GALAXY'S POV
UMUWI pa ako ng bahay para saglit na maligo matapos mag prepare ng dinner namin ni dariel sa bahay niya.
Nahihilo ako sa dami ng kinain ng utak ko.
Saktong paglabas ko ng apartment ay narinig ko na yung motor ni Dariel kaya napangiti ako at naglakad palapit sa gate niya. Inalis niya naman ang suot na helmet saka inayos ang magulo ng buhok. Ngumiti siya pero bakas sa kaniya ang pagod kaya lumapit na rin ako para gawaran siya ng halik at yakap.
"Ang bango ah?" Tuwang-tuwa niyang sambit matapos singhutin ang leeg ko.
"Umuwi ako para maligo,ang tagal mo naman? Nasa 30 minutes na nung tumawag ka ah?" Kunot-noong tanong ko.
Bumuntong-hininga siya kaya kumilos na rin ako para buksan yung gate niya,agad naman siyang pumasok. Ako na rin ang nagsara non saka ako nakalapit sa kaniya. Hinintay ko pa siyang makuha ang susi niya sa motor matapos 'yon i-lock bago siya humarap at umakbay sakin.
"Sorry babe,traffic na eh." Bakas ang pagod sa boses niya.
"I see,ready na yung dinner. Kumain na muna tayo? 6pm na rin eh." Anyaya ko matapos tumango,napatango rin siya kaya ang kamay kong nasa bewang niya ay pinadulas ko sa kamay niya para hilahin siya papuntang dining."How's school babe? Mukha kang pagod." Nag-aalala kong sabi habang nilalagyan siya ng ulam sa plato niya.
"Recitation whole day ang eksena sa school babe,nakaka-drain." Nanlulumo niyang sabi at umiling.
"Nakasagot ka naman 'no?"
"Yes,of course." Napapatango niyang sagot bago uminom ng tubig."Grabe! Ngayon ko pa lang naramdaman yung sakit ng ulo for today." Napapailing niyang sabi saka nag umpisang sumubo.
"Get some rest then,After you eat." Seryoso ko namang sabi,saka ako nag umpisang kumain.
"Rest with you hehehe,"
"Hmm.." Natatawa ko namang tango.
"How's my babe?" Malambing niyang tanong kahit bakas ang pagod.
Nakagiti akong sumubo at ngumuya. Inubos ko pa muna yung laman ng bibig ko bago ako nakasagot.
"Tired,maghapon akong nag-aral."
"Hindi ka naman nag skip ng meal?" Seryosong tanong niya at tumitig sakin.
Agad akong umiling at ngumiti kaya tumango siya.
"Sorry babe,hindi na kita na check ah? Busy talaga sa school. I forgot to check my phone," Sinsero niyang sabi mayamaya.
"It's okay,I understand." Sincere rin akong tumango bago uminom ng tubig.
"Tiwala rin naman akong hindi mo pababayaan ang sarili mo kahit hindi kita i-remind." Nakangiti niyang sabi kaya natatawa akong tumango.
"Hindi kita bibigyan ng sakit sa ulo." Nakangiti kong sambit pero sumimangot siya bago sumubo ng pagkain at ngumuya habang nakatitig sakin.
"Hindi raw," Nakangiwi niyang sabi at uminom ng tubig.
Kumunot ang noo ko sa sobrang pag-aalala at pagtataka. Napaisip pa ako.
"Did I?" Inosente kong tanong at nagtataka pang sumubo ng pagkain saka ngumuya nang salubong na ang dalawang kilay.
"You always give me headaches babe!"
"Oh?"
"Yes,ang sakit parati ng dalawang ulo ko sa kaka-tease mo." Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sumilip sa baba ng mesa,agad niya naman kinipot ang nakabuka niyang mga hita kaya nagtataka ko siyang tinignan."What the hell?" Bulalas niya at sinamaan ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Don't want an Ending (ON-HOLD)
AcakGalaxy Santianes is the granddaughter of a Soldier. She was raised to control her emotions and hold her temper and not to easily burst out from crying. Until she meets Dariel Peter Suficencia,who's very annoying and arrogant. Will they able to chang...