PANIMULA
Lucky.
Madalas kapag nalalaman ng ibang tao kung saang angkan ako nabibilang at kung ano ang pangalan ko, sinasabi nila na napaka swerte ko.
I am lucky because I was born with a golden spoon. They said I didn't have to excel in school because I didn't need high grades to find a good job. Dapat daw bigyan ko naman ng opportunity ang iba na hindi katulad ko na pinalad sa buhay. They said that I should learn how to be generous and have compassion for others.
Nakakalungkot na madamot ang tinggin ng mga tao sa akin kahit na hindi ako gano'n. Hindi ko ipinagdadamot sa iba ang mga bagay na hindi ko hiningi pero meron ako ngayon. Nakakalungkot na kahit nagbibigay ka ay madamot ka pa rin sa paningin nila. Na bukal sa puso ang pagbibigay mo pero pakitang tao ang tinggin sa 'yo.
Ipinamana sa akin ni Lolo Jac ang mga lupain niya bago siya nawala. Ipinamana naman sa akin ni Lola Juana ang isang resort niya dahil ako ang pinaka bunso sa lahat ng Valencia. Sa ngayon, si Mama at Papa ang nag-aasikaso ng mga 'yon. Hindi rin naman nila ako hinahayaang tumulong pa sa ngayon. I just graduated from high school last month.
I think I'm too young to have those things, but here they are, the fortunes my ancestors worked hard for, being served in front of me. Hindi pa naman talaga siya sa akin dahil hindi pa ako legal age pero sa akin mapapapunta.
Am I really lucky because of those things?
Swerte ba ako dahil hindi ko na kailangang paghirapan ang mga bagay-bagay para mabuhay? Dahil hindi ko kailangang magpakapagod para hindi magutom? Swerte ba ako dahil hindi ko na kailangang magpakahirap maghanap ng trabaho dahil ako na ang nakatakdang maging amo? Am I lucky to have the things they want, even though I’m not happy and I don’t have my own decision? If I’m like a puppet being controlled?
If that's how they define luck, then maybe I am. I am lucky.
Mula pagkabata ko, masasabi ko na hindi sila nabigo na iparamdam sa akin na mahal nila ako. Hindi sila nabigo na protektahan ako. Hindi sila nagkulang sa akin. I have a great family. Buong-buo ang childhood ko dahil sa kanila. Alam kong mahal nila ako kaya mahal na mahal ko rin silang pareho. Pero minsan parang sobrang ang pagiging protective nila. Hindi ba at masama kapag gano'n?
Sobrang protective nila at madalas nakakasakal na.
"Are you the parent or me?" Mom asked when I once fought for what I wanted. Gusto ko lang naman subukan ang magpunta sa amusement park ng mag-isa. Gusto ko lang labanan ang takot ko at subukan harapin 'yon para hindi ako palaging nakadepende kay Kuya Jackson at Mary pero hindi pwede.
"I'm sorry, Ma. Hindi na po mauulit." I just bowed down and accepted that I have no right to decide for myself.
Ako ang anak, ako dapat ang sumunod at umintindi. Para sa ikakabuti ko naman ang gusto niya kaya kailangan ko nang malawak na pang-unawa para maintindihan siya.
Hindi naman sobrang higpit ni Papa sa akin. Si Mama lang talaga ang sobra pero naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko talaga.
"Hey Babe," bati sa akin ng kaibigan kong si Mary.
Nakasuot siya ng denim short at white crop top na may naka imprentang Los Angeles. Pinaresan niya ito ng white sneakers. Naka bun ang buhok niya at may suot siyang sunglasses. May hawak din siyang lollipop na paubos na.
I smiled and immediately hugged her. "You're here. I thought hindi ka na darating,"
Nagtatampo talaga ako kapag umalis siya ng hindi nagpapaalam sa akin.
"Ano ka ba? Siyempre naman pupunta ako. I'm here na nga e." Mary exclaimed and hugged me back.
"Two hours late ka na kaya," pabiro ko siyang sinamaan ng tinggin.
![](https://img.wattpad.com/cover/277414019-288-k718190.jpg)
BINABASA MO ANG
Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)
RomanceA lot of people around Beanca Annavel Valencia envy her for having more privileges than others. While she also secretly envies others for having one thing she's lacking, her freedom. She doesn't have plans to seek the world outside her cage. She did...