Chapter 10

3 0 0
                                    

DARIEL'S POV

NAGING tahimik ang byahe namin ni laxy. Naiwan kaming naguguluhan dahil sa sinabi nung lolo niya. Nakarating naman kami ng grand mall na ligtas kahit pa lutang ako sa pagmamaneho.

"Ayos ka lang babe?" Nilingon ko siya nung makapagpark kami sa second floor ng mall.

"Hmm,Iniisip ko lang yung huling sinabi ni lolo." Hindi na ako nagulat dahil kahit ako ay 'yon din ang iniisip."Magkababata ba tayo? Bakit di ko matandaan?" Taka at naguguluhan talagang tanong niya.

"I don't know babe,seriously."

"And you never mentioned about your lolo..." May pagtatampong sabi niya kaya nag-aalala kong kinuha ang kamay niya.

"I've no contact with him babe,long time ago..." Buntong-hininga kong sabi saka ako umiling."Mag mula nung mamatay si mom,nawala na rin silang parang bula ni lola. Ang totoo ay may pagtatampo ako sa kanila,sila ang inaasahan kong kukupkop sakin pero iniwan rin nila ako just like what everybody did. Magmula nung mamatay si mommy 8 years ago,hindi na naging maganda ang buhay ko. Wala pa man ding isang taon nung mamatay si mom,may inuuwi na agad si dad na babae sa bahay namin. Hanggang sa umalis rin sila don at bumukod,sinama nila ako pero hindi ako pumayag. Believe me,I've no contact with my grandparents anymore." Mahabang paliwanag ko at hindi napigilan maging emosyonal nung muling nagbalik sa alaala ko ang mga tagpong 'yon.

"I'm sorry..." Lumamlam ang mga mata niya at pinatong ang kamay niya sa kamay ko na hawak ang isang kamay niya."Don't be sad babe,I'm here and I will never let you feel being alone again." Sincere niya pang sabi kaya ngumiti ako.

"Thank you babe,tiwala din naman ako na di mo ako sasaktan." Sinsero ko ring sabi bago hinalikan ang kamay niya."Let's go? I'm already hungry,saka na natin isipin yung sinabi ng lolo mo." Sabay na lang kaming natawa matapos non.

Binitiwan ko na muna ang kamay niya saka ako bumaba ng kotse at pinagbuksan siya.

"Saan mo gustong kumain babe?" Tanong ko nung makapasok kami ng mall.

Bawat kainan na madadaanan namin ay tinitignan ko,ganon rin siya.

"Don na lang tayo mukhang masarap ang pagkain nila don!" Nakangiti niyang itinuro ang isang fastfood resto kaya tumango ako at saka siya inakbayan papasok ng kainan na 'yon.

"What do you want to have babe?" I asked her as we enter the restaurant.

"Gusto ko ng pasta babe,tapos lasagna!"

"Hmm,what about pizza?"

"Parati na tayong nagpi-pizza babe,hindi ka ba nagsasawa?" Nakasimangot pang sabi niya kaya natatawa akong tumango.

"Fine,wala ka na bang additional order babe? Dessert?" Nakangiti kong tanong habang nasa menu ang tingin."Mukhang masarap 'tong halo-halo nila?" Patanong na sabi ko bago nag angat ng tingin sa kaniya.

"Hmm,sige sige." Tumango-tango siya habang nasa menu ang tingin."Ay babe! I feel like masarap din 'tong chicken wings with fries nila?" Pahabol niya nung itaas ko ang kamay ko para tawagin ang kukuha ng order namin.

"Mauubos ba natin yan?" Natatawa kong tanong.

"Eh,sabi mo gutom ka?" Inosenteng tanong niya nung magtama ang tingin namin.

"Oo nga pero para ang dami na masyado?"

"Mauubos yan,may kasama kang kargador kaya kumalma ka." Sabay kaming natawa bago umiling nung makalapit na yung kukuha ng order namin.

Don't want an Ending (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon