Chapter 2

2 0 2
                                    

GALAXY'S POV

HINDI ako nakapag-aral ng maayos kagabi dahil sa lintik na dariel na 'yon! Grabe din ang pagtitimpi ko. Sunday ngayon kaya umaasa akong makakapag-aral na ako ng maayos. Maaga akong nagising para makapagsimula sa pag-aaral dahil wala na rin naman akong ibang gagawin sa bahay.

Kailangan kong ayusin yung grades ko para maging proud si lolo. Para hindi masayang ang pinag-aaral niya sakin,eh,hindi niya naman ako totoong kadugo kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya.

Bata pa lang,agad niya ng pinaalam sakin na hindi ko siya kaano-ano. 2 years old daw ako nung makita niya ako sa labas ng kampo nila sa katipunan--malay ko kung saan 'yon. Ayon lang ang lugar na sinabi niya. Sabik daw siya sa apo kaya pinatuloy at binihisan niya ako. Kahit hindi niya ako kadugo,lahat ng kailangan ko ay binibigay niya. Pinag-aral sa magarang paaralan. Pinagmamalaki sa mga kasamahang sundalo.

Matchy rin parati ang suot namin nung bata ako. May jersey siya na kulay black at nakaburda sa damit ang ARMY,tapos ganon rin ang damit na binibigay niya sakin. Lahat kasi ng sundalo sa kampo na may anak sa loob non ay binibigyan rin ng mga damit. Puro panglalaki ang damit ko sa kampo,kaya yung mga bagong dating akala ay lalaki ako na mahaba ang buhok.

Hahahaha. Bwiset.

Boy pa nga ang tawag sakin.

Masaya sa kampo kasi may mga kalaro ako,puro lalaki nga lang. Tuwing may flag ceremony sila lolo ay bumibida rin ako sa gitna at sinasabayan silang sumaludo habang kumakanta ng pambansang awit.

Namimiss ko na si lolo,hindi man lang siya tumatawag. May nag-aalaga kaya don kapag may sakit siya? Gusto ko na umuwi sa kampo.

Natinag ako nung mag ring ang phone ko sa mesa,agad kong nilagay sa mesa ang baso ng kape ko at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Apo,kumusta?" Nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang boses ni lolo sa kabilang linya.

"Lolo! Namiss kita! Kumusta na dyan sa kampo?" Emosyonal na sabi ko pero agad ko rin pinaseryoso ang boses ko dahil magagalit siya sakin kapag nalaman na umiiyak ako.

"Pasensya ka na at ngayon lang ako nakatawag,marami kaming inaasikaso at alam mo naman ang signal dito." Seryosong sabi niya kaya nalungkot ako.

"Ayos naman ba kayo lo? Wag kayong magpapa-stress masyado ah? Kumakain ba kayo nang maayos?" Nag-aalala kong sabi at sunod-sunod ang pagtatanong.

"Wag mo na akong alalahanin,ikaw kumusta ang pag-aaral mo galaxy?" Puno ng awtoridad at pormalidad ang boses niya.

"Nag-aaral nga po ako ngayon lo,kasi midterms na namin sa susunod na linggo." Malumanay na sagot ko.

"Maigi kung ganon,mag-usap na lang ulit tayo sa susunod. Tumawag lang ako para kumustahin ang paborito kong apo," natatawang sabi niya na ikinatawa ko rin.

Napangiti ako.

"Mag-iingat kayo lo ah?" Malambot kong sabi.

"Ikaw rin,apo."

"Pwede po ba akong umuwi sa summer dyan lo?" Umaasang tanong ko.

"Kung hindi abala sayo,sige umuwi ka at namimiss ko na rin ang mga luto mo." Natatawang sabi niya ulit na ikinangiti ko.

"Sige lo,magkita na tayo sa summer kung ganon? Wag niyong pababayaan ang sarili niyo." Nakangiti ko pang sabi.

"Copy that,roger." Aniya na ikinangiti ko.

Nawala na yung linya niya kaya napapangiti kong nilapag ang phone sa table at nagbasa na ulit. Ganado na ako ulit dahil narinig ko na ang boses ni lolo at nakausap ko rin siya habang iniisip ko lang siya kanina.

Don't want an Ending (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon