GALAXY'S POV
HINDI ko alam kung bakit gumaan ang pakiramdam ko nung magkaayos kami ni Dariel. Ang sarap lang sa pakiramdam na wala ka ng kasamaan ng loob.
"Ngiting-ngiti,may good news ba?" Natinag ako sa bulalas ni ella.
"Hmm,pasado tayo sa midterms!" Natutuwa ko pang sabi,half lies and half truth.
Totoo naman na masaya ako na pumasa kami sa midterms,matataas pa ang grades namin ni Ella. Pero ang totoo ay hindi nawawala sa isip ko si Dariel,napapangiti na lang ako kapag naiisip kong friends na kami.
"Tignan natin sa bulletin board,nai-post na raw sa labas ng faculty ang rankings ng top Student nurses for midterms." Nakangiti at excited niyang sambit.
Nakaramdam rin ako ng excitement at nagpahila na lang basta sa kaniya palabas ng room at nakikipag-unahan sa mga senior highschool students na nasa hallway rin,bumaba kami sa building. Ang building kasi namin ay ang mismong building ng senior highschool,section F kasi kami. Medyo nakakainsulto kasi ang Section A to E ay nasa blue building,tapos ang F to H ay nasa building ng senior high. Para kaming out of place sa school at department namin. Para ring iba ang mundo namin sa mundo nila. Magkaharap ang building namin sa building ng Nursing college,pero malayo ang pagitan kaya tanaw lang namin sila mula sa malayo.
Pagbaba namin ng hagdan ay ang mismong hallway na ng faculty ng iba't ibang department. Pero sa pinakabungad ng hagdan,sa right side ay ang nursing faculty.
Nagkukumpulan ang mga nursing students don.
"Tara na!" Excited na bulong ni Ella.
"Mamaya na lang,kita mong nagkukumpulan eh." Nakanguso kong sambit.
Pero hinila niya pa rin ako at nakipagsiksikan sa mga students na nasa bulletin board. Maiingay rin sila kaya nahihilo ako at sumasakit ang ulo ko. Hindi ako sanay sa matataong lugar at maiingay pa.
Tahimik kasi masyado sa kampo at mag-iingay lang kapag pinatunog ang malaking chime bilang hudyat na sabay-sabay ang lahat maghapunan sa malaking kubo kasama ang mga opisyales at anak ng mga opisyales.
Bumukas ang pinto ng faculty at lumabas don si Miss Luneza,ang level coordinator namin na mabagsik at kinatatakutan ng lahat. Mas takot pa sila dyan kesa sa dean namin.
"Students,why are you so noisy?" Seryosong tanong nito,wala man lang mababakas na reaksyon sa mukha. Natahimik ang kaninang maiingay na students,"Dinig na dinig sa loob ng faculty ang Aaah kasali ako! And wah Top student nurse ako! Ninyo!" Natawa pa ang ilan nung gayahin niya ang mga malalakas na bulungan na 'yon."It's just a rankings. Don't be so confident,may NAT pa kayo sa august. Which is next month na,kapag hindi niyo naipasa 'yon ay goodbye rankings kayo. You better do well." Seryoso pang dagdag nito na ikinatahimik ng lahat.
Ang NURSING APTITUDE TEST ang pinaka kinatatakutan ng lahat ng level 1. Pagpasok pa lang namin nung june ay ito na agad ang bumungad samin sa announcement,at kapag hindi namin naipasa 'yon ay magiging irregular students kami o kung hindi pa pumasa sa second take next year ay talaga namang mate-terminate na kami sa department.
"Oh em gee! Cannot be!"
"I'll do my best to pass the NAT!"
"Me too,papatayin ako ng mommy ko kapag na-terminate ako sa nursing!"
"Aaah! Nakakainis,sana kasi binigay na nila nung entrance exam pa lang para hindi na ganito yung pressure natin."
"True! Buti pa sa crimson,nauna yung entrance exam tapos kapag pumasa at qualified ka,magpro-proceed agad sa pagtake ng NAT!"
BINABASA MO ANG
Don't want an Ending (ON-HOLD)
RastgeleGalaxy Santianes is the granddaughter of a Soldier. She was raised to control her emotions and hold her temper and not to easily burst out from crying. Until she meets Dariel Peter Suficencia,who's very annoying and arrogant. Will they able to chang...