Kabanata 20

67 5 0
                                    

Kasama Kang Tumanda
Song by Daniel Padilla

Kabanata 20

Monday. Sembreak was finally over. Balik school na naman kami. Sa sobrang aga kong pumasok ay ako palang ang nandito sa school. Medyo madilim pa kasi. Hindi pa nakabukas ang gate at wala si kuya Bong sa guard house.

"Sigurado kang ayos ka lang dito?" Nag-aalalang tanong ni kuya Jackson. Pinapauwi ko na kasi siya dahil alam kong inaantok pa siya. I nodded at him and even force a smile pero nginiwian niya lang ako, halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.

"I'm fine. Kung gusto mo doon na lang ako maghihintay sa coffee shop?" Itinuro ko ang coffee shop sa tapat ng school.

"Ikaw talaga." Napakamot siya sa noo niya. "Sige na nga. Tara, ihahatid muna kita."

"Ako na lang. Kaya ko na,"

"Huwag ng makulit," napanguso na lang ako at hinayaan siya. Nang maka-order ako at makahanap ng upuan ay tsaka pa lamang siya nakampante bago ako tuluyang iniwanan.

Ipinatong ko ang coffee ko sa table bago ko kinuha ang phone sa bulsa ng palda ko. I took a picture of my coffee. Pinost ko ito sa My Day ko sa IG. Wala pang isang minuto nang mag-reply si Wil.

Wil: Goodmorning! Where are you?

I immediately replied to his chat. I told him where I was and after 30 minutes nasa harapan ko na siya. Medyo hinihingal pa siya dahil siguro sa pagmamadali. I ordered a bread and coffee for him since he told me he didn't eat his breakfast. Pasaway.

"5:30 pa lang. Ang aga natin ha?" tanong niya habang kumakain.

"Napa-aga lang." Sagot ko habang nakahalumbaba ko siyang pinapanood kumain.

Pagkapasok ko sa kwarto noong araw na dinalaw ako ni kuya Kael, kaagad akong nag-chat kay Wil at humingi ng sorry. Nagpapasalamat ako na hindi siya nagalit sa akin at naiintindihan niya ako kahit hindi ako nagsabi ng mga problems ko sa kaniya. Ang swerte ko talaga sa lalaking 'to.

"Baka matunaw ako," natatawang saad niya paghigop ng kape.

"Don't worry. You're not an icecream," pambabara ko naman, hindi ko pa rin inaalis ang tinggin ko sa kaniya.

Nginiwian niya lang ako bago nagpatuloy sa pagkain.

Sabay kaming pumasok sa school pagkatapos niya. May mga estudyante na ngayon hindi kagaya kanina pero konti pa lang. Mahaba pa ang vacant time dahil alas-sais pa lang kaya tumambay muna si Wil sa classroom namin kung saan kami pa lang ang tao. Umupo siya upuan ni Ivan bago isinandal ang ulo sa balikat ko.

"Inaantok pa ako," parang bata niyang sabi. Napangiti tuloy ako pero guilty at the same time dahil alam ko na ako ang reason kung bakit napaaga ang pasok niya ngayon.

"Gusto mong matulog muna?" tanong ko gamit ang malambing na boses at bahagya pang sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko.

Umiling siya bago umayos ng upo. Magkaharap na kami ngayon. I'm just looking at him while he's biting his lips, trying not to smile.

"What?" natatawang tanong niya nang taasan ko siya ng kilay. "What's funny?"

He immediately shook his head, still trying to hide his smile.

"Kung napapangiti ka, don't hide it. I felt like I have something on my face, kaya ka ganyan." Inirapan ko siya bago kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko.

"Yes. You have something in your face," I looked at him.

"Ano? Can you remove it?"

Kaagad siyang umiling. "No, I won't. I can't remove the beauty in your face."

Taste Of Freedom |✓ (Dela Vega Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon