saan maghahanap ng mga materials natin para sa nursing kit natin." Napapakamot sa ulo kong awat sa kanilang dalawa dahil pag di mo yan inawat hanggang mamayang gabi na yang bangayan nila.

Natigilan naman sila at animong napaisip rin sa sinabi kong 'yon.

"Oo nga 'no?" Napapakamot sa likod ng ulo niya si brix nung sabihin 'yon.

"There's a boutique outside the campus,maybe we can go there and check if they have the materials we need?" Sambit naman ni Ella.

I frowned.

"I doubt,halos wala namang pumapasok don na students. Feeling ko kulang sila sa materials and plus mas marami ang excited sa batch natin,for sure nagkaubusan na." Sabi ko at nauna si brix saming bumaba dahil makakasagabal kami sa hagdan kapag nagsabay kaming tatlo.

"Kahit na,let's check pa rin." Nakasimangot na sabi ni ella kaya nagpakawala na lang ako ng malalim na paghinga para sang-ayunan siya.

Kumain na muna kami sa labas ng benton at nung matapos magpatunaw ng mga kinain ay saka namin napagdesisyonan na puntahan yung boutique na malapit sa pagawaan ng laces. Nagtingin-tingin kami don.

"Oh,diba? I told you." Bulalas ko nung makalabas kami matapos pagtanungan yung babaeng nagbabantay ng boutique.

Matunog ang naging pagbuntong-hininga ni Ella at may halong pagkadismaya pa.

"Eh,saan na tayo maghahanap nito?" Napapanguso niyang tanong.

"Bukas na lang tayo maghanap,saturday na bukas and we only have one subject for tomorrow kaya makakapaghanap tayo niyan." Sabat ni brix sa amin.

Naglalakad na kami pabalik ng school ngayon habang pinapagitnaan kami ni brix at nakaakbay ito sa amin ni Ella,tila pinapalakas ang mga loob namin tungkol sa paghahanap ng materials.

"Ang mahirap lang naman hanapin ay yung sphygmo." Nakasimangot na sabi ni ella na ikinabuntong-hininga ko na lang.

"Basta,ako na bahala don. Makakahanap tayo sus,ano ba naman kayo." Natatawa pa ring sabi ni brix samin sa ganong posisyon habang papasok kami ng campus.

Don't want an Ending (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon