Chapter 8

3 0 0
                                    

GALAXY'S POV

"Good morning," Gaya pa rin ng dati hinihintay niya ako sa labas ng apartment tuwing umaga. Lumapit ako sa kaniya para yumakap.

"Good morning,Diba sabi ko mauna ka na? Baka ma-late ka. Wala naman kasi akong pasok at mage-enroll lang." Sabi ko matapos siyang yakapin.

"10am pa naman yung class ko today babe,sabay na tayo." Nakangiti niyang sabi.

"9 na kaya! Siraulo ka talaga." Napailing na lang ako saka siya inirapan.

"Kaya pa yan,what time ka today?" Natatawa niya pang sabi habang sinusuot sakin yung helmet. Sumakay na rin ako sa likod.

"Uuwi rin ako agad pagkatapos kumuha ng section for my second sem."

"Bayad na pala tuition mo 'no?"

"Hmm,binayaran na ni lolo nung mag enroll pa lang ako para sa unang sem." Nakangiti kong sabi habang nakayakap sa kaniya. "Hindi ko pa pala nasasabi kay lolo yung tungkol satin babe," Napapahiya kong bulong.

"Ayos lang,tell him when you're ready." Sincere namang sabi niya.

"Isang linggo na tayo hehehe,"

"Binibilang mo 'no?"

"Bakit,ikaw ba hindi?"

"Bilang ko rin syempre," sabay kaming natawa dahil don. Masaya kaming tinahak ang daan papuntang benton,"Babe,sa bahay na lang tayo magkikita mamaya?" Mayamaya ay sabi niya nung makarating kami ng benton.

"Sa apartment na muna ako,tumawag ka na lang sakin kapag nakauwi ka na." Sabi ko habang sinasabit niya ang helmet ko sa side mirror. "Mauna ka na,baka ma-late ka sa class mo niyan," seryosong sabi ko.

"I love you," Malambing niyang sabi kaya pinamulahan na naman ako ng mukha.

"S-Sige,"

"Nahihiya ka pa rin sakin babe?" Natatawa niyang tanong.

"M-Mauna ka na kasi,male-late ka talaga niyan Dariel." Pilit kong pinaseryoso ang boses ko pero ngumisi lang siya bago ngumuso."Nasa labas tayo ng school namin..." naigala ko ang tingin sa paligid.

"Wala namang tao babe," maloko pang sabi niya. Yumuko na lang agad ako saka dinampian ang labi niya ng magaan na halik pero siniil niya 'yon kaya nanlaki ang mata ko bago siya nagawang itulak."Kita na lang tayo mamaya ah?" Nakangisi niya pang sabi bago bumusina at pinaandar ang motor paalis.

Loko 'yon ah?

Hehehe,isang linggo ko ng akong nag pra-practice ng halik sa malambot niyang labi. Nakakahiya! Ano ba 'tong sinasabi ko psh. Dumeretso na lang ako sa loob ng school at nag punta sa faculty,nakasalubong ko pa si Ella.

"Enrolled ka na?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo,binayaran ko na rin yung tuition ko para sa buong sem na 'to. Nastress ako last time nung by term ko binayaran eh," napapakamot sa ulo niyang sabi at pinakita sakin ang COR niya. Nasa taas non ang section niya."Section A ako,natatakot ako. Sana A ka rin huhu!" Bulalas niya.

"Sige,hintayin mo ako. Ipapakita ko lang 'tong COR ko at nang makuha ko na ang section ko for this sem." Sabi ko at nag tanguan lang kami saka ko siya iniwan sa labas ng faculty. Pumasok naman ako matapos kumatok at bumati sa lahat ng CI's.

Dahil bayad na rin naman ang tuition ko para sa buong taon ay section na lang ang kinuha ko. Natuwa pa ako nung makita ang section ko.

"Ano? A din ba?" Bakas ang nerbyos at takot sa mukha ni ella. Kaya pagtri-tripan ko na muna 'to hehehe.

Don't want an Ending (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon