Chapter 6

1 0 0
                                    

DARIEL'S POV

MASAYA ako kasi feeling ko mas naging close kami ni galaxy simula nung mag kaaminan kaming dalawa. Kahapon ng friday ay di kami nagkita buong maghapon.

Dumeretso kasi ako sa mall para bumili ng heels niya,hindi ko pa man nakikita ang isusuot niya ay naiimagine ko na. Maiksi 'yon sa isip ko kaya naman nag search ako sa internet kung anong bagay na sandals sa maiksing dress na puti. At ang nakikita ko ay yung stick heels na may tali sa taas ng ankle. Nung gabi naman ay sabay lang kaming nag dinner pero agad rin siyang umuwi dahil pagod daw siya sa paglilinis ng apartment niya. Hindi na ako nagpumilit dahil kailangan niya rin ng pahinga.

May usapan kami kagabi na alas onse ng umaga ngayon ay pupunta na siya dito,dahil sabay kaming maglu-lunch sa labas. Sinabi ko rin na dalhin niya na yung dress niya at nakahanda na ang binili kong heels para sa kaniya na nasa likod na rin ng kotse ko. Oo, kotse ang dadalhin ko dahil di naman magandang tignan na nakadress siya tapos magmomotor kami kapag ihahatid at susunduin ko mamaya.

Hehehe,may rason na rin ako para kunin ang number mo yiee.

Napangiti na lang ako sa naisip kong 'yon.

Aligaga akong tumayo nung marinig ko ang doorbell. Siya na yan,kaya dali-dali akong nag lakad palabas ng bahay at nagpunta sa gate para pagbuksan siya.

"Late morning," Ganado kong bungad pagkabukas pa lang ng gate.

Nakangiti siyang tumango.

"Morning," Sambit niya.

Napatingin ako sa kabuuan niya,ginupitan na manggas ng army shirt camouflage at kita ang tube niyang itim sa loob dahil sa laki nung gupit ng manggas niya. Fitted pants na black naman sa baba at may ilang punit rin 'yon at pinaresan niya ng sneakers.

"Para kang sasayaw ng hiphop." Nakangiti kong sabi at kinuha ang bitbit niyang paper bag.

Nung silipin ko 'yon ay may puting tela sa loob,'yon na rin siguro ang dress na isusuot niya. May wedge heels rin akong nakita na black,masyado 'yon mataas kaya nag-alala ako sandali pero ngumiti rin nung maalala na may binili akong pang reserba niya.

"Hindi ako sumasayaw," Natatawang sabi niya kaya nakangiti ko siyang nilingon at tinignan habang sinasara ko yung pinto ng gate.

Binuksan ko yung malaking gate at inalalayan siyang makapasok sa passenger's seat,nilock ko na rin muna yung mga pinto ng bahay saka ako pumasok ng kotse at minaneho 'yon palabas nang dahan-dahan.

"Akala ko kasi dancerist ka." Biro ko na pareho naming ikinatawa.

Umaalingasaw sa kotse ang pambabaeng pabango niya,napangiti ako. Dahil,kahit boyish siya ay pambabae pa rin ang pabango niya. Sa pananamit lang siya nag mukhang lalaki,well pati na rin sa pagsalita niya minsan. Natatawa nga ako kapag tinatawag niya rin akong girl tapos babaeng-babae yung boses niya. Gusto ko rin kapag nag e-english siya,girly masyado.

"Why,do you dance?"

Nagulat ako sa biglaang tanong niya nung magsimula na kaming umalis sa lugar namin. Sumimangot ako.

"Hindi ah," I lied. I can dance pero nahihiya ako sa kaniya na sabihin 'yon.

"Hindi pa man tayo ay nag sisinungaling ka na sakin,dariel." Seryosong sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya at napalunok bago sinimulan mag drive ulit.

"F-Fine. I can dance,sorry." Napanguso ako nung masabi 'yon.

"Talaga?"

"Hmm,ayokong mag sample." Nakasimagot ko ng sambit kaya natawa siya.

Don't want an Ending (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon